"Baby... bakit ganun ang tatay mo... pinagtitripan niya ang puso ko, hindi na nagiging makatarungan ang ginagawa niya sa akin, wala naman akong nagawang masama sa kaniya, bakit niya ako ginaganito."

buntong hininga...

pero, iba ang naramdaman ko kanina ng sabihin ni Borg na "Oo" daw gusto niya ako...

NAPANGITI AKO...

tseeee!!! bakit ba ako napapangiti.. letche oh.. 

hindi ko nakikita ang sarili ko na ka-holding hands si Borg habang nagdadate kaming dalawa... hindi ko nakikita ang sarili ko na sinusubuan niya ako habang kumakain kaming dalawa, hindi ko nakikita ang sarili ko na hinaharot nya ako habang nakahiga kami sa kama..

eeeeeeeehhhhhhhhhhhkkk!! bakit lahat ng iyon naiimagine ko---- kung hindi ko nakikita???

naiiyak ako... natatawa ako... napapangiti ako... nababaliw na ba ako? *__*

teka nga...

kinuha ko ang phone ko.

hinanap ko ang picture niya na blutooth ko dati.

haayyy...

Borg.. oh Borg.. bakit kasi ang pogi pogi mo, bakit kasi ang kissable ng lips mo, bakit kasi napakahuggable mo, bakit kasi ang lakas ng dating mo na sa akin ngayon...

ANO BA YAN!!! dapat si Trevor lang.. si Trevor lang! pagsubok lang si Trevor sa amin ni Borg... ay mali pala, pagsubok lang si Borg sa pagmamahalan namin ni Trevor, kailangan kong malampasan ito.

napatingin ako ulit sa picture ni Borg...

haayyyy... teka nga...

option...

set as ScreenSaver...

OK.

*__*

tseeeeeee!! ano bayan! pag nakita pa ito ni Trevor baka lagot na ako.

hay naku, tignan ko nga picture ni Trevor.

HAYYY.... ang gwapo talaga ni Trevor, mahal ko talaga ang kagwapuhan niya, ang yummy niya, my gad! konte nalang at mapapasa akin ka na, at magpapakasal na tayong dalawa, pag nagpakasal tayo... wala ng magagawa pa si Betty kung di' umiyak ng bonggang bongga! bwahahaha!

i can't wait to hold he's hand and embrassing his warm body. Urghesss!!

lalapit siya sa tenga ko habang so romantic niyang ibubulong how much he loves me at handa niya akong pakasalan sa kahit saang simbahan.

yeeeeeeeeee!!! kinikilig ako...

ANO BA TO! PWEDE BA TALAGANG SA DALAWANG TAO AKO MAINLOVE?

inlove? kay Trevor "OO" matagal na.

kay Borg? inlove? nagppaka-indenial ba ako?

"Oo" na din kaya itong nararamdaman ko. :-(

Hindi talaga ito pwede eh..

sabi ni Mama, dapat daw isang babae lang ang papakasalan ko..

bata pa ako non, sabi ko kasi "hindi ako bakla" kaya babae ang sabi niya...

at dahil sa hindi babae ang gusto ko, pwede bang dalawang lalaki ang papakasalan ko? sa araw si Trevor, sa gabi si Borg? my gad! ano ba itong mga iniisip ko oh.

DAPAT KONG IEVALUATE ang nararamdaman kong ito.

dapat siguro, i should give time sa kanilang dalawa... kung sino ba talaga ang dapat kong sagutin ^__^

Halimaw Sa Punong BaleteWhere stories live. Discover now