Akala ko (One-shot)

1.7K 75 10
                                    

Akala ko (One-shot) © Alesana_rain

 **

"Ana, sabay tayo." pag-aaya nya.

Gusto kong kiligin pero pinipigilan ako ng utak ko.

"Sige. Tara na."

Lagi kaming magkasabay umuwi. Araw-araw, ganito ang set up. Walang nagbabago. Hindi ko alam kung paano kami naging close sa isa't isa. Masyadong mabilis ang pangyayari.Dati lang, iniirap-irapan ko sya. Ngayon, magbestfriends na kaming dalawa.Napakagaling ng tadhana.Matagal na rin ang aming pagkakaibigan... at kasabay noon ang palalim ng palalim kong pagmamahal sa kanya.

"Hoy! " sigaw nya.

"AyPalaka! Sorry." sabi ko.

"Ang layo nanaman ng tanaw mo ha." sabi nya.

Nagegets ko yung gusto nyang sabihin.Oo, lagi akong ganito.Malayo ang tinatanaw.

Pero kung tutuusin, nasa tabi ko lang naman ang tinatanaw ko.Pero sadyang madaya ang tadhana. Nilalayo nya sakin ang puso nya.

"Ah, wala ito. Kumain ka nalang." sabi ko at ngumiti.

"Weh? Wala ka dyan,eh kitang-kita ko oh!" sabi nya sabay turo sa labi ko.

"Ang ano?" tanong ko.

"Malungkot ka kaya!" sabi nya.

Magaling syang bumasa.Sa tagal ba naman naming magkaibigan.Kung pwede lang, maging magka-ibigan nalang kami. Pero hindi.. Masyadong imposible.

"Wala nga! Kumain ka nalang ng ice cream dyan! Malusaw pa yan sige ka!" saway ko.

Minsan talaga, gusto ko ng aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Pero sa tuwing magtatapat ako, biglang humahadlang ang isip ko. Masasaktan ka lang...

Iyan nalang ang laging sinasabi ng isip ko. Masyadong kumplikado.Ni hindi ko nga sya matingnan ng direkta sa mata. Dahil sa tuwing titingnan ko sya, iniiwas ko agad dahil baka himatayin ako.

Oo, ganoon ako magmahal. Hanggang tingin nalang. Ngingiti ngiti, tatawa tapos.. ayun, dedma nalang. Hay nako.. mahirap maging MU. (Mag-isang Umiibig)

"Marie.."

Nagulat ako nang tawagin nya akong Marie. Madalang nyang banggitin iyon. Sa tuwing seryoso sya o malungkot, yaon ang tawag nya sakin.

"Bakit?" tanong ko.

"Naranasan mo na bang magmahal?" tanong nya.

Nabilaukan naman ako sa tanong nya. Teka, bakit naman ako bibilaukan sa Ice cream?! HAHAHA. Patawa ka talaga Ana Marie.

"H-hindi p..a"

Oo. At ikaw iyon.

Akala ko (One-shot)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora