The Halloween Festival

Start from the beginning
                                    

"Pero mamaya na 'ko aalis, bespren. Nakakahilo sa labas, daming kaluluwang ligaw."

"Ugh! Get lost, Viscos!" 

"Huwag ka na mang magalit, corpse bride. Aalis naman ako, just give me time."

Kainis, hindi pa dumadating si SSC President. Dito ang pwesto nila, nasaan na kaya 'yon?

"Here, take this! Maglaro ka sa lahat ng booth!"

Inabot niya sa'kin ang isang pouch ng tokens. Wow!  Ayos talaga 'to. Pagkain at tokens. Ang dami na naming magagawa ng makakasama ko buong araw!

"Now, get lost!" tinaboy ako ni Shamari palabas.

"E-eh ma-ma-ya-na," bulong ko sa kanya, katakot siya, ang ibang officers ay lumayo na sa'min.

Nakita ko siyang huminga nang malalim at nag-cross legs. Balik siya sa pagiging Miss Composure.

"Nasa BusinessEd Bldg. si Rion, may inaasikaso doon."

Nilingon ko bigla si Shamari na seryoso pa din ang mukha. My eyes sparkled with glee!

"Waaaaah, Shamari, you're a true friend!" at bigla ko siyang niyakap.

"Ugh! Bitiwan mo nga ako! Hindi ako makahinga!"

"Thank you!" inalog-alog ko pa ang balikat nya.

"Get lost, Viscos! Sinabi ko lang 'yon para hindi ka dito manggulo. Now go away!"

"Salamat prend! Hayaan mo paliligawan kita kay Zilv! Byieee!"


^^^^^^^^

Moi's POV


"Stop that Moises! Before I knock the hell out of you!" sigaw ni Rion na iwas nang iwas habang tinututok ko ang camera ko.

Tae! Ang daming kaartehan sa katawan netong si Rion.

"Tatlong pose lang, Rion madali lang 'yon. Parang kagat lang ng langgam," at tinutok ulit ang camera sa kanya pero tinakluban lang niya ng kamay.

"You look gay, Moi!" yamot na sabi ni Rion.

Iyon na nga ang iniisip ko! 'Takte naman kasi! Napa-kompromiso pa 'ko kay Dollar. Matindi pa namang mag-tantrums ang tisay na iyon. Batok na naman ang aabutin ko.

"Stop it. I'll give my pictures to her, matigil ka lang." He said in his usual serious tone.

"Okay, siguruhin mo lang."

Solved! Hindi naman magsasabi si Rion kung hindi niya kayang tuparin. Hindi na lang muna ako magpapakita kay Dollar. Tinapik ko si Zilv na natutulog sa ibabaw ng mga pinagtabi-tabing armchairs.

"Zilvestrio!"

Isa pa tong lalakeng 'to! Parang mantika kung matulog! Nakita ko si Rion na lumapit sa pinto at nakiramdam sa labas ng room na kinaroroonan namin.

"Zilv!" tawag ko pa rin sa kanya.

Ayaw talaga! Nasa lalala-land pa din. Tinutok ko ang camera ko sa natutulog na si Zilv. *Grin

*Click*Click*Click 

Ayos to, ibebenta ko to sa mga fans ni Zilv! Magakakapera pa 'ko.

"Wake him up, Moi. Kailangan ko pang bumalik sa event," naiinip na sabi ni Rion, nakalapit na sa tabi namin ni Zilv.

"Ayaw eh."

Rion sighed impatiently at mas lumapit sa natutulog na si Zilv at walang babalang sinuntok si Zilv sa panga.

RION (Complete)Where stories live. Discover now