STOP! In the name of LOVE! AMEN! Chapter 33

Начните с самого начала
                                    

Natanggal ko yung pagakayakap ko sa kanya,

napa-bangon ako bigla.

“………” AKO

Nakatitig lang ako sa kanya,

Na parang humihingi ako ng kasiguraduhan na kung totoo ba yung sinasabi niya.

Bumangon na din siya.

(,~~) (--.)

“Rhian..” siya

“……..” ako

“Pupuntahan natin yung magiging biyanan ko. Ang  parents mo Rhian.. nahanap na namin.” Prince

(~___~) hmmm..

Teka…Processing.

Ano daw?

Nakita na nga nila?

Talaga?

“Bukas na tayo aalis, mga six hours drive lang naman mula ditto sa manila papunta sa Camarines Norte.” Prince

“Camarines? Paano niyo nalaman na nandun sila? Tsaka---” ako

“Hssh! Bukas mo na lang alamin lahat, ang mahalaga nakita na natin at pupuntahan na natin bukas asawa ko.” Prince

Ngumiti na lang ako sa kanya,

Ganun din naman siya sa’kin.

“Pero bukas, kailangan ko kausapin si Madam Heleyna kasi may gagawin dapat ako bukas. Pinamamadali niya kasi yun.” Ako

Tumango na lang siya sa’kin,

Alam ko naman eh..

Na hindi niya rin gusto na napapagod ako dahil sa nagging desisyon ko,

Pero dahil gusto ko,

Hindi na ako nakarinig ng kahit ano mula sa kanya.

“Ehhh… ayos lang ako. Kaya ko yun. Mamaya kung sakaling may pagkakataon sasabihin ko na din kay Madam habang nasa party.” Ako

“Ikaw bahala asawa ko, pag kailangan mo na may kumausap sa kanya. Ako na lang kakausap.” Sabi niya

STOP! In the name of LOVE! AMEN!Место, где живут истории. Откройте их для себя