PAIN IN DESPERATE LOVE

Beginne am Anfang
                                    

May nangyari na talaga saamin 4 months ago. He was so drunk that time at ako naman si desperada ay sinamantala ko ang pagkakataong iyon. Parang ginahasa ko na ang katawan niya. I feel like a whore that time and I am so pity of myself.

At wala akong balak na ipaalam iyun sakanya. Gusto kong isipin niya na sakanya ito kahit nagdadalawang isip siya. Kasi

Ang tanga tanga ko. Sobra. I thought being pregnant with his child will tie a knot between us pero nagkamali ako. I may be wise in thinking but a very bad effect happened after that.

And that is right now...

Ramdam ko ang mga pintig ng kanyang puso na sinabayan ng saakin.

"A-alam kong hindi na mapapalitan sa puso mo diyan si April. But please, Boyb, kahit katiting lang na pagmamahal... bigyan mo naman ako kasi ayaw ko mang amin ay nahihirapan na ako." I sob softly in his chest.

Nag-aalangan niyang hinagod ang aking likod at pinatahan.

"Sshh... tahan na... I dont like girls crying, Ye, and you know that kaya tumahan ka na. Please stop crying, nakakasama kay baby." Kumalas siya and mess my hair like a kid.

Ngumuso ako.

"Basta, Boyd, kahit anong mangyari... ako parin ang pipiliin mo h-ha? Ako lang ha?"

He didn't answer but instead he just shrug.

"May aasikasuhin lang ako sa baba ha?"

I nodded hesitantly at lumabas na siya. Ayaw ko man umalis siya sa tabi ko kailangan. Umupo ako sa gilid ng kama at pinunasan ang kaunting luha sa mga mata ko. My phone vibrated in the side table kaya kinuha ko ito.

Mari Calling...

I smiled when I saw my bestfriend calling me na sa ngayon ay na sa Hongkong.

-"Hi, Beshy Ye! Kamusta na diyan?"-

"Ito... nga nga parin." I chuckled a bit, trying to hide my emotion.

-"Hanggang ngayon ay naghahabol ka pa rin ba?"-

"Anong naghahabol? Nasa akin na nga e pero hindi ko naman maangkin-angkin."

-"Kasi in the first place, hindi mo naman pagmamay-ari ang tao."-

Napasimangot ako.

"O sige! Ipaglandakan mo pa saakin yan! Nasasaktan na mga ako, beshy e, dinagdagan mo pa."

-"Aww... sorry! Peace na tayo hehe. Ikaw naman kasi e."- I heard her sigh. -"Pero ito beshy ha? Ipaalala ko lang sayo na matuto kang sumuko kung alam mong wala na talaga kasi ikaw lang rin ang mahihirapan sa huli kong ipu-push mo parin yan."-

Tumango tango ako kahit hindi niya nakikita.

"Salamat, Mari. Aasahan kong nariyan kalang palagi sa likod ko, sumusuporta sa katangahan kong ito."

-"Asus! Syempre ikaw pa. What friends are for, right? Basta tandaan mo ang paalala ko ha?"-

"Oo na. Sige sige, bye!"

-"Bye! Ingat ka riyan!"-

"Ikaw rin!"

When the line ended ay kumabog ng husto ang puso ko ng may narinig na ingay galing sa labas.

My instinct is really in a big trouble... bakit pakiramdam ko ay may mali?

I stood up and leave the room. Sumilip ako sa ibaba at ganun nalang ang panlalamig ko ng makita ang dami ng tao sa paligid habang nasa gitna nun ay sina Boyb at April.

At my curiousity ay bumaba ako. Dahil sa kumpulan ng tao dito ay halos natatakpan na ako at alam kong hindi na makikita. Sumilip ako at ganun nalang ang panghihina ng mga tuhod ko nang makitang lumuhod si Boyd sa harap ni April at may kinuha sa bulsa.

"Please, April... sorry for all my mistakes sana magawa mo pa akong mapatawad sa kabila ng lahat ng nagawa ko. Pero please give me this chance, buo-in mo muli ako." At binuksan niya ang kahon. "Will you Marry Me, April?"

I shivered in the pain of coldness brought into my spine at natutop ko ang aking bibig upang pigilan ang paghagulgol. Nag-uunahan sa paglandasan ang aking mga luha at para na ring hinihiwa ang aking puso.

The crowd cheered to them na sagutin niya na si Boyd. Kita ko ang walang pasidlangan na saya sa mukha ni April na umiiyak rin dahil sa saya habang ako rito ay halos lamunin na ng sakit dahil sa kaganapan.

"Yes! Oo Boyd! Papakasalan kita!"

Mas lalong naghiyawan ang mga tao. Tumayo si Boyd at hinagkan si April ng buong puso. Ang mapupula kong mata ay nakitang naghalikan ang dalawa at dumukwang si Boyd para halikan ang impis na tyan ni April.

My hands flew in my womb and carress it where my baby was.

Damn you, Boyd.

Damn you for hurting me.

Damn you for making me feel this way.

Damn myself for being so stupidly inlove on you.

Bakit nga ba ikaw pa ang minahal ko? Bakit ikaw pa ang napusuan ko? Bakit ikaw pa ha?!

Oo, ako ang kontrabida sa love story nila pero marunong rin naman akong masaktan. Hindi lahat ng kontrabida ay masama, nagmamahal lang naman kami e. May puso rin kami...

Now, being the antagonist, I have to face the consequences.

Mabibigat ang mga paa kong tinakbo palabas ang mansyon habang sapo sapo ang aking tyan.

I cried numerous times while walking into the woods. Wala ako sa sariling naglalakad kahit malabo na ang aking paningin dahil sa luha at nanglalagkit na rin ang mukha ko sa ibang natuyong luha sa pisngi ko.

Tama si Mari. Kailangan kong matutong sumuko kung wala na akong pag-asa at ito na nga iyun pero bakit hindi ko matamgap?

A-ang sakit sakit...

Hindi lang puso ko ang sumasakit dahil napa-awang ang labi ko ng kumirot ang tyan ko at pagtingin ko sa binti ko ay may dumadaloy na dugo dito.

My eyes widen in fear.

"Oh God, Oh God. Please help me! My baby!"

I shouted for help but no one is around me. Kaya mas nadagdagan ang takot ko.

Humingi ako ng tulong sa Diyos kasi kahit paano ay naniniwala ako sa spiritual help at sana pakinggan niya ako.

Hinahagilap ng kamay ko ang puno para may matukuran dahil sa pananakit ng tyan pero sadyang ito ang kapalaran ko...

Dumulas ang paa ko and the next thing I knew... paikot-ikot na ang katawan ko sa bangin.

WANDERLANDIA'S ONE SHOT STORYWo Geschichten leben. Entdecke jetzt