"Yes?" kaswal na sagot ko.

"Nag-away po ba kayo ni ati?"

"No," may pait na ngiti ko. "Why did you ask? Just tell me the truth, nandiyan siya di ba?"

Maamong tumango ang kasambahay.

" Is she alright?" napapalunok na tanong ko.

Umiling si Delilah. " Nagkukulung lang po sa kuwartu. "Namamaga po ang mga mata nang dumating. Tapus ibinilin sa akin na wag magpapasuk kahit sinu kaya hanggang pintu lang pu muna kayu."

Napatiim bagang ako. Bigla na namang nadurog ang puso ko sa pag-aalala. My guilt was eating me again. I could imagine the huge dilemma of an innocent soul has to suffer. I wanted to hug and console her. Bawiin ang mga sinabi ko at sabihing nakahanda akong maghintay kung kelan handa na siya. Wrapped her in my arms and whisper to her ear to just forget what happened.

But they were just all in my heart. My mind was still siding my selfishness. When I made the plan, I imposed to myself to stick to it until I get what I want. Ngayong naumpisahan ko na, kailangan ko nang panindigan ang desisyon ko kahit pa ibig sabihin nito ay pansamantala kong titiisin si Tintin. Ang tanging pinakamabuting magagawa ko ngayon ay ang bigyan siya ng payapang panahon para makapag-isip.

"Delilah pwede ko bang makarga si Tweenie kahit saglit lang?" I requested.

"Ay tika lang po, hulihin ko lang!"

She gave me the dog. May ngiting kinarga ko ang aso and gently patted its head. "Samahan mo lagi ang Mommy Tintin ha? Always stay on her side and be gleeful. Baka hindi muna makakapunta dito si Daddy kaya ikaw na muna ang bahalang magpangiti sa kanya."

Tweenie barked softly as if she understood my words.

"Sigi po atorni. Sabihin ko na lang kay ati na dumaan kayo," Delilah said after I returned Tweenie to her.

"Don't tell her. As much as possible don't mention anything about me for a while."

"Oki, kung yun pu ang gusto niyu."

Malungkot na isinarado ni Delilah ang pinto. Ilang saglit ko munang pinagmasdan ang pintuan, tinimbang ang utos ng puso't isipan hanggang sa tahimik akong humakbang pabalik sa aking unit.

                                                 ------


Nagising ako sa makulit na doorbell. I checked the clock, it was past nine already. Naparami ang inom ko kagabi kung kaya't napasarap din ang aking tulog. Mabigat ang ulong bumangon ako. I fixed my self in the mirror. Kukusot-kusot nang mga matang lumapit sa pintuan.

Laking gulat ko nang bumungad sa akin si Delilah. Humahangos at alalang-alala ang hitsura. "Atornii! Si Ati Tintin uuwi ng Cagayan de Oro! Papunta na ng airport!"

Natigilan ako. Initially, I panicked inside not until I reminded myself that there was nothing to be panicked about. "Ganun ba? That's good para makapagbakasyon siya," ngiti ko. Mas makakabuting pag-isipan niya ang isang napakalaking desisyon sa piling ng kanyang pamilya. Ngayon niya higit na kailangan ang gabay ng mga magulang. May takot ako sa posibilidad na hindi matuwa sa desisyon ko ang mga magulang niya pero ganun pa man naniniwala akong higit nilang naiintindihan ang nararamdaman at intensiyon ko sa kanilang anak.

"Huh? Hindi niyu man lang pipigilan?"

"Bakit ko naman pipigilan? Anong masama kung magbakasyon siya sa pamilya niya?"

"Eh kasi anu po... feeleng ko talaga eh magkaaway kayu kaya siya nagaalis!"

I chuckled. "Hindi kami magkaaway. May pinagdadaanan lang si Kristina na hindi ko pwedeng panghimasukan."

She Loves Me MoreOnde as histórias ganham vida. Descobre agora