She looked at me cluelessly. Wala syang ka ide-idea sa sinasabi ko.



             Hinawakan ko kaagad ang kamay nya at marahan syang hinila ilang metro ang layo sa pinaradahan namin ng kotse. Huminto kami sa tapat ng isang sampung baitang na hagdan na gawa sa bato. Pa-slant kasi ang lupa sa parteng iyon kaya pinasadya ang hagdanan.



           "What is this?"



            "Let's call it The Future Stairs"



            She raised one eyebrow "Ginawa mo lang yan."



             Tumawa ako. "Mmn, that is something I just made up haha." Nawala ang ngiti ko at tumingin sa pinaka itaas ng baitang. "May bakanteng lote sa itaas. Isa iyong dating parke na ipinasara ng may ari kaya maganda ang landscape ng lugar. Madami ding halaman at puno na hindi lang masyadong naalagaan." Nagkibit balikat ako. "Actually, hinuhulagan ko na sya sa may ari ng halos dalawang taon. I'm planning to build a house here. Mas applicable kasi ang ganitong lugar para sa mga bata hindi katulad ng condo. It should be my surprise for you, pinaplano kong dito gawin ang dream house natin." Napahimas ako sa batok. "But sad to say malayo na iyong ...magkatotoo."



            Sandaling may dumaang emosyon sa mata ni Jade. Nag yuko sya ng ulo. "That's true."



              She agreed that fast?!



                Hindi ko itatanggi na gusto ko syang tumutol. At least it would make me feel a little bit better. I sighed mukhang wala na talagang makakapigil pa sa mangyayari. Huminga ako ng malalim, filling my lungs with the fresh air. "After this silly game Jade, you'll go your way  and I'll go mine."



             She raised her head to looked at my face.



             Inilagay ko naman ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon, meaning I am not comfortable with the topic, "Hindi na ko tatakbo Jade. I'm facing this problem like a man. I.Mean.It."



            Bumuka ang bibig nito na para bang may nais syang sabihin. Base kasi sa tono ni Ryan seryoso na talaga ito. "T-That's good" this is what she wanted pero bakit nautal sya?



            "Nakita mo yung dalawang bata na nag lalaro ng Rock Paper Scissor sa Slide kanina?"



             Simpleng tumango ito.



             "Same rule. Kung sinong mananalo sa Rock Paper and Scissor aakyat ng isang baitang sa hagdanan, simple as that. Pero lagyan natin ng konting twist, yeah? kung sino ang mananalo may chance na magtanong ng one personal question sa matatalo. Easy right? Ano game ka ba?"



              She frowned. "Bakit pa kailangan natin itong gawin? That sounds crazy."



              "Yep, and childish too pero tingin ko hindi ko kayang magkaroon ng closure ng ganitong hindi pa malinaw ang lahat sa pagitan natin. Whenever I asked you hindi ka nagsasalita, hindi mo sinasabi ang nararamdaman mo. Naisip ko na this way hindi mo na magagawa pang umiwas." pabirong sinuntok ko sya ng mahina sa kaliwang braso, "Ikaw yung klase ng tao na kilala kong hindi nakakatanggi kapag china-challenge'."



             She bites her fingernails, habit nya iyon kapag nag iisip o kapag kinakabahan. The first one makes sense pero ang makaramdam sya ng 'Kaba'? I don't think so.


Infatuation & ReflectionKde žijí příběhy. Začni objevovat