GAME 1: JOBLESS

6 0 0
                                    

HAYYYYYYY!!!!!

ONE YEAR AND ONE MONTH???

TAENANG BUHAY TO..

Matagal-tagal na din pala akong tambay sa bahay..

Hindi ako magugulat kung isang araw babalutin na ni Inay ang mga damit ko at paalisin na ako dito sa bahay..

OH MY GOD!!

I NEED JOB!!

"SHIT!!!!!"sigaw ko

After kong sumigaw may lumipad na unan sa mukha ko.

Sinong siraulo ang bumato sakin??

"Ano? Ganyan kana? Tutulala kana lang dyan sa laptop mo? Wattpad na naman? May napapala kaba dyan??"sermon sakin ng magaling kong kakambal

Makapagsalita naman to,akala mo hindi din natambay sa wattpad.Tsk!!

"Hoy!! Aero Altis Cruiser Martini..Para sabihin ko sayo, kundi dahil sa ex mo hindi ko malalaman ang wattpad."sabi ko

WEIRD NAME RIGHT???

Medyo magaling ang mga magulang namin e,pati pangalan namin kinuha sa sasakyan tapos yung apelyido pa namin na MARTINI may model din na sasakyan Aston Martini DB9..

"So it's my fault now?"Aero

Tumango naman ako habang nakaharap pa din Mac ko.Frustrated writer din kasi ako.Hahahaha.

"Tsk.Gusto mo ba ng trabaho??"Aero

"As long as wala yang kinalaman sa office,i like it."sabi ko

Hindi ako choosy sa trabaho.Ayaw ko lang talaga na sa office ako maglalalagi.Boring kaya dun.

"PAMBIHIRA!!Shelby Cayenne Veilside..Psychology graduate ka pero ayaw mo sa opisina..Anong gusto mo construction??"Aero

YEAH!
Graduate ako ng BS Psychology sa prestihiyosong ekswelahan.
Ang hirap kasi sa kanila,pinilit akong pumasok sa kursong yun e gusto kong mag multimedia arts.Saka kung ipupursue ko man ang course ko I want to be a Psychologist/Psychiatrist not an HR Manager.
At marami akong dahilan kung bakit ayaw kong mag-HR..

"Bakit hindi?Marangal na trabaho yun.Eh teka ano bang trabaho yang sinasabi mo??"tanong ko

Umupo siya sa kama ko.

"Dahil genius ka naman sa lahat ng klase ng ART,siguro babagay sayo tong trabaho na'to..My boss is looking for Styling expert.."Aero

HANUDAW?
STYLING EXPERT?

"okay,medyo malabo.Ayun nga yung boss ko naghahanap ng tutulong sa anak ng kaibigan niya para magkaroon ng taste sa pananamit,sa pakikipagsocialize,pagkakaroon ng magandang katawan, ahh basta your job is you just need to turn the chubby nerd into prince.."Aero

NGANGA!!

"AERO,psychology graduate ako hindi ako plastic surgeon.Ang makakatulong dyan sa anak ng kaibigan ng boss mo ay si Ninang Vicky Belo."sabi ko

Saka siguro fairy godmother..

"Atleast hindi pang office saka maganda ang salary dun.60k a month.walang kaltas.."Aero

HUWAWWWW!!!!
60 000!!!!
Marami na kong street children na mapapakain dun..

"Sige sige.."sabi ko

"Sige ha..sasabihin ko na sa boss ko.."Aero

May thrill ang trabaho na yun ahh..
Atleast hindi na ako JOBLESS..

****
Nandito ako ngayon sa bahay nung naghahanap ng tulong ko.Grabe laki ng bahay!!

"Iha! I'm Mrs. Vanilla Espinile,call me Tita Nilla."Tita Nilla

She's pretty..

"Ah hello po,Yen Martini po.Nice to meet you po.."sabi ko

We proceed to business agad.Wala ng paligoy-ligoy pa..

"Mababa kasi ang self-confidence ng anak ko.Eh sya lang naman ang anak ko at magmamana ng lahat lahat.Kaya kailangang matuto siyang humarap sa tao.Maging isang tunay na businessman.nagegets mo naman ako diba?"Tita Nilla

Sa kwento nya about sa anak niya.Naawa tuloy ako sa anak nya.Biruin nyo,hindi na pumasok ng college kasi laging nabubully kaya ayun,nakuha nya ang degree nya through home schooling.

"Kelan po ba ako magsisimula??"tanong ko

"Next week.and Iha i give you 8 months para dito.."Tita Nilla

"Okay po Tita.."sabi ko

Sinabi na nya lahat ng conditions.And ang masaklap lang dun ako tutuloy sa bahay nila sa province kung san tumitigil yung anak nya.

And guess where??

BATANGAS!!!

****

"Hoy!wag kang tatanga-tanga dun ha."Aero

"OUCH NAMAN BROTHER!!!you bruise my heart."sabi ko

Susunduin daw kasi ko ng driver nina Tita Nilla at ihahatid ako sa batangas.

"Teka,Aero.Alam na ba to nina Inay at Tatay?"tanong ko

Malay nyo pigilan ako..

"Tuwang-tuwa nga sila e."Aero

Grabe naman!
San ba sila natutuwa?
Yung may trabaho na ako o yung aalis na ako dito sa bahay??

Dumating naman na yung driver at sumakay na ako.Natulog nalang ako sa byahe kasi mahaba-habang upuan ito.

Dahil walang stop-over si manong ayun mabilis kaming nakarating sa Batangas..

"Ms.Yen, nandito na po tayo."Manong Pilo

Bumaba na ako sa sasakyan.

"Manong? Sa Batangas ho ba talaga to??"tanong ko

Eh parang nasa isang exclusive subdivision lang kami e.Ang ganda ng mga bahay lalo na itong pag-aari nina Tita Nilla.

"Opo ms..pasok na po tayo."Manong Pilo

Sinalubong naman kami ng katulong at nagpakilala syang si Manang Sita.Asawa sya ni Manong Pilo.

"Welcome po Ms.Yen.."Manang Sita

"Maraming salamat po."sabi ko

Pumasok na kami sa bahay.

Ang pagkakalaki ga ng bahay na areh??
Napakaganda at komportable e, ay napakasariwa pa ng hangin dine.

"Nasan po yung anak ni Tita Nilla??"tanong ko kay Nay Sita

Inakyat na kasi ni Tay Pilo ang gamit ko sa magiging kwarto ko.

"Ahh,nandun sya sa kwarto nya."Nay Sita

AHH..
Kailangan ko ng masimulan ang lahat..

Game called LIFE.Where stories live. Discover now