Kung alam niyo lang nasa tabi niyo ang kaaway niyo mga tanga

Limang araw na lang kaarawan na namin ng kakambal ko at yon mismo ang araw na susugod sila mom

~Princess Yuri's POV

"Ate selena?" Bulong ko habang nagmamadali pumunta sa pinanggagalingan ng boses na yon

Malapit na ako ate sa isip ko habag tumatakbo pababa ng hagdan

Boggsshhh

"Aray!" Sabi ko nang may tumama sa akin na matigas na bagay napaupo ako at naramdaman ko na may tao sa harap ko

At pang angat ko nang ulo isang babae at ramdam mo ang lakas ng kapangyarihan niya at pulang pula ang mga mata halatang hindi siya pangkaraniwan meron siyang tatoo sa noo niya parang ganon kay goddess ishna

Hindi kaya goddess din siya? At siya yung tinutukoy sa akin ni goddess ishna na tumutulong kay mom?

"Anong ginagawa mo dito?" Nakakatakot na boses ang pinakawalan niya

"Sino ka ba?" Tanong ko at hindi ko sinagot ang tanong niya

"Hindi mo na kailangan malaman kung sino ako mabuti pa umalis ka na dito" sabi niya at tinignan ako nang masama

"Hindi ako aalis kelangan nila ako" matigas na sabi ko at tumayo na sa pagkakatumba

Nagulat na lang ako namg bigla niya akong sakalin at pinaangat ako

"Sinasabi ko na nga ba isa kang hadlang sa kanya kung bakit bakit hindi ka niya magawang patayin eh wala ka namang kwenta at hindi niya maasahan" sabi niya at napapailing 

"Bi-bitawan m-mo ako" sabi ko na nahihirapan dahil hindi na ako halos makahinga

Nag smirk siya at hinagis ako sa pader

"Ahh" ramdam ko ang sakit ng katawan ko hindi siya basta basta dahil goddess siya

Nilabas ko ang rox sword ko at nagteleport sa harap niya akmang sasaksakin ko siya pero may pumipigil gumawa siya ng invisible shield napangisi naman siya at sinipa niya ako kaya napatalsik ako

"Tama na" sigaw ng boses ng babae at si arriane yon napakuyom naman ako ng palad

"Magandang pakinggan sa tenga diba? Lalong lalo na pagnahihirapan sila? Parang musika sa pandinig ko" sabi niya at humahalaklak

Unti unti siyang lumalapit sa akin at nang tumapat siya sa akin umupo siya para magkaharap ang mukha namin

"Wag kang magkakamaling kalabanin ako dahil kahit ikaw pa ang anak ni reika hindi kita sasantuhin" sabi niya at tumayo na

"Lumabas ka na dito at kalimutan mo kung ano ang nakita mo dito" sabi niya at tinignan ako nang mariin

"Kung inaakala mong natatakot ako sayo pwes nagkakamali ka kahit isa ka kang goddess wala akong pakialam" singhal ko sa kanya at waring hindi niya nagustuhan ang narinig niya at nag tiim bagang siya

Akmang magpapalabas siya ng kapangyarihan niya dahil may halomb itim at pula ang nagmumula sa kamay niya pero hindi ako naramdam ng kaba dahil ang nasa isip ko ang matalo siya dahil kating kati na ako puntahan sina ate selena

Pumikit ako at nagconcentrate ilalabas ko na ang buong kapangyarihan ko kahit kapalit nun ang mawala ako dahil hindi siya basta basta matatalo

"Pwes magpaalam kana dahil katapusan mo na prinsesa" sabi niya

Bubuksan ko na sana ang mga mata ko nang may naramdaman akong malakas na hangin at naramdaman ko na may humawak sa braso ko

Pagdilat ko si Goddess Ishna ang nasa harap ko

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now