"Basta ako hindi ako kinakabahan, mas masakit yatang masabong ng manok, makalmot ng pusa at makagat ng mga langgam at bubuyog" napangiwi na lang ako sa sinabi ni Owen. Bakit parang napapabayaan na itong apo kong ito? Minsan ay itatanong ko sa mommy niya kung ipinaglihi ba si Owen kay Tarzan, masyado na siyang habulin ng mga hayop.


"You're nervous too, don't fool us.." mabilis na sagot sa kanya ni Nero na tuwid na ang dila.


"Sige, sige na. Huwag na kayong kabahan, ubusin nyo na ang nasa lamesa para makaalis na tayo.." tumango na lang sila sa akin.


"What about the nurse lolo? Are they girls?" ngiwing tanong ni Troy.


"Yes, sa pagkakaalam ko ay karamihan ay babaeng nurse ang katulong doon" sagot ko sa kanya.


"What?" malakas na sabi ni Aldus.


"Lolo, hindi pwedeng babae. Sabi ng kaklase ko na nagpatuli na last year, mamamaga daw kapag nakita ng babae.." ilang beses umiling si Owen.


"He's right, 'mangangamatis' daw. Mamamaga ng sobra.." ngiwing sabi ni Aldus.


"I don't like that.." kunot noong sabi ni Nero.


"Kaya nga pinapakain ko na kayo ng kamatis. Mapipigilan nito ang pamamaga sa mga 'sandata' nyo. Tandaan nyo kailangan natin ng matinding pag aalaga diyan, kinabukasan nyo 'yan mga apo. Kinabukasan 'yan ng mga mapapangasawa nyo sa hinaharap. Imahe ng lahi natin ang nakasalalay sa araw na ito.." madiing sagot ko na nagpatango sa kanilang lahat. Ganyan dapat, sa lolo lamang kayo naniniwala.


"Sige na kumain lang kayo ng kumain ng kamatis, iwas pamamaga 'yan.." akala ko ay sasang ayon na naman silang lahat nang makita ko sa ang pangungunot ng noo ni Tristan na mukhang hindi na naman sang ayon sa akin.


"Where's the logic in there? Is it proven lolo? Kung ano ano na ang pinapakain mo sa amin. Lalo kaming napipressure lima.." reklamo sa akin ni Tristan.


"Tristan next year ka na magpatuli! Mas marunong ka pa sa lolo mo!" iritadong sabi ko.


"It was not like that lolo! Sorry, alright. Kakain na nga lang ako ng bayabas.." hindi na ulit nagsalita si Tristan ng tungkol sa mga 'proven' na mga nababasa niya.

Si Tristan ang batang kapag nabasa niya, talagang matatandaan niya. My grandson is a highly intellectual kid. At sa sobrang talino niya ay maraming nagkakainteres sa kanyang iba't ibang institusyon na gusto nang sila na mismo ang magpalaki at mag alaga sa apo ko para mas mapakinabangan sa hinaharap. At ito ang bagay na iniiwasan ng mga magulang niya kaya siya dinala dito sa Pilipinas. My grandson deserves to live like a normal kid, away from the complications of the world.

Masasabi kong madali rin namang matuto ang natitira kong mga apo, kita ko ito sa unti unti nilang paglaki na siyang ikinatutuwa ko. Pero may kaisa isang bagay lamang silang hinding hindi ko na nanaisin pang subukan nila. Ito ay ang pagkukusina.

My grandsons are worst cook. Natatandaan ko pa nang mainggit ako sa mga napapanuod ko sa telebisyon sa mga batang kasali sa 'junior master chief' kaya pinag enrol ko silang lahat sa cooking class. Nakakaproud yatang makita na mabilis maghiwa ng sibuyas si Troy, naghahalo ng pagkain si Tristan na may malakas na apoy, si Owen na nagbabake ng mga cake, si Nero na naghahagis pa ng ham sa ere at si Aldus naglalagay ng bagong timpla niyang sauce. Pero nabigo na naman ako, sa halip na pagkain ang dapat lutuin mukhang gusto pa ng mga apo ko na pati lahat ng mga tao sa gusaling 'yon ay lutuin at gawin letchon. Maging si Tristan na matalino ay may abilidad na makasunog ng bahay kahit na may hawak na itong cook book.

Embracing ArmsМесто, где живут истории. Откройте их для себя