Chapter 27

695 19 2
                                    

Happy 31K reads. THANK YOU :*

Chapter 27

 

 

DJ's POV

Matapos kong kumanta, nagpalakpakan sila at ako naman ay umupo sa tabi ni Kath. Si Kath naman ay hindi makatingin sa akin kundi ay nakayuko lang siya at pinaglalaruan ang kanyang mga daliri. Hinayaan ko na muna siya dahil baka naiilang pa rin talaga siya sa akin.

Sino ba naman kasi ang hindi magugulat? Dati, kung ano yung mga sinasabi ko sa kanya na masasakit na salita, ngayon naman kung makipag usap at makipag asaran ako sa kanya ay parang walang nangyari. 

Alam ko namang naiilang sa akin si Kath ngayon pero hindi ko naman pwedeng hayaan na mapalapit siya ng husto kay Enrique.Lintik lang ang lalake na hahayaan ang babaeng mahal niya sa kanyang karibal.

Ilang sandali ay sumapit na ang Christmas. Andito rin lahat ng staff na naging isa sa mga dahilan kung bakit naging successful itong tour namin. At syempre binati namin ang lahat ng tao na naroon sa party.

Nagsikainan kami at hindi naman mawawala dun ang kwentuhan, asaran at kulitan. Pansamantala ko munang kinalimutan ang 'alitan' naming dalawa ni Enrique na ako at si Julia M. lang ang nakakaalam. 

 "Padilla" Parehas kaming napalingon ni Kath sa tumawag sa akin. At siya namang pagtawag ni Julia M. kay Kath.

"KATH." Julia M called Kathryn and signed her to sit next to her. Agad naman tumayo si Kath para lumapit sa pwesto nila Julia at nakipag kwentuhan.

"Oh ano yun Baretts." Asar ko sa kanya.  Umupo siya sa kaninang inuupuan ni Kath at biglang nagpout.

"Nakakamiss ka na." Instead na patulan niya ako dahil sa pangaasar niya sa akin kanina ay sumandal na lang siya sa balikat ko.

"Ang sabihin mo, namiss mo lang talaga ang kagwapuhan ko."

"Ang sabihin mo, namiss ko ang kahambugan mo." Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Lagi ka na lang sa mga fans mo, nakikipagbonding. Paano naman ako? Hmp" Pa-cute na sabi niya.

"Wag ka nga magpa-cute. Hindi bagay sayo noh. Tsaka, gusto mo ba akong maging third wheel sa samahan niyo ni Khalil. Ayos nga yun diba? Nakakapag bonding kayo ng crush mo. Ayaw ko namang manira sa moments  niyong dalawa. At ngayon ko lang naman makakasama ang mga fans ko na ganito katagal." I explained.

"Eh minsanan na lang rin tayo  makapunta sa ganitong lugar tapos kahit isang araw hindi mo pa ako mapagbigyan." May pagtatampong sabi niya.

"Asuus. Oh sige. Sa susunod na tour natin, tayo na ang magba-bonding. Okay ba yun?" Sabi ko para naman gumaan ang loob niya. Ito kasing si Julia B, bigla na lang magtatampo nang hindi mo alam ang dahilan. Minsan dinadaan niya lang sa biro pero totoo na pala. Sinabi ko na rin yun dahil para ko na rin naman siyang nakakabatang kapatid na tulad ng sinasabi ko sa mga interview ko.

"Talaga?" Bigla siyang nag angat ng ulo sa pagkakasandal niya sa balikat ko. At nakita kong nag ninigning ang kanyang mata dahil sa sinabi ko sa kanya.

"Opo. Kaya baby. Wag na iyak ha? Sasamahan ka na ni Daddy." Sabay gulo ng buhok niya.

"Argh! I hate you. Nangaasar ka na naman." Sabay pinagpapalo palo niya ako. Tumawa lang ako ng  tumawa dahil nakita ko ang maasim niyang mukha.

Habang pinapalo ako ni Julia *na hindi naman masakit* napatingin ako kay Kath,at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa amin. Nang nakita niya akong nakatingin sa kanya ay agad naman itong umiwas ng tingin sa amin. 

The Hottest Star Of The GenerationWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu