Chapter 1

2.3K 17 0
                                    

‘’Happy Birthday Sophie!’’wika ng isang batang lalake na naka thick eye glasses at naka brace ang ngipin na lumapit sa batang si Sophie.

‘’Seriously eto ang gift mo sakin? Ewe!’’wika ni Sophie sabay tapon n na kinaiinisan ng batang babae.

Makikitang iiyak ang batang lalake ng itapon ni Sophie ang gift nitong glass slippers.Agad silang pagtitinginan ng mga magulang at mga bata na lalong ikaiinis ni Sophie.

‘’Your such a crybaby!’’sigaw ni Sophie sabay tulak ng lalong umiyak na batang lalake ng lapitan ng Mommy nito na may masamang tingin kay Sophie.

‘’Mare im so sorry,Sophie anak apologize to Ren2x ano kaba he was just giving you a birthday gift, don’t be so rude.’’wika ni Tracy sa anak nitong si Sophie na imbis ma apologize ay ipa pout ang lips sabay labas ng dila sa umiiyak na batang lalake.

‘’No! Bleeh!’’wika ni Sophie na agad tatakbo at magpapakarga sa kanyang Daddy.

‘’Tracy you should teach your daughter some manners hindi maganda ang attitude niya ke bata bata napaka bratinella.’’wika ni Susan sa kumareng si Tracy na sobra ang hingi ng apology dahil sa ginawa ng anak nitong si Sophie.

Nang gabing iyon ay kinausap ni Tracy si Sophie ng patulog na ang bata.Makikitang hindi nakikinig sa sermon si Sophie kaya naman mapipilitang magtaas ng boses si Tracy ng mapansin ito ng kanyang asawang si Phil.

‘’Bata pa ang anak natin eventually pag laki niya magbabago din ang pagiging bratinella niya’’wika ni Phil sa asawa na nag aalala sa attitude ng kanilang nag iisang anak na si Sophie.

‘’I hope so,baka kasi lumaki siyang sobrang brat at maging masama ang attitude niya sa ibang tao.’’wika ni Tracy sa asawang si Phil.

‘’Well that’s why were here diba to guide her sa tama at mali.Wag mo masyadong isipin ang future ng anak natin let her enjoy the beauty of childhood ok?’’wika ni Phil sa mapapayakap na si Tracy na kahit sinabihang wag isipin ang future ng anak ay hindi maiwasang mag alala sa tila papangit na pag uugali ng unica iha nila.


Kinaumagahan ay maagang magigising si Sophie na agad pupuntahan sa kwarto ang mga magulang ng mapansing wala na sila.Malungkot na pupunta sa kama ang bata ng pumasok sa kwarto ang kanyang yaya.

‘’Sophie baby kain ka na may pasok ka pa sa school.’’wika ng Yaya Berta nito sa batang biglang hahagisan siya sa mukha ng unan.

‘’Ayokong pumasok sa school!’’sigaw ni Sophie na agad tatakbuhan ang yaya nitong si Berta.

‘’Julie wala na naman sila Mommy at Daddy,siguro hindi nila ako love kasi lagi nila akong iniiwan.’’wika ni Sophie sa kanyang favourite doll na si Julie na bigay ng kanyang Daddy Phil.Walang kaibigan sa school si Sophie,madalas mag isa lang siyang naglalaro dahil tinataboy niya ang mga batang kina inggitan niya sa school dahil may Mommy at Daddy na naghahatid at sundo.She chose to be quiet and introvert na agad napansin ni Ren2x ang batang lalakeng pilit na nakiipag kaibigan sa kanya kahit suplada at bratinella siya.

‘’Sophie are u ok?’’tanong ng batang lalake pinaiyak ni Sophie kahapon sa kanyang birthday party.

‘’Leave me alone ayoko ng mga crybaby tulad mo your such a loser.’’wika ni Sophie sabay isnab sa batang lalake na mapapangiti at bibigyan siya ng baon nitong chocolate.

‘’Sabi ni Mommy rude girls like you are lonely kaya pag may umaaway sakin na tulad mo bigyan ko raw ng chocolates para maging happy.’’wika ng batang lalake kay Sophie na makokonsensiya sa sinabi ng binubully nitong kaklase.

‘’Who said im lonely? Hmmm! Bleeeh!’’wika ni Sophie sabay tulak sa batang lalake at patakbong papasok ng kanilang classroom ng biglang umulan at Makita nitong basang basa ang kaklaseng binubully.

MY BRATTY MAIDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum