PROLOGUE ---
"WAAAAAHHHHHHHHH.. Sabog ang inbox ko :( masisira ang phone ko nento huhu :(" sabi ni Jasmin ang Besfriend ko.
"Ee paanong hindi sasabog ee sumali sali ka diyan sa clan na yan" tugon ko naman
"Inggit ka lang! palibhasa walang nagttxt sayo :) HAHA . Best try mo kayang sumali dito dali malay mo andito si Mr. Soulmate mo"
Sabi ni Jasmin na medyo nahehesterical sa kilig *LOL*
"Hay naku Best naman.. kaya lagi kang naghihimaktol diyan sa buhay pag ibig mo ee, kung ano anong pinaniniwalaan mo na napakalabo namang magyare". Sabi ko sabay talikod sa kanya.
"Hoy Best! di naman.. sadyang madali lang mafall ang Best mo :( kaya laging talunan". sabay simangot ng mukha.
"Heh! magdadrama ka nanaman ba? kahit di ko nakikita yang mukha mo alam ko nakabusangot yan! Naku naku, halika na nga at bumaba na tayo ng makapag agahan na". umakmang tatayo na ko ng pinigilan ako ni Jasmin at hinila para mahiga ulet.
"Best" sabay yakap sa likuran ni Karla. "Salamat aa, kase di ka nagsasawa sakin kahit minsan ang sarap ko ng sapukin.
Salamat kase ----" humarap ako sa kanya at di ko na siya pinatapos magsalita.
"Best naman, ilang beses ko ba naman na sasabihin sayo na kahit anong mangyare andito lang ako, pinangako ko sayo un diba? Kame ang magiging pamilya mo simula ng naulila ka sa Nanay mo, ako ang magiging ate mo." sabay haliko sa kanya sa noo. "Kaya, di mo na dapat kailangan magpasalamat ng paulet.ulet, bebenggahan na kita ee, halika na nga bumaba na tayo."...
![](https://img.wattpad.com/cover/14726852-288-k86dc57.jpg)
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED YOU <3
Teen FictionNaranasan mo na ba ung bigla ka na lang makakaramdam ng kakaiba sa isang ekstrangherong tao? Yung tipong di mo Akalain na bigla na lang .. bigla ka na lang mahihiwagaan sa nararamdaman mo? #read this One :)