"Pakitawag nalang ako kapag dumating si Leo..." bilin ko sa mga katulong na kilala pala si Leo dahil matagal nang naninilbihan ang mga ito sa mansion.

At dahil nanlilimahid ako sa pawis kaya nagpasya muna akong magbabad sa bathtub na nasa loob ng master bedroom. Total alas nuebe palang naman ng umaga.

Hindi ko namalayang nakatulugan ko ang pagbabad ng bathtub at naalimpungatan ng may narinig akong kaluskos sa labas ng bathroom area.

"Hon..." tawag ko kay Lloyd at nagbabakasakaling sya yun kasi ito lang naman at ako ang pwedeng pumasok na walang pahintulot.

Hindi ito sumagot. Kaya tumayo ako at tinuyo ang sarili ko gamit ang putting tuwalyang nakasabit sa pintuan ng bathroom area.

Kumuha ako ng isang towel para ibalot sa basa kong ulo bago lumabas ng bathroom.

"Hon... ang aga mong umuwi ah... akala ko ba gagabihin ka..." casual na tanong ko sakanya ng makita ko ang matipuno nitong likod. Grougy pa ko kaya blurred pa ang paningin ko sa paligid.

Lumapit ako sakanya at niyakap sa likod nya. Sinamyo ko pa ang mabangong amoy nya habang nakasandal ang ulo ko sa likod nya. "Hmm... bakit parang mas bumango ka pa ata ngayon, hon?" inosente kong tanong habang walang sawa kong sinamyo ang mabango nyang amoy.

"Hmm... I missed you, hon..." mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sakanya ngunit walang lumabas na boses sakanya.

"Hon..." tawag ko sakanya pagkatapos kong inalis ang pagkakayakap ko sakanya kahit tutol na tutol ang kalooban ko.

"Look at me... " I requested.

Dahan dahan naman syang humarap sakin at halos mapasigaw ako sa gulat ng makita ko ang mukha ng kanina ko pa pinagnanasaan.

"Err... hi, sister in law..." he greeted me casually. Naiilang ako sa tingin nya sakin na nag-e-enjoy sa panonood saking natataranta at hindi ko alam kung anong una kong gagawin.

"I'm sorry... I thought..." napatigil ako sa pag-e-explain ng makita ko ang pilyong ngiti sa mapupula nitong labi.

Magkahawig sila ni Lloyd. Magkasing tangkad din at magkasingkatawan. Ang pagkakaiba lang nila ay mas bata ang mukha ni Leo kay Lloyd dahil na din sa mas matanda si Lloyd sa kapatid nya. Other than that, wala ng pagkakaiba except sa facial expression.

Mas seryoso ang lintanya ng mukha ng asawa ko kesa sa kaharap ko ngayon na sobrang evident ang pagiging pilyo at playful. Mahahalata mo ding masiyahin dahil sa hindi maalis alis na ngiti nito sa labi na parang umaabot sa mata nito ang pagkakangiti.

"Hindi ko alam na ganito na pala ang batian ng bagong magkakilala sa Pilipinas... kung alam ko lang sana matagal na kong umuwi dito..." hindi maalis alis ang pilyo nitong ngiti habang sinasabi yun.

"No... I mean hindi ko naman sinasadya... I thought you were Lloyd..." paliwanag ko. nakita ko ang pagdaan ng galit sa mata nya pero agad iyong napalitan ng ngiti sa labi.

"It's okay... I'm used to that reaction." Tumikhim muna sya bago nagsalta ulit. "So I presumed you Eira, my brother's wife?"

Tumango ako. "I'm Eira Lopez and now Eira Ramirez, and you are my husband's brother?"

Tumango sya bago inabot ang kanang palad. Hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin. "I'm Leo Ramirez... nice to meet you, sister in law..." inabot ko ang kamay nya para makipagkamay.

"I never thought my brother has a great taste in women..." he said casually while exploring his eyes around my body. "Maganda na... sexy pa..." mahina nyang sabi pero nakarating sa pandinig ko kaya bigla akong nagblush.

An Affair With My Brother In Law [R-18]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora