"Sure kayo atorni? Baka hindi na bumalik si atii eh!"

"Babalik yun," kunway tatawa-tawang sagot ko. "Sige na Delilah bumalik ka na sa inyo at walang kasama dun si Tweenie. Maghahanda na rin ako sa pagpasok ng firm."

Isinarado ko ang pinto at sumandal dito. Ilang sandali akong tumitig sa dingding habang namamahay ang lungkot sa aking dibdib. The thought of her being miles away was ripping me inside. Agad kong kinuha ang aking telepono. I wanted to tell her to be careful on her flight. Tanungin kung hanggang kelan ba siya dun. Call or text me when she arrives home.

Pero wala akong nagawa kundi ang hawakan lamang nang mahigpit ang aking cellphone. I need to give her all the freedom for now. I have to wait. I have to be patient. Hindi ko dapat unahin ang nararamdaman ko sapagkat kung may mas higit na nahihirapan sa aming dalawa ngayon, siya yun.

                                                            ------

KRISTINA

"TINTIN BUKSAN MO TO! TINTIN!"

Tinakpan ko ng unan ang aking tenga. Si Mama naman oh ang ingay! Ang dami na ngang kung ano-anong nagsasalita sa isip ko, tapos yung mga tao dito sa bahay ayaw pa akong bigyan ng katahimikan.

"KRISTINA PAULA! Buksan mo tong kwarto!"

Bigla akong napatayo nang marinig ang matigas na boses ni Papa. Nakangusong naglakad ako patungong pintuan at matamlay na pinagbuksan ng pinto ang aking mga magulang. Agad akong hinila papalabas ni Mama.

"Magsabi ka nga ng totoo Kristina! Ano ba talaga ang dahilan at bigla kang umuwi dito?" Umpisa na naman si Mama sa pagtatanong. Naupo si Papa sa sopa at tahimik na nagbasa ng diyaryo. Ipinaubaya na kay Mama ang pagsasalita.

"Sabi ko naman sa inyo na nag-leave muna ako sa office dahil namimiss ko na kayo," mahinang sagot ko.

"Hindi ako naniniwala! Simula kahapon pagdating mo ay kinukutuban na ako. Matamlay ka buong araw. Wala kang ganang kumain tapos halos wala kang ginawa kundi magkulong diyan sa kuwarto!"

"Ganyan ba ang nakakamiss sa amin? Ni ayaw nga kaming kausapin," may lambing na singit ni Papa.

Pinaningkitan ako ni Mama ng mga mata. "Aminin mo ang totoo. Nag-away kayo ni Lance ano?!" duro niya sa nakatungo kong mukha.

"Hindi ah!" tanggi ko nang di makatingin sa kanyang mga mata. Muntik nang mangilid ang aking mga luha pagkabanggit pa lamang ng pangalan ni labsey. Mabuti na lamang ay palihim na nakurot ko agad ang aking sarili.

"Kung di kayo magkaaway, bakit sa akin pa siya tumawag kahapon para lang tanungin kung safe kang nakarating? E pwedeng-pwede naman siyang tumawag sayo!"

" K-Kasi ano po... Nakatulog agad ako pagdating ko di po ba? Kaya di ko nasagot mga tawag niya," mabilis kong pagsisinungaling.

Umiling si Mama. "Hindi pa rin ako naniniwala! Nanay mo ako kaya alam ko kung may mali sayo. Kausap ko si Rose, hindi niya alam na umuwi ka pala. Ang paalam mo lang daw ay di ka makakapasok dahil maysakit ka. E wala ka namang sakit! Saka wala sa ugali mo ang gumagawa ng hindi totoong excuse para umabsent. Noong nag-aaral ka nga kahit nilalagnat ay pumapasok ka pa rin!"

Napalunok ako. Ang hirap talagang magsinungaling sa magulang lalo na sa nanay.

"Tintin ang away sa relasyon hindi tinatakbuhan, dapat hinaharap at pinag-uusapan. Kapag iniwasan mas lalo lang lumalaki ang problema at hindi pagkakaintindihan," salita ni Papa habang nasa diyaryo ang mga mata.

"Hindi nga po kami magkaaway," giit ko.

"Kung ganun ano nga ang dahilan ng pag-uwi mo? Anong problema?" kulit ni Mama.

She Loves Me MoreWhere stories live. Discover now