Duh obvious naman diba nasa gym sila so malamang mga varsity sila -wala naman kasing ibang gumagamit ng gym ng kanitong oras mga varsity lang -ang tinatanong ko yung name nila at bakit ka nila nilapitan -nagpaparoll na ng eyeball si Ara

Fine yung lumapit sa akin his name is Kevin tapos yung tinawag nya Jason -satisfied?

Ano mo sila?

Anong ano? -kakakilala lang ano na agad

Sino bet mo dun sa dalawa -tinusok tusok nya pa ang tagiliran ko

Bet-betin mo yang mukha mo -nakipagkilala lang bet agad -tsaka hindi sila ang type ko -yung mala kuya ko ang hinahanap ko sa isang lalaki at wala sila pareho nun

Gaga -saad nya sa akin sabay batok -syempre hindi sila magiging katulad ng kuya mo dahil ibang tao sila -tara na nga baka gabihin pa tayo -naglakad na kami ni Ara palabas ng locker room -nang makasalubong namin si Kevin at Jason

Uuwi na kayo? -tanong ni Kevin sa amin -mahina naman akong tumango -Trinity anong name ng kasama mo? -muli nyang tanong

Arabella -sagot ko naman -Ara si Kevin sya naman si Jason -pakilala ko sa kanilang tatlo -nagkamay naman sila

Sigeha una na kami -paalam ni Ara sabay hila sa akin -friend jusmio corazon friend ang ho-hot nila pero bet ko si Kevin friend mukhang friendly -yung Jason kasi tahimik tapos kung makatingin akala mo babalatan ka ng buhay parang ang lalim ng pinanggalingan

Ewan ko sayo ang dami mong napapansin -oh ayan na jeep mo -pagtataboy ko sa kanya

Wow ha kilan pa ako nagkaka jeep -sagot naman nya bago sumakay -bye friend see you tomorrow

 Wala pa sundo mo?

Ay kabayo!!! -sigaw ko dahil sa gulat -nagbagsakan pa ang mga hawak kong books

 Naku sorry ha magugulatin ka pala -hindi ko sya sinagot pinulot ko nalang isa isa ang mga nahulog kong gamit -tinulungan nya naman din ako

 Sorry talaga –saad nya ng iabot nya sa akin ang mga nahulog kong gamit

Ok lang –sagot ko naman

Gusto mo ihatid na kita mukhang wala pa yung sundo mo e –alok nya sa akin

Naku hindi na maya-maya lang nandito na si kuy

 

Tin –tawag ni kuya sa akin kaya naputol yung sinasabi ko kay Jason

Kuya –nakangiti ako habang nagwa-wave kay kuya na papalapit –saan ka nag park?

 

Doon –turo naman ni kuya –wala ka pa kasi pagdating ko kaya naghanap nalang ako ng parking –kala ko kasi matagalan ka pa –nagsasalita si kuya per okay Jason naman nakatingin –sino sya Tin? –salubong na kilay na tanong pa ni kuya

Ah kuya si Jason po

 

Hello po sir ako po si Jason Matias –kaibigan po ako ni Trinity –varsity din po ako –tsaka wala po akong balak na masama sa kapatid mo –defensive na paliwanang ni Jason kay kuya –napansin ko nalang na may ngiting sumilay sa labi ni kuya pero pinilit nyang maging seryoso

Pwedi ka nang umuwi Matias –lets go Tin –sumunod naman ako kay kuya pero nilingon ko muna si Jason and wave him goodbye –boyfriend mo yun? –biglang tanong ni kuya habang bumabyahe kami

Naku kuya ha –hindi –kakakilala ko nga lang dun sa tao boyfriend agad –tsaka hindi sya katulad mo eh –naglabi ako kay kuya

Mabuti naman –bata ka pa kailangan muna mag-aral mabuti

 

Sos kuya –e si ate Kris diba first year college lang din sya nung nainlove ka sa kanya

 

Tigilan mo ako Trinity –iba ang sitwasyon namin ni Kris –true love yun

 

Ayieee kuya ang chessy mo talaga

A/N: nabuhay ulit ako hahaha but I cannot promise na magiging regular ang UD ko ha

Love at First Sight -CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon