Hindi ko pa ganun ka kilala si Kijan. Mabibilang lang sa daliri ko ang ilang araw ko siyang nakasama. Pero sa mga araw na 'yon na nag daan, para bang ang tagal tagal ko na siyang kilala... 

Wala siyang pinakitang kahina-hinala saakin. Kundi lahat ng 'yon ay sinuklian niya ng maganda. Ayokong isipan siya ng masama. Na ganun siyang klaseng tao base lang sa kwento ng iba. Ang bagay na 'yon ay gusto kong mang galing mismo sakanya.

Nagpalinga linga ako sa paligid ng maramdaman ko ang pag hinto ng kotseng sinasakyan ko. Nandito na pala ako samin. Bumaba na ako at buti nalang wala pa si Mommy sa bahay. 

Sigurado akong hindi na naman siya uuwi ngayong gabi. Tulog na siguro si Yaya Elen dahil wala ng sumalubong saakin pagkarating ko. Nag diretsyo na akong umakyat sa taas para magpahinga.

Madaling araw na ng magising ako. Binalot ko ng katawan ang comforter ko ng maramdaman ko ang lamig na singaw ng aircon sa balat ko. Ilang beses akong pumikit pero hinila na ako ng antok ko at nanatili nalang gising habang nakatingin sa kwarto kong binabalot ng kadiliman. 

I don't know. But there's something bothering me. I checked up my phone and it was exactly four am in the morning. 

Ibabalik ko na sana side table ko ang cellphone ko ng makarinig ako ng kaluskos na nagmumula sa balkonahe ng kwarto ko. Madilim at napaka tahimik pa man din doon pero naka sarado naman ang sliding door kaso sigurado akong hindi 'yon naka lock. 

Namilog ang mga mata ko ng tuluyan na siyang makaakyat sa balkonahe dahil sa nakita kong anino nito tumatagos sa kurtina. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa comforter ko habang sinundan ng mga mata ko ang anino niyang tumayo at unti unting naglakad papunta sa sliding door papasok ng kwarto ko. 

Inipon ko ang lahat ng lakas na makukuha ko pa sa katawan ko para makatayo at dali daling tumakbo sa may pintuan. Kaso, imbis na door knob ang pihitin at buksan ko, ang switch ng ilaw ang natamaan ng mga kamay ko.

Dahilan ng pagliwanag ng buong kwarto ko. Ang tanga! Dahan dahan akong lumingon kung sino ang taong tuluyan ng nabuksan ang sliding door. 

Tinanggal niya ang suot niyang baseball cap at tumambad saakin ang mukha niya. 

"Anong ginagawa mo dito? Late na ah?" Halos habulin ko ang hininga ko habang nagsasalita. Para akong nabunutan ng tinik ng makitang siya lang pala ito. 

Humawak siya sa batok niya at marahang minasahe iyon. Tumingala siya sa kisame habang nakapikit and slighty bending his neck side to side. Mas lalong nadepina ang adams apple niya sa tuwing lulunok siya at lumalakad papalapit saakin. 

"Sorry, nawala sa isip ko yung pagpunta sa studio. Something came up, I didn't get a chance to text you." Anito at hinanap ang siko ko para hawakan ito. 

Hindi ko pinahalata ang gulat ko ng maramdaman ang magaspang niyang kamay na kumapit saakin. 

He doesn't have to text me or tell me about his day. Obligado niya bang gawin 'yon? Naiinis ako sa sarili kong nag tatalo ngayon whether to ask him what happened. Why? The hell, Mikee!  I chose to be silent and act like it was nothing for me. 

"No, It's fine. Marami pa namang time." Sabi ko at ngumiti. "Bakit ka nga pala napadaan dito?" 

"I came here to say... hi?" Kinagat niya ang ibabang labi niya dahilan ng mas lalong pamumula nito. 

"You came here to say hi?" Natatawang sabi ko. "Wow, ngayon lang ako naka kita ng taong kayang akyatin ang balkonahe ko para lang kamustahin ako?" Sabi ko nanliliit na mga matang tinignan siya. Bahagya itong napayuko pero nakita ko ang multong ngiti sa labi niya.

Last Roseحيث تعيش القصص. اكتشف الآن