Chapter 44 - Fights

Beginne am Anfang
                                    

"What? Alam mong hindi ganon iyon. Kayo pa rin ang pipiliin ko. Ilan beses na ba natin 'to pinagusapan? Palagi nalang tayo ganito. Please, just understand. Sila ang kasama ko sa classroom araw araw. Expect me to be close to them too." He explained but I stopped hearing him long ago.

He's right. Paulit ulit nalang kami. Ang source ng argument namin palagi ay mga bago niyang kaibigan. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya magawang umayaw sa kanila. Lahat naman kami college student at may mga bago rin kaibigan pero ang kinikilalang kaibigan ko pa rin ay sila Tati at mga barkada niya.

"You're not the only one who is jealous. Nagseselos ako every time you mention them. Halos lahat sila babae. Nagseselos ako sa tuwing maririnig o makikita ko si Celine. How can you expect me to understand when that Celine. Celine na walang ginawa kung hindi dumikit sayo at landiin ka at ikaw naman binabewala mo lang lahat. Don't tell me it's nothing Liam. She can't stop looking at you." Sabi ko at nagsisimula nanaman akong maiyak.

Hinawakan niya ang mukha ko. "Baby, kailangan ko lang ay intindihin mo ako. This is hard for me too. Ayaw kong nakikipagaway sayo. Pero palagi nalang tayong nagaaway dahil hindi mo naiintidihan."

Palagi nalang ako ang hindi nakakaintindi. But does he understand where I'm coming from? Siya nalang palagi ang kailangan kong intindihin bakit hindi naman ako ang intindihin niya?

Umiling ako, "You have to understand me too. Hindi ako nakikipagaway dahil gusto ko. Ayaw ko rin nagaaway tayo pero hindi mo rin ako naiintindihan. And honestly hindi ko na rin alam ang sasabihin ko."

"Baby," He started but I pulled away from his touch.

I'm done for tonight. Wala naman mapupuntahan 'tong usapan na 'to.

"Alam mo, ayaw ko nang pagusapan. Gusto ko nang matulog. Go, doon ka na sa mga kaibigan mo. Bahala ka na. Tutal hindi naman kita maintindihan pero baka sila maintindihan ka nila. Sila ang kausapin mo kung gusto mo ng kausap. I don't want to talk anymore."

Bumaba na ako at pumasok ng bahay. Bahala siya kung ayaw niyang umuwi basta ako tapos na ako. Ayaw ko nang makipagusap.

He texted me after that at tinignan ko lang ang message niya at hindi nagreply. I just laid down in bed and cried until nothing comes out anymore.

The next morning I woke up with swollen eyes. Habang naghahanda akong papasok ng school ay hindi ko ni isang beses tinignan ang phone ko.

Paglabas ko ng gate ay napatigil ako dahil nakahinto ang kotse niya sa tapat.

Sumakay nalang ako at tumingin sa labas. When he realized that I'm not saying anything he sighed.

"Hindi ka nagrereply sa mga texts ko kaya pinuntahan kita."

Tumango lang ako.

"I'm sorry."

Tumango ako ulit.

"I've thought about what you said and you're right. Sorry kung ganon ang pinaramdam ko sayo. I love you. I want you to know that you're the only girl I want. Wala nang iba. Ikaw lang."

"Sorry rin." I said after a moment. "Bati na tayo."

Pagkarating namin sa school hininto niya muna sa tabi dahil medyo maaga pa naman. Tinignan niya ako at alam kong halata ang namamaga kong mata lero hinayaan ko siyang tumingin.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

Then he pulled my face and kissed my forehead. "Sorry."

His thumb brushed my eyes and I felt him kiss it too. Then lastly he kissed my lips. "I love you, baby."

I opened my eyes and take him in too. Puyat rin siya pero pinuntahan niya ako sa bahay para ihatid sa school at magsorry kahit na mamaya pa ang pasok niya. It's always so easy to forgive him.

"I love you too." I murmered.

"Sunduin kita mamaya." Sabi niya at tumango lang ako.

Days passed and we went back to being okay. I can feel the effort he put in in our relationship pero ako hindi ko alam. After all of our fights, something in me changed.

Mahal ko pa rin siya pero parang hindi na ako 'yung high school version na Flynne.

Madalas pa rin ang pagsama sama niya sa kanila at wala na akong sinasabi. I don't pick fights with him anymore regarding that matter.

Nakapagdesisyon na ako. We're still continuing this relationship but I will not care as much anymore.

Pagod na ako na palagi nalang ako ang nageeffort. Gusto niyang intindihin ko siya edi sige. Hindi ko na siya itetext kung anong ginagawa niya at nasaan siya. Wherever he is with his new found friends wala na ako doon.

If he want to tell me okay pero kung ayaw niya then it's fine too.

"Say something." Aniya.

"Anong sasabihin ko? Wala akong masabi."

He sighed. "Akala ko okay na tayo?"

"Okay tayo. Hindi ba tayo okay?"

He let out a breath. "Anong problema? Hindi ka naman dating tahimik ah."

"Bawal na ba ako maging tahimik ngayon? Wala akong problema, Liam. Okay tayo." Sagot ko.

Okay naman talaga kami. Wala lang akong masabi dahil wala naman akong ikekwento sa kanya. Wala naman special na nangyari sa school ngayon. Just the usual lecture-copy notes-dismissal.

"Okay."

Chasing Love (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt