"Tsansing ka na ah?" Pang aasar nya saakin kaya hinampas ko ang braso nya.
"Tara na nga!" Asar na sigaw ko sakanya
Tumayo na sya at sumunod saakin. Wala talaga akong balak mag aral ngayon. Gusto ko lang mag libot.
"Zach. You want a Date?"
Nabigla sya sa tanong ko. As in yung mata nya nanlaki. Natawa ko sakanya. Ganon ba kalakas ang epekto ko sakanya?
"Ah?" Naguguluhang tanong nya
Ngitian ko sya at hinawakan sa kamay. "DATE. Ayaw mo ba?" Inis na saad ko
"Hindi ah! Tara!" Hinatak nya ako at nagmadaling naglakad.
"Dahan dahan nga!" Bulyaw ko sakanya kaya binagalan nya ang paglalakad nya.
Gusto ko ng alisin ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Pero sa tuwing aalisin ko ang kamay ko ay hihigpitan nya ang pag kahawak nya.
Ayan nana man ang puso ko. Tumitibok nana man ng mabilis. Normal paba ito?
Sumakay kami ng jeep. Hindi ako sanay sumakay ng jeep dahil lagi akong hatid sundo ni Kuya noon.
"Ah. Za-ch" Nahihiyang tawag ko sakanya
Tinignan nya ako "Ano?" Tanong nya saakin
Yumuko ako at nagsalita "Hindi pa kase ako nakasakay ng Jeep" Mahinang saad ko
Hindi sya nagsalita ng mag angat ako tingin sobrang seryoso ng mukha nya "Ako rin" Natatawa nyang saad.
Nanlaki ang mata ko. So parehas naming first time sumakay nito?
Hinatak na nya ako papasok sa Jeep. Masikip. Umupo kami sa bandang dulo ng jeep. Magkatabi lang kami at Halos lahat ng tao ay naka tingin SAAMIN dahil mag kahawak parin pala ang kamay namin.
Hindi ako kumibo. Yumuko lang ako at pilit na inaalis ang kamay ko pero ayaw nyang bitawan. Aish.
"Magkano ba ang bayad dito?" Bulong nya saakin
"Hindi ko alam" Sagot ko
Tumawa sya ng mahina kaya itinaas ko ang ulo ko.
"Ate paabot po" Nilingon ko ang lalaking may hawak na barya. 12 pesos. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Nabigla ako ng kunin ng katabi ko ang barya na inaabot saakin ng lalaki.
At pinabigay nya sa driver. So ganon pala yun?
"12 ata yung bayad" Bulong ko sakanya
Tumango lang sya at kumuha ng pera sa wallet nya. Nagbayad na sya at hindi man lang kinuha ang sukli nya. Buti nalang at 100 pesos lang ang binigay nya.
Hindi nag tagal ay nakarating din kami ng mall. Nag uunahang bumaba ang mga pasahero. Hinintay naming bumaba lahat sila
Still, Mag kahawak padin ang kamay namin. Ayaw nyang bitawan kaya hinayaan ko lang sya.
Halos matawa ako sa mukha nya ng mag kahiwalay kami sa entrance ng mall. Dahil sa ayaw at gusto nya ay kailangan nyang bitawan ang kamay ko.
"Dont laugh. San ba tayo pupunta?" Inis na sabi ni Zach
"Kain muna tayo" Pag yayaya ko sakanya
Tumango lang sya kaya sinundan ko lang sya habang naka simangot padin. Hinabol ko sya at hinawakan sa braso.
Napatigil sya sa paglalakad nya pero hindi ko sya pinansin. Nakakahiya pala -,-
Kumain kami sa KFC. Gusto ko dun kaya wala syang nagawa kundi sundin ako. Pinagtitinginan kami ng mga taong nakaka salubong namin dahil parang naka pang bahay lang kami sa suot namin.
Umupo ako at hinayaan si Zach na mag order ng kakainin namin. Sya na din ang nagyabad. Gentlen man daw po sya.
Tinignan ko sya mula sa counter. Hindi man sya pinapansin ng mga babae na nakapila dahil sa sobrang simple nya.
Iniwas ko ang tingin ko dahil tumingin sya sa gawi ko. Feeling ko namumula ang pisngi ko. Geez. Bat ba ganito ang nararamdaman ko sa tuwing titignan nya ako?
Hindi rin nagtagal ay dumating na sya. Inilapag nya ang inorder nya.
Nagsimula na akong kumain ng makita ko syang nakatingin saakin at hindi nya ginagalaw ang pagkain nya.
"Eat. Wag mo nga akong tignan para kang tanga" Inis na sabi ko
Narinig ko ang mahinang pag tawa nya.
Pagkatapos naming kumain ay niyaya nya ako sa Arcade. Ayoko sana dahil sobrang daming tao doon.
Humarap sya sa machine kung saan kukuha ka ng teddy bear.
"Do you want a teddy?" Tanong nya saakin
Tumango lang ako at pinanuod syang maglaro. "argh!" Inis na sigaw nya dahil ilang ulit na syang naglaro pero hindi pa nya makuha kuha. Natawa ako sakanya.
"Wag moko pagtawanan" Asar na baling nya saakin.
After 10 try naka kuha sya ng dalawang cute na teddy. Ibinigay nya saakin ang isa. "Yan si AZ" Turo nya sa teddy na hawak ko. AZ? "At eto si MY" Turo nya ng sakanya.
Tinignan ko sya "AZ & MY?" Naguguluhang tanong ko
Inakbayan nya ako at binulingan "AZ stand for Athea and Zach while MY stand for Miguel and Yen"
BINABASA MO ANG
She's dating Mr. Eye glasses
Teen FictionWhat if Ms. Every thing fall inlove with Mr. Eye glasses/Nobody? Will she let this Nobody ruin her life? Pano kung yung mahal mo gusto pala ng kaibigan mo? Ano ang pipiliin mo? Ang pagkaka ibigan ninyo? Oh ang pag mamahalan nyo? ---- "I dont know ho...