"BAD DAY"

2.2K 87 25
                                    

CASSIE..(P.O.V)

"Ma,Papa..alis na po ako..! Sigaw ko,habang naka tingala sa taas,nandon kasi sila mama.

"Anak,nag almusal kana ba..?" tanong ni mama,na naka tunghay na sakin.

"Doon,na po ako mag aalmusal dadaan pa ho kasi ako sa grocery" sagot ko kay mama.

"Ok,ingat ka anak" sagot naman ni Papa,na nasa likod na ni mama.

"Sorry,anak ito kasing mama mo,ayaw na gumugising na wala ako sa tabi nya,di kita tuloy naipag luto nang agahan" biro pa ni Papa habang naka yakap sa likod ni Mama at nag ngingitian yong dalawa.

"Hehe,ok lang po sanay na po ako,sa asukal na naka palibot sa inyo" pang-aasar ko pa kila mama.

Ang saya nilang tingnang,dalawa kahit nasa 50 plus na sila,hindi parin halata,parang teenager kasi sila kung mag lambingan.

Meron pa kayang,katulad ni Papa ngayon..? Na kahit may edad na malakas parin mag pakilig kay Mama,yong makikita mo sa kanilang dalawa na parang wala silang problema,na kahit anong pag subok kaya nilang malampasan nang mag kasama,yong felling na kahit anong mangyari walang bibitaw sa kapit,na kahit saan man sila mapadpad sila parin hanggang dulo at walang makakapag hiwalay sa kanilang dalawa.

Napangiti na lang yong dalawa,habang naka tingin ako sa kanila,para akong nanunuod nang isang love story.

"Oh' anak natulala kana naman dyan..?" sabi ulit ni Mama.

"Ahm..hehe nanunuod pa ho,ako nang love story nyo ni Papa" pabirong sagot ko.

"Asus..ito talagang prinsesa natin mahal,masyadong madrama,hehe" sabi naman ni Papa kay Mama,na sabay na lang kaming natawa ni Mama.

"Anak,lunes ngayon baka ma traffic kana" pag tataboy sakin ni Mama.

Tumango na lang ako at lumabas na para pumasok sa work ko.

Sumakay ako,nang Jeep pa punta mona sa Hypermarket,para mang grocery na dadalhin ko sa CAREHOUSE,para sa mga matatandang alaga namin.

Sa CAREHOUSE ako nag tratrabaho bilang isang Caregiver,kung saan dinadala yong mga matatandang hindi kayang,alagaan nang pamilya nila,o yong mga matatandang pinababayaan na lang mag palaboy-laboy sa kalsada.

Nakakaawa yong ganon,minsan naman may nakukuha din kami na minamaltrato nang sarili nilang pamilya,walang mga puso ang mga taong ganon na kayang manakit nang sarili nilang magulang o sarili nilang lola.

Pero,hindi ako permanent,sa CAREHOUSE minsan kasi kung saan-saan ako na aasign, may mga kleyente kasi kaming mayayaman na laging nag bibigay nang malalaking donation, kaya minsan pag may gusto silang ipaalaga nang personal hindi kami nakakatanggi.

Ito ay pag mamay-ari nang isa sa pinakamayamang angkan dito sa bansa,ang CAL FAMILY.

Hindi pa namin nakita si Don.Pablo na syang tunay na may-ari nito,matanda narin daw ito kaya masyado itong mailap,pero minsang bumisita daw ito ngunit wala ako,naka asign ako sa negros CAREHOUSE,
marami kasi silang branch nito nag kakalat sa buong pilipinas.

Naputol ang pag mumuni-muni ko,nang makarating na ako sa Hypermarket.

Pagbaba ko nang jeep agad akong pumasok,naka hinga ako nang maluwag nang maramdaman ko yong lamig na bumalot sa katawan ko nang pag pasok ko sa loob,maalinsangan na kasi ngayon ang panahon,dahil summer na kaya tagaktak talaga yong pawis ko bago makarating sa trabaho,lalo na ngayong pinapaayos ko pa ang aircon nang kotse ko,kaya nag titiis mona ako sa jeep hindi naman ako maarte,mas maganda lang kasi pag sarili mong sasakyan dahil mabilis kang makakarating sa dapat mong puntahan.

"IN YOUR EYES" (Book 2)Where stories live. Discover now