Chapter 11: Si Mayor

Bắt đầu từ đầu
                                    

Pasado alas-tres ng Hapon nang inilabas ng kubo ng mga paramedics ang bangkay ni Father Dacayman at ipinasok sa ambulansya. Malungkot na pinanood ng lahat ang pag-alis nito.

"Okay, so bad start para sa atin ito," sabi ni Jules at nag-fold ng mga arms.

"Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Father Dacayman," sabi naman ni Hannah.

Napakunot-noo si Father Markus. Somehow, hindi siya nakaka-sure sa sinabi ni Hannah. Maya-maya'y lumapit sa kanila si Hepe.

"Ano'ng plano na natin?" aniya.

"Maiwan dito si Father," sabi ni Hannah. "Kami ni Jules pupunta sa Anlunan Residence. Pa'no nga pala 'yung permit kay Mayor?"

"Nagdilang anghel ka," sabi ni Hepe.

"Ha?"

"Ayan na si Mayor," sumenyas si Hepe. Mula sa kalye, padating ang kulay itim na Pajero na nag-iiwan ng makapal na usok.

Malayo pa lang ay nagpahiwatig na si Mayor ng presence niya. May wang-wang ang Pajero. Pumarada ito sa tabi ng police jeep at bumaba ang alkalde. Nasa kanyang late 40s at hindi tubong-Daigdigan si mayor, kundi'y taga-Lucena. Isa siyang negosyante, partikular sa real estate, at isa pang bachelor. Dahil hindi pa ganoon katanda, kakaiba ang hilig niya, kaya hindi kataka-taka na ginawa niyang isang tourist attraction ang haunted house ng mga Anlunan. Lumapit siya kina Hepe habang naiwan sa may Pajero ang isang naka-barong na bodyguard at ang may edarng driver nito.

"Mayor..." bati ni Hepe.

"Hepe..." naka-ready smile na si Mayor na suot ay itim na leather jacket, jeans at leather shoes. "Nakasalubong namin 'yung ambulansya."

"Dadalhin na si Father sa bayan," sabi ni Hepe.

Mula sa ngiti, ang expresyon ni Mayor ay lumungkot, at siya'y tumango-tango. Pagkatapos ay tinignan niya ang mga bagong mukha.

"Kayo ang tumingin kay Berta?" aniya sa kanila.

"Si Jules, Hannah at Father Markus," pakilala ni Hepe and in turn, "Si Mayor Arteza."

"Call me Sonny!" biglang nanumbalik ang ngiti ni Mayor habang kinamayan ang tatlo.

Huling niyang kinamayan si Father Markus at saglit siyang napatigil. Parang medyo natulala, pagkatapos ay ibinalik na naman ang kanyang mga ngiti at tinignang mabuti ang mga kausap.

"So, balita ko, may kakaibang nangyayari sa Daigdigan?" excited na sabi ni Mayor Arteza. "Demonic possession, exorcism, ghost hunting. Hindi n'yo naitatanong, mahilig ako sa mga bagay na ganyan. Sa occult, paranormal, ghosts. Kaya nga binili ko 'yung bahay na bato, para idagdag sa collection ko. Alam n'yo, ngayon lang ako naka-meet ng actual na ghost hunters, at isang exorcist!"

"Si Jules ang ghost hunter!" natatawang turo ni Hannah sa katabi.

"Parapsychologist to be exact," sabi ni Jules. "Si Hannah ay isang psychic, and yes, si Father Markus ay isang exorcist."

Nagliwanag ang mukha ni Mayor nang marinig iyon. Isang parapsychologist, isang psychic at isang exorcist! Hindi niya ma-contain ang kanyang excitement. At si Hepe, ngayon din lang niya iyon narinig at biglang na-curious. Alam niya noong una niyang makilala ang tatlo, na may espesyal kay Father Markus at nagulat na sina Julius at Hannah's mga kakaiba rin. In-explain ni Julius na ang parapsychologist, ay ang mga nag-aaral ng field of psychology, iyong mga unexplained phenomena, mga paranormal occurences, ghosts, apparitions, near-death experience, at psychic abilities tulad ng ESP, telepathy, clairvoyance at psychokinesis. Si Hannah mismo ay isa rito bilang isang psychic o medium. Siya na may third eye at nakakapag-communicate sa mga spirits.

"So, para kayong isang team?" ani ni Mayor.

"Y-yes, in a way, parang ganon na nga, ah, Sonny," sabi ni Jules.

"Hindi lang basta parapsykuloloy si Jules," sabi ni Hannah. "Kung tungkol sa paranormal, parang encyclopedia 'yan!"

Lalong na-impress sina Mayor at Hepe.

"Ano uli 'yung sinabi mong collection mo?" binalikan ni Father Markus ang sinabi ng alkalde.

"Ah, yes. Nangongolekta ako ng mga religious artifacts," pagmamalaki ng Mayor. "Mga antiques. Alam n'yo ba yung dybbuk box? Nag-bid ako dun nung lumabas 'yun sa e-Bay."

Tumango si Jules. Alam niya. Ang dybbuk box ay isang antigong Hebrew na wine box na umano'y tinitirahan ng isang masamang espiritu. Ito ang inspirasyon ng pelikulang The Possession. Lumabas ito sa e-Bay at may ilang may-ari na ang dinaanan nito at ayon sa kanila, may mga naranasan silang hindi maganda, kasama na ang hindi magandang taglay nito sa kalusugan habang nasa kanila iyon.

At dugtong ni Mayor, "'Di nga lang ako nanalo."

"Good for you, Sonny," ani ni Jules, wholeheartedly.

"Punta kayo sa bahay ko, para makita n'yo ang collection ko," proud na imbita ng alkalde.

Tumango si Father Markus, "Yes, baka sakaling gawin namin 'yan...as a last resort."

"Gusto sana nilang mag-overnight sa bahay na bato ngayong gabi," inform ni Hepe.

"May kinalaman kasi ang possession ni Berta sa Anlunan Residence," dagdag ni Jules.

Tumaas ang kilay ni Mayor with curiosity, at pinatong pa ang isang kamay sa kanyang baba.

"Ah, ang batang ipinanganak sa haunted house," tumatangong sabi niya. "Yes, of course. Feel free. Except, may request lang ako..."

"Entrance fee!" bulalas ni Hannah.

Umiling si Mayor habang nag-no no no.

"Isa din kasi akong amateur na, you know, filmmaker," pa-humble niyang hayag. "Okay lang ba na I tag along and document everything?"

Nagkatinginan sina Jules, Hannah at Father Markus. Unsure.

"Don't worry, hindi ako makikialam sa kung anumang activity n'yo," assure ni Mayor. "You won't even notice I'm there."

Sabay ngiti ni Mayor, 'yung last sentence niya ay alam niya full-well na isang kasinungalingan. Nakatingin siya sa tatlo waiting for a response, na alam din niyang iisa rin lang naman ang expected na sagot.

"Y-yes, sure, Sonny," pilit na sabi Jules.

"Good!" bulalas ni Mayor. "C'mon, I'll give you the grand tour ng bahay na bato."

Naglakad si Mayor papuntang Pajero at pinagbuksan ng pinto ng kanyang bodyguard. Nagkumpol sina Jules, Hannah, Father Markus at Hepe.

"So, Father, tuloy game plan?" tanong ni Jules.

"Yes, ako na bahala muna kay Berta," sagot ni Father Markus, at bumaling sa pulis. "Hepe, samahan mo siguro sila."

"Okay, nandito naman si Rosales at iwan ko 'yung isa ko pang tao," pag-agree ni Hepe.

Nauuna ang Pajero kasunod ang Hi-ace sakay sina Jules at Hannah at sa huli, ang police car lulan si Hepe at isang pulis. Pinanood sila ni Father na umalis at nang hindi na matanaw ay ibinalik ang tingin sa kubo. Naroon sina Kanor at Wendell hinihintay siya, at sina SP04 Rosales at isang babaeng pulis ay mga nakabantay.

May lungkot sa mga mata ng pari. Sinisisi niyang kanyang sarili sa pagkamatay ni Father Dacayman. Hindi dapat nangyari iyon, aniya. Hinayaan niya. At dahil doon, wala na talagang atrasan. Kailangang managot kung sino mang hayup na dimonyo ang katunggali nila.

NEXT CHAPTER: "Proteksyon at Mga Unwelcomed Guests"

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ