"D-Deo, that's...impossible." iling ko kahit mismong sarili ko ay niloloko ko. "We...barely know each other for a few weeks. Paano mo malalaman—" tanong ko pa sana pero maagap siyang sumagot.

"I didn't know why, Elora, but when I saw you in that bar...I feel like I've known you for a long time. Hindi ko na napigilan ang sarili kong lumapit sa'yo." Napapaos ang boses niyang sinabi.

Lumapit nga siya sa'kin nung gabing iyon pero nauwi naman siya sa pakikipaghalikan sa ibang babae. And take note, sa harap ko pa mismo.

"Yes... I remember that you even asked me to go out with you pero nag-iba agad ang isip mo then you kissed another woman...infront of me. How can you explain that?" I confusingly asked. Parang asido ang mga salitang iyon sa dila ko. I don't want to sound bitter but I just can't stop myself.

"I didn't want it and it meant nothing to me. Rash is so wasted that night that I can't stop her. She was so devastated about her break up kaya sinamahan ko siya noon sa bar. Wala siya sa tamang wisyo noon kaya niya nagawa iyon." marahang paliwanag niya.

"W-Wala kayong naging relasyon ni Rash?" halos pabulong kong tanong.

Umiling siya. "Kaibigan ko lang siya. She's like a little sister to me. Hanggang doon lang ang nararamdaman ko para sa kanya." sagot niya.

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. I'm lost for words. Nanatili na lang akong nakatingin sa kanya at hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.

"Since that night that I've met you and the following days that we've been together...I just can't deny to myself that I really felt something special for you." He confessed. His words were spoken with such sincerity that it almost feels dreamlike.

I didn't say anything. Nanatiling tikom ang bibig ko. Tumingala ako sa kalangitan at nakitang mas dumami na ang mga bituin sa kalangitan. Lumalalim na ang gabi at hindi na namin namamalayan ang mabilis na paglipas ng oras. If only I could wish that this night would never end.

But I know that my wish won't ever happen. This night will eventually come to an end...but the memories I had with him this evening will never be forgotten. Sigurado akong tatatak ang gabing ito sa puso at isip ko at kahit saan pa man ako dalhin ng tadhana, bitbit ko ang alaalang ito.

I love him... I was so sure about that but he came along at the wrong place, at the wrong time of my life.

"I'm sorry, Deo." I whispered, finally breaking free my train of thoughts.

"What?" naguguluhan niyang tanong. May bakas ng takot sa kanyang mukha.

"I-I'm sorry...Hindi ko kayang pagbigyan ang hiling mo. I can't come with you." pumiyok ang boses ko. I slightly bowed my head, trying to hide the pooling tears in the corner of my eyes.

Siguro ito na ang paraan ng tadhana para tuluyan na kaming maghiwalay ng landas. Alam ko namang mangyayari din iyon pero hindi ko inakalang mas mapapaaaga pala sa inaasahan ko.

"But why?" malungkot niyang tanong.

"May mga kailangan kasi akong gawin dito. Hindi ako pwedeng umalis ng bansa" rason ko. Pakiramdam ko'y nagkakasala ako dahil sa mga kasinungalingan ko. Pero kailangan kong magsinungaling...this is the only way I can refuse him even thought I don't want to.

Mas lalo akong nakaramdam ng guilt nang makitang lumungkot ang mukha niya.

"Okay. I understand." Buntong hininga niya pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan. Alam kong dismayado siya, pero ganoon din naman ako. Kung pwede ko lang sana sabihing pareho kami ng nararamdaman.

"Pasensya na talaga, Deo. Kahit gustuhin ko man, hindi talaga pwede eh." Hingi ko ulit ng paumanhin. Tumango lang siya pero hindi pa rin nawawala ang lungkot sa kanyang mukha. "Hindi man ako makakasama, gusto kong malaman mong masaya ako para sa'yo at sinusuportahan kita." Dagdaag ko.

Seducing My Cousin's Boyfriendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن