RL@WT 47

11 0 0
                                    

CHAPTER 47 - The Last Chapter

[Ashley's POV]

Isang taon na rin ang lumipas simula nang ikasal kami ni Bryle. Dito parin naman kami naka-base sa Pilipinas. Dalawang taong gulang na rin si Eliz ngayon. At isang taon na din simula nung bigla nalang nawala si Jessy at hindi na nagpakita o nagparamdam man lang. Kahit ang mga kambal niya ay ayaw magsalita. Actually, hindi nga namin alam kung ano ba ang nangyari eh. Si Steve hindi na rin namin makausap.

Pag-uwi namin ng Pinas, parang nagkawatak-watak na kami. Hindi namin malaman kung kanino papanig kasi wala namang gustong magsalita at magkwento sa kanila. Para bang nahati na naman kami sa dalawang grupo. Simula nun, hindi na ulit kami nabuo. Nakakasama lang namin ni best ang dalawang kambal kapag wala si Steve. Ganon din ang boys, sumasama lang sa kanila si Steve pag wala ang kambal.

And it's been a year, pero hanggang ngayon hindi parin kami nabibiyayaan ng anak. Ilang beses na rin kaming komunsulta sa OB ko. Wala naman daw problema samin, hindi naman kami baog ni Bryle pero parang hindi pa talaga yata panahon. Pinag-resign niya na nga ako sa trabaho ko para daw mas malaki ang possibility na makabuo kami. But on the bighter side, dahil wala pa kaming anak, nakakasama ako sa mga business tours ni Bryle sa iba't-ibang bansa. Chill pa at walang stress. Parang araw-araw honeymoon. Oh san ka pa?

Schedule ko ulit ngayon sa OB. Hindi ko ngayon kasama si Bryle kasi may scheduled meeting din siya today with the investors kaya nagpasama nalang muna ako kay best.

"sana naman best positive na ang test mo this time. Nako dalawang taon na 'tong anak ko eh wala paring kalaro kundi ang mga manika niya." tinignan naman namin ni best si Eliz na kinakausap ang dala niyang doll.

"pano ba naman kasi, napaka-mapili mo sa mga batang makakalaro ng anak mo. Kahit nga sa regular play ground ayaw mong payagan maglaro. Pano makakahanap ng kalaro yan?"

"ayokong kung sinu-sinong bata lang jan ang makalaro ni Eliz no. Pano kung masama ugali ng batang yon? Or baka may sakit? Edi nahawa pa ang baby ko. No way!" inirapan pa niya ako.

"eh bakit kasi ayaw niyo pang sundan? Kesa naman sakin ka nakaasa. Pano kung hindi talaga kami magkakaanak ni Bryle? Baka mabaliw na yang anak mo sa sobrang pagkausap jan sa manika. Nako! Matakot ka baka sumagot yung manika. Hahaha."

"hoy!" sigaw niya sabay katok ng tatlong beses sa wooden table "wag ka namang magsalita ng ganyan! Lokret ka! Ayoko na kayang manganak ulit no! Nadala na ko. Tama na si Eliz sa buhay namin ni bebe Ken. At tsaka diba sabi ko naman sayo gusto ko pag babae ang anak niyo, magiging mag-best friends sila. And if lalaki naman, edi fixed marriage. Pano pag nagka-anak pa ulit ako? Edi may agawan pang mangyayari? Ayoko nun!" totoo ba 'tong naririnig ko? Until now, yun parin ang nasa isip niya?

"girl, seryoso ka? Ipu-push mo talaga yan?" taas noo naman siyang tumango

"napaka-idealistic mo naman. Hindi mo pwedeng diktahan kung ano ang dapat at hindi dapat mangyari sa kanila. Hay nako, kung ganyan lang din naman, wag nalang sana kami magka-anak."

"PSSSHT!!!" sita na naman niya at kumatok ng pagkalakas-lakas sa lamesa. "sobra ka best! sinabi nang wag magsalita ng ganyan eh!"

"Mrs. Fortejo?" tawag ng nurse. Sabay naman kaming napatingin ni best

"Pasok na po kayo ma'am." pumasok naman ako sa loob ng lab at nagsagawa na ng tests ang OB ko. After that, pinaghintay ulit ako sa office niya para sa results. Si best at Eliz naman nasa lobby parin naghihintay.

"well Misis, I have a good and a bad news for you." salita ng doctor ko at naupo sa harap ko. I gulped. Bakit may bad news pang kasama? Pwede namang puro nalang good.

Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ