Hey hey, set me free

Stupid Cupid stop picking on me🎶

Hanggang nakarating si Kathria sa kanyang destinasyon ay iyon pa rin ang kantang pinapakinggan niya.




Ilang malalakas na katok ang gumising kay Dominic. Kahit pa ay pupungas-pungas ay tumayo na siya. Dahil oras na nang bangon niya dahil marami pa siyang pipirmahan na papeles sa munisipyo.

Muling kumatok na naman ang kumakatok sa kanyang pintuan kanina

“Comiingg…” sabi niya pa at binilisan ang paglalakad papunta sa kanyang pintuan

Nang buksan niya ay sumalubong ang isang malakas na hangin sa kanyang mukha. Nanlaki ang inaantok pa niyang diwa sa lamig ng hangin. Hindi niya ba alam kung dahil ba iyon sa hangin lang o sa babaeng nakatayo sa kanyang harapan na animo hindi nilalamig sa suot.

“Are you not out cold?” napabulalas niyang tanong

Sa loob-loob ni Dominic ay siya ang nilalamig sa suot ng dalaga. Naka suot lang naman ito ng black na croptop na pinatungan ng maong na jacket samantalang ang pang ibaba naman nito ay naka formal pencil cut na white skirt na pinarisan ng over the knee na boots. 

“I'm here for business Mr. Mayor, hindi ako pumunta para punahin mo ang suot ko” Sabi nito na sumimsim ng kape. Pagkatapos ay pinasidanhan ng tingin ang kabuuan naman niya.

“Kung makapagsalita ka sa akin akala mo ay hindi ka nilalamig rin, eh topless ka” walang kurap na sabi ni Kathria

Napatawa naman si Dominic sa sinabi ng dalaga sa kanya.May point naman rin ito dahil topless rin naman siya talaga. Natawa rin siya dahil hindi talaga ito nagpapatalo. He open the door wide and registered his hand na pumasok si Kathria. 

“Come in, kakagising ko lang. Let’s have breakfast together” saad pa ni Dominic ng makapasok ng tuluyan ang dalaga.

Nakita niyang nagpalinga-linga si Kathria sa kanyang bahay. At pagkatapos ay umupo sa sofa sa sala. Agad naman siyang dumiretso sa loob ng kusina para maghanda ng agahan.  He plan to have fried rice, egg, bacon, and hotdog. A typical breakfast meal. 

Napansin niyang pumasok si Kathria sa kanyang kusina. At umupo sa isa sa mga upuan na nandodoon. 

“What are you cooking?” tanong pa nito sa kanya.

“Making breakfast” Dominic reply while his attention is nasa kanyang niluluto. 

Nilamig bigla ang batok ni Dominic. Hinango niya ang hotdog at bacon. Nilagay niya iyon sa isang plato. Lumingon siya at ngayon nauunawaan niya kung bakit nilamig ang kanyang batok dahil mataman palang nakatingin sa kanya si Kathria.

“What?” nagtatakang saad niya sa dalaga dahil nakatingin pa rin ito sa kanya “Kapag hindi ka sumagot baka mapagkamalan kong hinahalay mo ako gamit ang iyong mata” biro pa niya

Pero wala siyang nakuhang sagot rito na mas lalong ikina-conscious niya. Hindi siya sanay na may nakatingin sa kanya habang may ginagawa.

Pinabayaan na lamang niya ito kahit pa parang nilalamig na siya sa mga malalamig nitong titig.

“Bakit di ka nagmodel maganda katawan mo” 

Napalingon siya bigla sa sinabi ng dalaga habang kumukuha ng plato at kutsara nila para sa agahan.

“Where did you get that?” nagtataka niyang sabi

“Wala lang. I scan your whole body and pasado yan sa Agency namin” nakapangalumbabang sabi ni Kathria habang tiningnan pa rin siya

HIStory Series #2 : Frosty TemptationWo Geschichten leben. Entdecke jetzt