I : No place for 778

Bắt đầu từ đầu
                                    


****


Balisa man at labis ang lungkot, pilit na pinigilan ng tatlo ang kanilang mga emosyon nang madatnang muli ang mga magulang ni Dana na nasa labas parin ng morgue. Nakasandal man sa isa't-isa ang mag-asawa, animo'y wala ang mga ito sa kanilang sarili matapos mawala sa kanila ang kaisa-isang anak.


"Asan si Cielo?" Tanong ni Shem sabay abot kay Raze ng mga nabili nilang pagkain. Gaya nila, hindi rin umuuwi si Raze sa tabi ng mga magulang ni Dana upang makatulong sa kahit na anong paraan.


"Hindi niya kinaya, nawalan siya ng malay." Sambit na lamang ni Raze. Isa-isa niyang tiningnan sina Shem, Mira at Churchill na nakapambahay pa at gaya niya'y magang-maga rin ang mga mata, napabuntong-hininga na lamang siya. "Umuwi muna kayo, kanina pa kayong umaga rito."


"Dana's dead for saving us so we're not—" Natigil si Mira sa pagsasalita nang bigla na lamang niyang matanaw si Harper na naglalakad patungo sa direksyon nila, "what the hell is that bitch doing here? Hindi ba't sabi mo siya ang may dahilan ng lahat?" tanong pa nito kay Raze.


"Ako nang bahala." Sabi na lamang ni Raze at bago pa man tuluyang makahakbang si Harper patungo sa direksyon nila o sa mga magulang ni Dana.


"Anong ginagawa mo rito?!" Mabilis ngunit pasimpleng hinarang ni Raze si Harper dahilan para mahinto ito sa kinatatayuan. Nagngingitngit man sa galit, pinilit na pinanatili ni Raze na kalmado ang kanyang boses.


"Out of my way Raze." Walang emosyong sambit ni Harper pilit na iniwasan ni Raze ngunit sa kabila nito ay sina Shem, Mira at Churchill naman ang humarang sa kanya.


"Oh so you're the corpse protection squad now?" Sarkastikong sambit ni Harper at ngumisi na lamang nang makita ang galit sa mga mukha ng apat.


"Kahit babae ka, masasapak kita." Ganti naman ni Churchill na ngayo'y nakakuyom na ang kamao.


"Hindi ka ba marunong mahiya? Kahit simpleng kabutihang asal hindi ka ba naturuan ng mag magulang mo?" Sarkastikong tanong naman ni Shem dahilan para unti-unting maglaho ang ngisi sa mukha ni Harper.


"Y-you tricked me into releasing those creatures from the record.. how could you do that to me? How could you do that to everyone?" Galit na galit man, hindi na muling napigilan ni Mira na maluha.


"Harper hija?" Sa isang iglap ay bigla na lamang umalingawngaw ang boses ng ina ni Dana. Nang mapalingon sila sa direksyon nila ay nakita nilang nakataas ang dalawang kamay ng ina ni Dana na animo'y gustong hagkan si Harper.


"Tita!" Tila ba wala sa sariling napasigaw si Harper at binangga sina Raze na nakaharang sa kanya. Walang nagawa ang mga ito kundi padaanin si Harper at pagmasdan siyang yakapin ang nagluluksang mga magulang ni Dana.


"You've got to be kidding me..." Napaiyak na lamang lalo si Mira sa sobrang inis.


***


Unti-unting idinilat ni Cielo ang kanyang mga mata hanggang sa unti-unti niyang masilayan si Axel na nakaupo sa kanyang tabi at animo'y hinihintay siyang magising.


Mula sa pagkakahiga, pilit na umuupo si Cielo kaya naman agad siyang nilapitan ni Axel upang umalalay.


"Gitara na ba ulit yang laman ng guitar case mo o palakol parin?" Magangmaga man ang mga mata kaiiyak at wala mang kaemo-emosyon ang mukha, pinipilit na lamang ni Cielo ang kanyang sariling magbiro habang nakatingin sa bitbit ni Axel sa kanyang likuran.


"Anong kumagat sa mata mo? Ipis o bubuyog." Biro pabalik ni Axel at animo'y ginagaya ang walang kaemo-emosyong kilos ni Cielo.


"Don't get me wrong, It's good seeing you again but I can't be okay, I can't be happy." Napabuntong-hininga na lamang si Cielo at hinilamos ang kanyang namumutla at nanginginig na mga palad.


Napabuntong-hininga si Axel at tinabihan si Cielo ng upo sa kama, "'Wag kang mag-alala, sasamahan kita sa pagpapaka-miserable."


Kapwa nakatingin sa kawalan, hinawakan ni Axel ang kamay ni Cielo. Hinawakan naman ni Cielo pabalik ang kamay ni Axel at sa puntong ito, hindi na napigilan pa ni Cielo na maiyak at mapahagulgol muli.


***


Nararamdaman ni Harper ang napakasamang tingin nina Raze, Shem, Mira at Churchill sa kanya pero hindi niya ito pinapansin. Panay lamang siya sa pag-hawak sa kamay ng ina ni Dana habang pinagmamasdan itong umiiyak sa kanyang harapan at inaalo ng kanyang asawa.


"H-harper, pwede mo ba munang kunin mula sa kwarto ni Dana yung kumot na paborito niya? P-paborito niya 'yon... Hindi siya komportable kung wala 'yon... Yung kulay pink?" Wala sa sariling bulalas ng ina ni Dana habang walang kabuhay-buhay na nakatitig sa kawalan.


"Opo... Kukunin ko po." Tumango-tango naman agad si Harper bilang paalam.


Hindi na nag-aksaya pa si Harper ng sandali, dali-dali siyang nagpaalam sa mga ito. Muli, nadaanan niya ang apat na galit sa kanya, imbes na lingunin o bigyan ng pansin, taas-noo at patuloy lamang sa paglalakad si Harper hanggang sa makarating siya parking lot kung saan naroroon ang kanyang sasakyan.


Binuksan ni Harper ang kanyang bag at kinuha ang kanyang susi. Bubuksan na sana niya ang kanyang pinto nang mapansin niyang may nakatayo sa kanyang likuran kaya naman dali-dali siyang napalingon dito.


"You can act like a saint all you want but your horns will always surface." Walang kaemo-emosyong sambit ni Cielo na nakatayo lamang pala sa kanyang likuran. Gustuhin man ni Harper na magsalita, wala siyang magawa habang nakatitig sa mga mata ni Cielo na punong-puno ng pighati at poot.


"If you think I'll let you get away that easy, think again... I'll be coming for you Harper, but not today, not now. Sinasabi ko 'to sayo ngayon pa lang para naman oras na dumating ang panahong unti-unti ka nang nalalagutan ng hininga, hindi ka na magtataka o magmamakaawa saaking buhayin kita... Ang iisipin mo nalang bakit... Bakit sa lahat ng tao, ako at ang mga kaibigan ko ang ginawan mo ng mali." Walang emosyong sambit ni Cielo hangang sa unti-unting kumurba ang isang mala-demonyong ngisi sa mukha ni Cielo, "Ingat ka Harper at 'wag mo sanang kalimutang may dugo rin akong Fergullo."


Taas-noong naglakad palayo si Cielo patungo sa sasakyan kung saan naghihintay sa kanya si Axel. Pasimple siyang lumingon sa direksyon ni Harper at hindi na niya magawang maitago pa ang galak nang makitang tarantang-taranta si Harper na pumasok sa kanyang sasakyan para lang makalayo agad mula sa kanya.


Sa kabila ng tuwang nararamdaman, hindi parin mapigilan ni Cielo na maluha.



END OF CHAPTER 1!

Note: And yes, super connected ang prologue nitong book 3 at ang chapter na itu.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ