Chapter 26: Secret Weapon

Začít od začátku
                                    

"Godspeed," sabi ng arsobispo.

#

Tumatakbo ng provincial highway ang convoy ng police car at Pajero. Ang destinasyon nila ay ang mental hospital kung saan naroon si Ester. Ang bayan ng Oram na malapit na sa border ng Camarines Norte.

"Mayor, ano ba'ng sounds natin d'yan?" tanong ni Hannah mula sa likuran.

"Sounds? Ano ba'ng trip n'yo?" balik ni Mayor Arteza, ready na siyang magpasikat sa alam niya sa music.

"Gusto ni Hannah, Celine Dion, Sonny," mabilis na hirit ni Jules.

"Sorry, wala ko nun at sigurado ka ba?" nagtatakang tanong ni Mayor kay Hannah. "Akala ko naman ang trip mo eh..."

"Huwag ka kasing magpapaniwala sa ungas na ito," inis na sabi ni Hannah sabay palo sa semi-afro na buhok ni Jules.

Natawa si Jules.

"Meron ka bang alternative rock?" hiling ni Hannah.

Tinignan ni Mayor ang mga disc niya sa glove compartment.

"Meron akong Stone Temple Pilots...Bush...Counting Crows..."

"Counting Crows?" natawa si Hannah. "Talaga lang?"

"Oasis...Linkin Park...Creed..." patuloy ni Mayor.

"Yung Creed!" masayang sabi ni Jules. "My sack of rice!"

"Huwag ka nga, Jules," inis na sabi ni Hannah, at, "Linkin Park na lang!"

Pinasok ni Mayor ang disc ng Linkin Park at in-up ang volume.

I cannot take this anymore,
I'm saying everything I've said before.
All these words they make no sense,
I find bliss in ignorance.

"Pansin ko lang," sabi ni Jules. "Para atang puro patay na singer ang pinapatugtog natin recently."

Ngumiti si Hannah. "O, 'di ba?"

"Sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa," singit ni Father Markus.

Napatingin ang dalawa sa pari at sabay na sinabing:

"Amen."

Biglang nag-ring ang cellphone ni Father Markus. Nang tignan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niya ang number ni Bishop Israel. Agad niyang sinagot.

"Hello?"

"Hello, Father," sabi ni Bishop Israel sa kabilang linya.

Hininaan ni Mayor ang volume.

"Kailangan nating magkita, Father," sabi ng obispo. "I have good news."

"Ano 'yon, bishop?" curious na tanong ni Father Markus.

"I have..."

Nagulat sila nang bigla na lamang lumakas mag-isa ang volume ng car stereo at natabunan ang sinabi ng bishop ng malakas na tugtog ng Linkin Park. Nakabibingi. At nakapagtataka, pagka't kahit anong galaw ni Mayor sa volume knob ay hindi humihina ang volume. Pindutin man niya ang off ay hindi namamatay ang stereo. Patuloy ang malakas na tugtog. Nagsitakipan sila ng mga tenga. Napangiwi si Manong Driver. Tanging si Hannah lang ang natutuwa, at naghe-headbang pa't sumasabay sa chorus ng kanta.

Everything you say to me
Takes me one step closer to the edge
And I'm about to break.

Tinabi ni Manong Driver sa curb ang sasakyan at nagbabaan sila. Nagsisipagtinginan ang ibang mga sasakyan na dumaraan, nagtataka sa bumabayong tugtog mula sa Pajero. Kinapa ni Mayor Arteza ang mga wiring sa ilalim ng dashboard at nang matunton ang wire ng car stereo ay hinila ito at saka pa lamang nawala ang malakas na tugtog. Nagsipagpahinga muna sila dahil tumitililing pa ang kanilang mga tenga.

"Grounded ata ang wiring," sabi ni Mayor.

"It's a sign," sabi naman ni Hannah habang nagsindi ng yosi. "May kumukontra."

Tinawagan ni Mayor si Hepe at sinabing huminto sila ng saglit pero papaalis na rin.

"Okay ka lang, Father?" tanong ni Jules habang pasakay uli sila.

Tumango si Father Markus. "Okay lang ako. Pero, ang cellphone ko hindi."

Pinakita niya ang cellphone. Patay ang screen nito at may parang amoy sunog. Nang buksan nila ang takip sa likod ay nakita nilang nalusaw ang battery. Nagkatinginan sina Father Markus at Jules.

#

Nasa kanyang study room si Bishop Israel at hawak ang kanyang cellphone. Ibabalita sana niya kay Father Markus ang tunkgol sa rosaryo nguni't naputol ang kanilang usapan. Namatay na lamang basta ang linya. Kanyang sinubukang tumawag muli, pero ang sabi lang sa phone ay: the number cannot be completed as dialled, please check the number and dial again. Nagtatakang binaba ng bishop ang cellphone. Wala ng ibang way para tawagan si Father Markus. Hindi naman niya alam ang mga numero ng team niya. Napatingin siya sa kanyang easy chair kung saan nakapatong ang leather bag na laman ang kahon at rosaryo. Alam ng dimonyo ang pakay ko at pinipigalan nitong makarating ang rosaryo sa kamay ni Father Markus, wari niya. At naalala niya ang usapan nila ng arsobispo sa opisina nito. The devil hates him and the devil fears him.

Naupo si Bishop Israel sa study table, binuksan ang drawer at kumuha ngpapel at bolpen, at may sinulat. Pagkatapos ay tinupi niya ang liham atinilagay sa loob ng kanyang leather bag. Ngayong hindi niya makontak si FatherMarkus ay wala siyang ibang choice kundi dalhin niya mismo ang rosaryo sa pari.

NEXT CHAPTER: "Huling Hantungan"

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseKde žijí příběhy. Začni objevovat