Ang tanga tanga ko. Nakakainis!

116 6 3
                                    

Kaartehan ko lang po ito. HAHAHAHA! May pinagdadaanan kasi XD

True story yung iba jan. HAHAHAHAHAHA! :"> 

______________________________________________________________________

Nagulat ako nang mag message ka sakin sa facebook. Matagal na tayong hindi nakakapagchat, usap o kahit text man lang. Kaya laking gulat ko na lang nung nagmessage ka sakin.

Nagkamustahan, nagkwentuhan at nagkaasaran pa tayo. Inaasar mo pa nga ako, kung paano ako kiligin sayo dati pinaalala mo lagi. Yan ang panlaban mo sakin sa pangaasar, ang pagkagusto ko sayo noon.

Paginaasar mo ako, inaasar din kita. Narinig ko kasi ang pagaasaran niyo ng mga kaibigan mo, sabi nila crush mo daw yung isang sophomore student. Siya ang pangasar ko sayo. Sabi mo pa nga "buti pa nga siya may pagkakataon na magustuhan ko pero ikaw wala". Alam mo bang nasaktan ako dun? Kahit nawala na yung pagkakagusto ko sayo, ang sakit pala talaga. Sayo pa nanggaling. Kailangan ba talagang ipamukha mo sakin na hindi mo ako nagustuhan dati? Pero wala eh. Sabi ko naman sayo diba, past na yun.

Nainis pa nga ako sayo nun, sabi mo kasi ang ganda ko. Hahahahahaha. Alam ko naman binobola mo ako nun, ikaw pa isang dakilang bolero. Hahahaha. 

Nagulat ako nung sinabi mong bakit hindi na lang ako. Bakit nga ba hindi na lang ako diba? Gusto kong sabihin sayo yan pero hindi ko na sinabi. Sabi ko na lang sayo kung ano ang nakain mo at bakit mo nasabi yan. 

Hanggang sa napunta ang usapan natin sa girlfriend-boyfriend. Tinanong mo ako kung meron akong boyfriend sinabi kong wala kasi hindi na uso sa akin yan. Tinanong mo pa ako kung bakit, nakuha ko pa ngang magbiro dahil sabi ko sayo "well, that's life" . Sabi mo pa nagtatanong ka lang naman, bakit hindi ko sagutin eh nagtatanong din ako sayo nun. Dahilan ko pa nga, magmamadre ako. Sinabi ko lang yun sayo kasi alam kong kukulitin mo ako at alam kong nantritrip ka lang.

Pinaulanan mo ako ng sweet words mo, nang sinabi ko na magmamadre ako sabi mo pupuntahan mo pa rin ako sa seminaryo, ipagpapaalam mo ako kasi magpapakasal pa tayo. Sabi ko nga sayo nun, baliw ka na. Pinagpilitan ko iyon, sinabihan kita ng madaming excuces para lang matigil ka lang pero wala, pinagpatuloy mo pa rin.

Sabi mo pa gagawa ka ng paraan makuha lang ako kahit gaano kahirap pero sinabi ko sayong mahirap akong kunin. Ilang araw din tayong laging magkachat. Sabi mo sakin alam mo sa sarili mong ako na. Hindi ako naniniwala alam ko kasi ang ugali mo.

Hanggang sa nagkahingian tayo ng number, binigay ko naman sayo at binigay mo sakin yung iyo. Nagulat naman ako nang bigla kang nagtext sakin sabi mo "iloveyou" hindi ako nagreply sayo. Dahil kinabahan ako. Parang kasi bumabalik ako sa dating ako, yung panahong gusto kita. 

Kahit nagkabigayan na tayo ng number hindi pa rin tayo tumigil sa pagchachat. Sabi mo pa nga itext agad kita pero sinabi kong tinatamad ako. Tinanong mo din ako kung matutulog na ako, late na din kasi ng time na iyon. Sabi mo pa nga sabay na tayo, sabi mo pa gusto mo yung alam mong ikaw lang yung nakakausap ko at selfish ka pagdating sakin. Sinabi ko sayong mauna ka na kasi may ginagawa pa ako. Pero sinabi mo na hihintayin mo ako, kasi ganun ako kaimportante sayo.

Pinipilit kita na matulog ka na kasi kung ano-ano na yung sinasabi mo sakin, pero nagpumilit ka na hintayin ako. Sabi mo pa nga sakin na crush mo ako sabi ko naman sayo crush lang yan hanggang diyan lang yan. Pero sabi mo sakin lalala din yan hintayin ko lang. Sabi mo pa, hihintayin mo na pumasok uli sa isip ko na magkaroon ng lovelife. Kaya hinayaan na lang kita, baka diyan ka sumaya.

Ang huli mong sinabi sa akin, "gumising ka pa ah? magiging tayo pa" ang sweet mo noh? Nakakainis nga eh. Ayoko kasing mahulog ako sayo. Masakit kasi. Ang sakit mong mahalin.

Simula nung nagkapalitan tayo ng number araw araw tayong nagkakatext, kung hindi tayo sa chat sa text tayo naguusap. Nagkataon naman na sembreak natin kaya halos maghapon din tayong magkausap. Sa tuwing nagkakatext o nagkakachat tayo lagi mo akong pinapaulanan ng sweet words mo.

Lahat ng palitan natin ng message hindi ko pa binubura. 400+ na nga yung conversation natin eh. At may isa kang text na nagpangiti sakin. Yung sinabi mong “prinsesa kita eh”. Sobra sobra ang ngiti ko nun ng mabasa ko yan, ikaw kasi ang unang lalaking nagsabi sakin na prinsesa ako. Sobrang tuwa ko nun, prinsesa mo ako. Pero alam ko sa sarili ko na hindi totoo yun. Na binobola mo lang ako.

Ilang ulit mo ding sinasabi sa akin na gusto mo ako, na mahal mo ako, pero lagi kong sinasabi sayo na wag mo akong pangtripan. Pero sinasabi mo naman na totoo yung mga sinasabi mo. Nagulat na lang ako ng magGM ka, sabi mo pa nga na ipakilala ka sa crush mo tapos nilagay mo yung buong pangalan ko. Sinabi ko pa sayo na sakin mo lang yan sinend. Nagpost ako sa account ko sa twitter nun, about sa text mong yun, nagulat na lang ako na may mga nagtweet sakin na nareceive/ nabasa nila yun. Kaya sabi ko sa sarili ko, totoong gm yun.

Sa tuwing maggGm ka sakin nakalagay ang pangalan ko sa hulihan, may heart pa nga yun eh. Ilang araw ka ding ganyan sa akin. Lahat naman ng napapagusapan natin, sinasabi ko sa kaibigan ko. Ilang araw din yun. Yung ibang kaibigan ko naman sabi nila wag daw ako sayo. Nung panahon kasi iyon, may isang tao din na nagkakagusto sa akin. Sa tuwing sinasabi nila na wag na ako sayo, nasasaktan ako. Yan kasi yung panahong alam ko sa sarili kong unti- unti na akong nahuhulog sayo. Kahit anong pilit kong kapit, alam kong mahuhulog na ako sayo. Kung mahuhulog ba ako ng tuluyan sayo, sasaluhin mo pa rin ako?

Meron ngang isang beses, kausap ko sa phone yung dati kong gusto/crush. Sabi niya sakin “magingat ka, baka madulas ka, mahulog ka tapos ano? Yung sahig yung sasalo sayo? Masakit yan” sabi ko naman sa kanya alam ko naman yun. Ganyan ka naman diba? Pagkatapos mo mapafall, hindi mo sasaluhin. Ganyan kasi ang ginawa mo sakin noon.

Nagulat ako ng sabi sakin ng kaibigan ko na may sasabihin sila tungkol sayo. Kinabahan ako. Alam kong oras na malaman ko yun, alam kong masasaktan ako o maiiyak ako. Hindi ko naman kasi mararamdaman ang kabang yun kung walang meaning diba?

Dumating na yung araw na sinabi na nila sakin, ang dami kong nalaman. Pero hindi ko pinakita sa kanila na nasaktan ako sa nalaman ko. Masakit kasi, sobrang sakit. Alam ko namang laro laro lang ang lahat para sayo. Hindi mo naman ako masisi dba? Lalo na ngayong inaamin ko na sa sarili ko na nahulog na ako sayo, na gusto na kita.

Minsan ko na din natanong sa sarili ko na, lagi na lang ba akong masasaktan pagdating sayo? 

Pero wala eh, ganyan talaga ang buhay. Hindi pwedeng laging masaya, kailangan din nating masaktan. Sana hindi na lang kita pinansin, sana pinigilan ko na na mahulog ako sayo, sana pinigilan ko yung nararamdam ko para sayo noon pa. Tangina naman kasi, ang sakit lang. Nabulag mo ako. Akala ko totoo na talaga, akala ko lang pala talaga yun.  Sabi ko pa nga sa sarili ko, baka ito na yung time. Pero mali pa rin pala.

Ang tanga tanga ko. Nakakainis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang tanga tanga ko. Nakakainis!Where stories live. Discover now