"What do you remember about him?"

"He's wearing a cap and all the while na nagbubunuan kami, di man lang yun natanggal, but his left eye is smaller. As in defective eye,"

"Namumukhaan mo?"

"Very,"

"We need a sketcher. May ipapadalang mga pulis si Mr. Hinares para magbantay sa'yo. Pwede sigurong magpahabol ng sketcher," Glaiza took her phone at tinawagan si Tito Ronnie. Sumagot si Mildred pero ipinasa naman ang phone kay Tito Ronnie at pumayag na magpadala ng sketcher.

Dumating ang mga pulis kinahapunan kasama ang taga-drawing. Solen and Glaiza didn't waste time. Solen discribed the suspect's facial features. Rounded face, flat na may kalaparan ang ilong, thick lips, isang rounded eye at ang kabila ay kirat. Hindi man kasama sa pagsketch pero sinabi niya na iika-ika ito nung tumakbo kahit mabilis. The sketcher did a good job nang makuha nito ang bawat detalye maging ang texture ng mukha. Glaiza suggested na huwag munang ipublic ang itsura ng suspect at hayaang umatake ito kahit patago. Mahihirapan kung isapubliko ito at magdecide na maglielow ang salarin. Ayaw sana ng mga pulis dahil malalagay sa peligro ang mga naging biktima nito kung sakaling balikan sila nito.

"Yun ang inaasahan ko. Hindi natin kailangang magpagod sa kakahanap. We are letting him expose himself," paliwanag ni Glaiza.

"Gagawin ninyong pain ang pinupuntirya ng suspect?" tanong naman ng isang pulis.

"Kung kinakailangan, basta't maging alisto tayo. Mahigpitang pagbabantay,"

"Mam, taliwas yan sa aming mga pulis na ilagay sa panganib ang biktima," argumento ng pangalawang pulis.

"I agree with Glaiza's idea at payag akong maging pain," sagot naman ni Solen.

"Eh paano po si Ms. Howell? Payag ba siya?"

"May mga tauhan si Mr. Hinares. Siguradong bantay sarado ang buong bahay," explain ni Solen.

Nagkatinginan ang dalawang pulis at sketcher. Bawal na bawal sa mga pulis na ilagay sa peligro o gawing pain ang biktima. Maaari man as long as alam ng kanilang chief at ng ipapain. Pumayag ang magkainigan na ipaalam muna ito sa kanilang director.

----------

Kinagabihan, nagising si Rhian. Hindi niya alam na nakatulog pala siya pagkahiga niya sa kanyang kama. At ang unang pumasok sa isipan ay si Glaiza. Kamusta na kaya ito? Kamusta na rin si Solen? Sa totoo lang, alam ni Rhian ang nangyari sa hospital. Tandang tanda niya how they ended up sleeping together.

Nagkakakwentuhan sila. Nabanggit ni Glaiza ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Ang pinagkaiba ang may stalker si Rhian at samantalang hindi niya alam kung meron din ang kanyang ate. Wala naman kasing nababanggit sa kanila at wala ring nababalita sa local entertainment news. Nagpatango-tango na lamang ito habang kinukwento ni Glaiza ang kanyang nabalitaan hanggang sa humikab si Glaiza na nahawa si Rhian kaya't nagkatawanan pa sila at halatang kumportable sila sa isa't isa. Eact of them tool separate ends of the sofa, since naka hospital gown si Rhian, nakaramdam siya ng lamig ng aircon, si Glaiza naman naka-jacket. Pero sa kabila ng lamig ay nakatulog si Rhian, nagising lang siya ng naramdaman niya ang mahinang tapik sa kanyang hita. Papungay-pungay siyang nagising. Hinila siya ni Glaiza sa kanyang tabi at niyakap. Ibinalot sa espasyo ng kanyang jacket ang dalaga. Mainit ang katawan ni Glaiza kaya't kumportableng nakatulog si Rhian. Hindi na siya gininaw. Nang gumalaw si Glaiza at nagising siya, nginitian pa siya nito pero biglang binawi at nagulat pa kaya naghulog ito sa sofa. Gusto sana niyang tawagan ito pero natitigilan siya. Hindi siya masyadong kinausap ni Glaiza buong oras na nandoon siya. Galit ba sa kanya ito? In the first place, hindi naman siya ang kusang matulog sa tabi nito. Ginising pa nga siya at hinila para tumabi sa kanya. As in nagsiksikan silang dalawa sa sofa na halos nakapatong na siya sa ibabaw ni Glaiza. And that kiss almost to her lips. She relived the feeling. Wala pang nakakahalik sa kanya aside from her parents and Maxene. Well, she had beso-beso with her co-celebrities and some reporters na kilala niya, maging ang mga members nga kanyang fans club, but not an intimate kiss. Can she classify Glaiza's kiss to intimate? Eh yung pagkakayakap sa kanya? Yung pwesto nila? 

She can't deny it, may kilig siyang nararamdaman at dahil doon ay niyakap niya ang kanyang unan at doon ibinuhos ang kilig na nararamdaman. Gusto niyang sabihin kay Glaiza na she's falling for her, at tulad ng sabi ni Solen, may gusto rin ito sa kanya. Pero may boyfriend siya and she's not a wrecker.

----------

Sa isang slum area sa manila, nakakubli ang suspect. Titig na titig ito sa mga larawang halos matakpan ang buong dingding ng maliit na bahay na inuupahan. He trace the girl's face on the picture like he can feel the texture of her skin. Ang ilong nito pati. Inilapit ang kanyang labi sa labi ng babae sa litrato. Ilang beses na silang nagkita. Ilang beses na niyang nakadaupang palad. Ilang beses na nakasama sa litrato. Pero sa kabila nun ay hindi niya makuha ang pansin nito, kahit pa sa nangyari sa concert nito. Nabigyan man siya ng pansin, pero hindi ang iniidolo niya ang humarap sa kanya. Para siyang tinatakaw, pinasasabik. Lalo siyang nababaliw. Nao-obsessed. Nalaman niyang naging mahigpit ang bantay sa tinitirhan nito pagkatapos ng kanyang ginawa, maging ang bodyguard nito. Pero hindi siya susuko lalo na ngayong may contact na siya. Mapapasakanya na rin sa wakas si Calliope. Matitikman na niya ito at gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto niya. 

Nagring ang kanyang telepono. Walang numero na lumabas pero alam na niya kung sino ito. Sinagot niya ito agad at nagsalita ang nasa kabilang linya. Sa teknolohiyang meron ngayon, maaari ng magbago ang boses ng tumatawag, at ang boses ay parang robot. Hindi sumagot ang lalaki pero nakikinig lang ito sa kanyang kausap. Isang instruction ang ibinigay sa kanya hanggang sa maputol ang linya. Isang malaking halaga kapalit ang pagdukot niya sa babaeng kanyang kinababaliwan. Hindi niya alam kung paano nakuha ng kanyang contact ang kanyang numero pero tila alam nito na baliw na baliw siya kay Calliope. At dahil din sa taong ito nalaman niya ang sikretong itinatago nito.

Si Calliope at si Rhian Howell ay iisa...

Kapatid ng yumaong artista na si Maxene...

Ang babaeng naging dahilan ng kanyang pagkabigo sa pag-ibig....

At dahil sa pagkabigong iyon...

Kanya itong pinatay...

----------

hmmm... ang lamiiiiig!!!! pengenge kayakap! hahahaha.... lalo pang lumamig kasi nakakakilabot naman ang gustong gawin ng psycho na to kay Calliope/Rhian. At sino naman ang contact niya? 

The FanDove le storie prendono vita. Scoprilo ora