Tumawa naman si Kambal 2. "Bwahaha. Wawa naman si Kuya. Bakit ba kasi ganun ang ugali nun. Parang aburido sa buhay?"

"Kasi nagmana siya kay Daddy. Sabi ni Mommy 'di ba aburido daw dati si Daddy nung hindi pa sila bati." Ani Kambal 1.

"Ganoon ba?" Tanong ko tapos tinanguan nila ako bilang sagot nila. "Pero yung Kuya niya kasi minsan malandi e."

Nagkatinginan silang dalawa ng matalim tapos sabay na ibinalik ang tingin sa akin. Para silang mga langgam na unti-unting lumapit sa magkabilang gilid ko na halos magmukha na silang maging imbestigador. Anong meron sa dalawang bugoy na 'to?

"Oh talaga, Ate Lily? Malandi ang Kuya namin? Weh?" Hindi ba kapani-paniwala na may flirt tendecies ang kapatid nila? Kambal 1, maniwala ka kaya!

"Bakit? Ano ba siya sa pagkakakilala niyo?"

Ngumuso si Kambal 2, "Salbahe tapos masungit tapos suplado tapos salbahe ulit. Kami lang ni Kambal ang mabait sa aming tatlo."

Pinigilan kong matawa sa sinasabi nilang dalawa. It seems that Brent is a complete monster for them based on what they knew about him.

"Malandi ang Kuya niyo. Pero syempre gusto ko 'yung ganun siya dahil kung hindi, kukutusan ko siya." Wala-sa-loob na sabi ko habang nagbibilang ng mga play money ko.

"Bakit, Ate? Buntis ka na ba?"

"Magiging Tito na ba kami ni Kambal 2?"

Napa-smirk ako sa mga tanong nila. "Porke't malandi si Brent, buntis na agad ako? Hindi ba pwedeng ganun lang siya?"

"Hindi!" Sabay na apela nila.

Napailing na lang ako sa dalawang 'to.

"Ate Lily, dapat pagbalik namin ulit dito, may pamangkin na kami ha. Gusto namin makita kung makakalaro ba namin siya sa baseball o kami yung me-make-up-an niya."

"Ye! Dapat may bine-baby na kami hindi yung kami yung bine-baby ni Mommy. Ang sagwa nun!"

Tumawa ako at kinusot ang mga buhok nila. "Ewan ko sa inyong dalawa. Masyado pang maaga para mag-baby kami noh. Magtatapos muna ako ng College ta's magta-trabaho pa ako. Saka na 'yun."

"Kayang-kaya kitang buhayin, Anneliese Sue-Chien. You don't need to work or stretch your bones. Your duty is to make me happy and father me a child. One child, two children, three, whatever. My money can afford more than a dozen."

Halos masamid ako nang marinig ko ang boses ni Brent sa may bandang pintuan. Napapikit ako sa kahihiyan. Ano na naman 'tong pinagsasasabi niya?!

"Uyyy!" Si Kambal 1 tapos pabiro akong kiniliti sa tagiliran.

"Kinikilig si Ate Lily! Totoo ngang malandi si Kuya Brent" si Kambal 2 naman ay tinulak-tulak ako.

Hay, Lord. Battered sister-in-law na ako sa dalawang 'to. Ang kukulit!

"H-hindi ko tinatanong kung ilan ang gusto mong anak. Wag kang epal!"

[ - - - - - ]

Nang magkasawaan na kami sa paglalaro ng Monopoly at pagkukwentuhan ng kambal, bumaba na kami para sa Noche Buena dahil mag-12 mn na din. Nakahanda na rin ang dining hall sa kainan na halos parang fiesta! Nakakalula ang dami at parang masasarap talaga.

We Got Married?!Where stories live. Discover now