“Ok then, say hi to Liam for me ok? Happy birthday again Agatha” sabi nya.

“Sure. Thank you Dad, drive safely ok? Call me when you get home” paalala ko sa kanya. at kiniss ko na sya sa cheek bago ko sinarado yung pintuan ng kotse nya.

He wave his hand at saka umalis na din. Nung makaalis si dad saka ako pumunta sa kotse ko. Nauna na akong umalis sa mga friends ko kasi alam nilang may usapan pa kami ni Liam. 8pm ang usapan namin, syempre ako si Aga kaya naman sure akong late na ako. 7:45pm na. Sanay na naman si Liam eh. I texted him bago ako magdrive na I’m on my way. Para i-assure sya na pupunta ako.

*Hotel*

8:30pm na ako nakarating. Hindi pa din nagrereply sakin si Liam…baka busy sa pagluluto.

“Good evening Ms. Aga” bati sakin nung guard.

Nginitian ko na lang sya bago ako pumasok. Nakita naman kaagad ako ng receptionist at agad akong binati at inilead sa may garden. Nung nasa may glass door na ako papunta sa garden, iniwan na din ako ng receptionist yun daw kasi yung utos sa kanya at nagthank you na lang ako sa kanya at dumiretsyo na sa may garden

Habang naglalakad ako, na-amazed ako sa mga paper lantern at sa mga white petal roses na nakakalat papunta sa isang table na naka-ayos. Candlelight dinner? Haha. Hindi ko akalain na may ganitong side pala si Liam. Napansin ko din habang papalapit ako sa nakaayos na table na may nakapatong na isang bouquet of white roses. May napansin din akong tao sa gilid. Akala ko si Liam na, pero hindi pala. Bigla kasing tumugtog ng violin nung nakitang naglalakad ako papasok.

Hindi ko mapigilan na mapangiti. At gustong gusto ko ng makita si Liam para magpasalamat dahil sa loob ng 24 years of my existence ngayon lang ako nakaranas ng ganitong set-up. I know, madami na akong nakakadate pero tulad nung sinabi ko noon nung valentines day sa kanya na hindi ako nakaranas ng “real date” kadalasan kasi namemeet ko lang sa isang party, dahil ayoko ng seryoso. But now? Ghad. Ganito pala yung feeling nung mga romatic dinner date.

Nung nakarating ako sa table, inikot ko ang tingin ko sa garden, hinahanap ko si Liam. Lumapit yung waiter sakin at pinaupo na nya ako. Sinabi sakin na hintayin ko na lang muna si Liam. Kaya sinunod ko naman yung sinabi nya habang tinitignan ko yung paligid. Masyado kasi akong naamaze sa pagkakaayos. Kinuha ko yung bouquet of white roses, at binasa ko yung card from him.

Hey, late comer!

Happy birthday, I hope you don’t find the “set-up” boring.

Save your VIOLENT reaction later. Thank you.

-Liam

Napakasimple lang nung laman nung card pero it means a lot to me. Napatawa nya ako dun. Kaya siguro sya hindi naka-attend sa fashion show ko kanina. Now I know, sulit naman pala yung hindi nya pagpunta.

9pm nung nakarecieve ako ng text from him. Na may biglaan syang inasikaso. Tinanong nya ako kung makakapaghintay pa ako. Syempre I said yes. tutal, nandito na rin naman ako saka I want to wait for him din naman dahil ever since naman nung nagkakilala kami sya na lang yung palaging naghihintay sakin.

[LIAM]

(Kasabay nito yung fashion show ni Lira)

Birthday ni Lira ngayon at eto ako busy sa pag-aayos ng garden para sa surprise ko sa kanya. Naalala ko kasi yung sinabi nya sakin noon na hindi pa sya nakakaranas ng romantic dinner. At pinaalala nya din sakin kagabi na “please lang. ayoko ng party. Kaya don’t bother to plan one” kaya ito. Maaga ko ding tinapos lahat ng appointments ko, and hindi na din ako pumunta sa fashion show nya.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ