Chapter 1

61 9 5
                                    



(Arielle's POV)


*knock knock*


Napatingin ako sa pinto ko agad. Mamaya kasi may nagmumulto na pala dito sa kwarto ko, gabi pa naman na.



Pumasok si yaya ng kwarto ko at pinagpatuloy ko lang ang pagpipaint ko ng sunflower. Kunwari snob ako pffft.




"Prinsesa Arielle, nasa baba po si Prinsesa Jasmine." Sabi ni yaya.



Si Jasmine? Ano namang ginagawa non dito sa ganitong oras? SIguro manghihiram na naman yon ng libro, hay nako!



"Paakyatin mo nalang siya yaya. " Sabi ko.



Siya 'tong pumunta dito ako baba? No way!



"Sige po mahal na prinsesa. Baba na po ako." Tumango nalang ako kay yaya at pinagpatuloy ang pagpipaint ko.



Stress reliever ko kasi ang pagdodrawing or painting kaya naging hobby ko na siya.



*knock knock*



Naramdaman kong bumukas ang pinto at napatingin ako sa babaeng pumasok.


Agad akong napatayo at lumapit sa kanya.



"Oh my Jasmine Cadhen! What have you done to your hair?!? Why did you cut it?!?" Sigaw ko sa kanya at inilapag ang paintbrush ko sa table.



Nagtakip ito ng tenga at sumimangot.



"Ang lakas ng boses mo, tulog na kaya parents mo. Halika, upo muna tayo hehe. Napagod akong mangabayo eh hehe ulit. Tsaka masyado akong maganda para tumayo lang. Hehe for the last time." Sabi niya tsaka naupo sa isang princess couch dito sa kwarto ko.



Napabuntong hininga nalang ako at naupo sa katapat na upuan niya.



"Explain." I said and crossed my arms.



Nagulat ako nang bigla nalang siyang yumuko at nagsimulang umiyak.

Stuck (X Princess Tale Book 1)Where stories live. Discover now