It's too late (IWINMY2)

Start from the beginning
                                    

"Mayroon kasing 3 stages ng signs and symptoms of pregnancy. Ang Presumptive, Probable at Positive. Sa presumptive puro subjective lang ang naroon o yung mga nararamdaman ng buntis at nandoon din yung kutob na baka buntis ang isang babae pero hindi lahat ng yun ay masasabi nating signs na ng pagbubuntis malay natin may iba pang dahilan."

"Doc hindi ko gets. Magbigay nga po kayo ng example."

"Tulad na lang ng misperiod na nangyari kay Miss Javier maaaring na delay lang ang period nya dahil sa stress at sya ay emotionally upset. Minsan kasi sa pagiging emotionally upset pwede ring magkaroon ng vomiting at nausea. Hindi ba stress tayo o kinakabahan tayo ay hindi tayo mapakali. Ganun ang nangyayari sayo Miss Javier." So hindi pala talaga ako buntis at sadyang stress lang talaga ako. Bigla kong tinignan ng masama si Clavs. Lintek na babaeng 'to masyadong advance ang utak!

Nagpasalamat na lang kami sa doctor at umalis na para bumalik sa school. Naku talaga gustong gusto kong sabunutan ang bestfriend ko ngayon!

Nagtext sa akin si Andrew at pinapunta niya kami sa may auditoriem. Ay oo nga pala may play kaming gagawin para sa Humanities. Hindi ko nga alam kung bakit may ganun pa kaming subject eh di naman namin magagamit sa buhay yun.

Bakit ba kasi may mga subjects pa na hindi naman kailangan tulad na lang ng physics at algebra. Biruin nyo ah aanhin ko si x and y? At saka pwede pa lang i add ang letters? Akala ko kasi numbers lang ang pwede.

May audition nga pala ngayon para malaman kung sino ang magiging lead roles sa darating na midterm exam. Yun kasi ang exam namin kailangan naming gumawa ng isang play. At ang napili naming story ay A Walk to Remember.  Pwede kang kumanta or umarte sa audition kaya ako kakanta na lang ako.

Para daw mas mapabilis yung audition ginawa na lang duets yung mga kakanta at magbubunutan na lang kung sino ang mag partner. Nakarating na kami sa auditorium. Hindi kami nagpapansinan ni Caleb at back to strangers kaming dalawa.


Nakarating na kami sa auditorium at nakita naming silang nagtatawanan at kasama dun si Caleb. 


"Ey Tiffany sa Saturday pumunta ka sa 19th birthday ko ah." Oh come on maka-angkin ng may birthday ng may birthday si ate!

"Birthday din ni Tiffany iyon eh?" biglang sabat naman si Clavs biglang napatingin sa akin si Caleb pero umiwas din siya agad. Tama 19th birthday ko yun. 

"Okay lang. Pupunta ako. Wala naman kasi kong plano sa birthday ko." Bakit ba iyon yung lumabas sa bibig ko? Gustong gusto ko pa yatang makita kung paano gaguhin ni 'Precious' sina daddy at Caleb. 

"Okay! Yehey! Ace ang babait talaga ng friends mo." niyakap pa niya si Caleb. Napapikit na lang ako ng mariin sa sobrang pagka-asar ko.


"Class magsisimula na ang audition! Umupo na kayong lahat." sigaw nung prof namin kaya naman nagsiupuan na kami. Nagsimula na din ang drawlots at ayun nagkabaligtad kami ng partners. Andie and 'Precious' at siyempre ang mag ex ng bayan. Tiffany at Caleb! Hindi pwedeng hindi kami mag-uusap. Ano naman kaya ang kakantahin namin.

Tumabi siya sa akin at may inabot na papel at hindi man lang ako pinagkaabalahang tignan. Tss. Laki ng bitterness nito sakin ah.

"Yan na lang kantahin natin." He said in a cold voice. Awts.

"Tiffany Javier and Caleb del Rosario turn niyo na." Umakyat na kami ng stage ni Caleb. Ang dami pa lang tao na nanunood. Huminga ako ng malalim ng marinig ko na yung intro ng kanta.


Caleb:

Let me hold you
For the last time
It's the last chance to feel again
But you broke me
Now I can't feel anything

 

Gustong gusto kitang yakapin ulit Caleb kung alam mo lang pero hindi ko magawa. Natatakot akong lumapit sayo. Alam ko namang galit ka pa din sa ginawa ko.


When I love you
It's so untrue
I can't even convince myself
When I'm speaking
It's the voice of someone else

Oh it tears me up
I tried to hold but it hurts too much
I tried to forgive but it's not enough
To make it all okay


Pareho lang tayo ng nararamdaman ngayon. Natalo ng galit yung pagmamahal ko para sayo pero bakit parang ako pa din yung pinaka nasasaktan. Hindi ko ba talaga deserve ang maging masaya?

Lahat na lang nawawala sa akin. Lagi na lang ba akong inaagawan o talagang burara lang ako.

 

You can't play on broken strings

You can't feel anything
That your heart don't want to feel
I can't tell you something that ain't real

Oh the truth hurts
A lie is worse
I can't like it anymore
And I love you a little less than before

 

Nasasaktan ako masyado. Nananakit yung lalamunan ko. Parang yung lyrics ng kanta yun yung nararamdaman nIya. Ibig bang sabihin hindi na talaga niya ko mahal?

Ganoon na lang ba kadali ang lahat?


CALEB'S POV

 

Salamat sa pagbabalik ni Precious alam ko unti-unti makakalimutan ko din lahat ng sakit na ibinigay sakin ni Tiffany. Hindi ko naisip dati na sa ganito lang matatapos lahat lahat ng nangyari sa amin.

Minahal ko siya ng totoo. Minahal ko siya ng todo.

Nagpakatanga at nagpaka gago sa isang tulad niya.


Oh what are we doing
We are turning into dust
Playing house in the ruins of us

Running back through the fire
When there's nothing left to save
It's like chasing the very last train
When it's too late

Oh it tears me up
I tried to hold but it hurts too much
I tried to forgive but it's not enough
To make it all okay

 

Sinubukan naman kitang ipaglaban pero ikaw mismo ang bumitaw. Bakit ka pa kumapit ng ganito katagal kung bibitawan mo din pala ko? Mahal na mahal pa din kita Tiffany pero ayokong masaktan ng ganito.

Si Precious na lang ang nakikita ko para pawiin lahat ng sakit.

I Wish I Never Met You (EDITING)Where stories live. Discover now