Hindi na kami tinantanan ng mga reports. Palagi kaming magkasama ni Lionel sa comp lab every dismissal. Marami pa kasi kaming hahabulin na activities.

"You should do the introduction this time," aniya habang nakatingin pa rin sa libro.

"Okay."

Tumayo ako at aalis na sana when he called for my attention.

"Sa'n ka pupunta?"

"Sa canteen. Bibili ng snacks."

Huminga siya ng malalim. Tumayo at inilapag sa ibabaw ng libro ang hawak na ballpen.

"I'll go with you."

"Bakit?" kumunot ang noo ko habang nagsisimula na kaming maglakad paalis sa library. "Bibili ka rin?"

"Sure."

Nakapamulsa siyang naglalakad sa tabi ko. Ako naman tahimik lang at nakatingin sa paligid.

Lionel is...not very boring? Hindi ko alam. Sa nagdaang mga araw na palagi kaming magkasama, hindi naman ako nabo-bored. Hindi rin ako uncomfortable kasama siya.

He's a good companion. I don't mind being friends with him.

Pero mukhang wala ata siyang balak na makipagkaibigan sa akin. Nang-aasar rin siya. Yun ay dahil gusto niya talagang mang-asar hindi dahil gusto niyang makipag kulitan.

"Hindi ka ba nagdadala ng snacks?" tanong niya habang naglalakad kami.

Our canteen was now closed kaya kailangan naming pumunta sa college department para doon bumili ng pagkain. Open pa rin kasi ang college canteen dahil maraming night classes dito sa university.

"Wala naman akong training," umiling ako.

"Kahit na."

"Sorry, hindi kasi ako boy scout," nagkibit balikat ako. "Importante bang may dala akong snack?"

"Buying snacks consume time. Time is precious and we shouldn't waste it just because we're hungry."

Napairap ako sa sinabi niya. "Edi namatay ka sa gutom?"

"That's why I bring my own snacks."

"Ba't ka sumama kung gano'n?"

"I was worried?" patanong na sagot niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Bakit naman?"

"Baka mabastos ka ulit."

Natahimik ako ng ilang sandali. I'm flattered. Napailing ako ng ilang beses.

I didn't know he was still thinking about that incident.

"Ayokong makita kang umiyak..."

Napatingin ako sa kanya. Seryoso siya? Ang caring naman pala ng lalaking 'to. I was about to tap him in the shoulders when he continued talking.

"Ang pangit mo kasing umiyak."

My tap immediately turned into a punch. Hindi naman yun malakas pero sakto lang para masaktan siya. Or so I think because he's reaction was kind of offensive.

"You call that a punch?" nang-aasar na tanong niya kaya mas lalo akong nainis.

Agad ko siyang inirapan. Binilisan ang paglalakad para hindi siya makasabay.

Pagdating sa canteen, agad akong pumila. Maraming college students na nandito. Ang iba sa kanila ay binabati ako. Hindi ko naman sila kilala. I'm guessing because of fencing.

"Sikat ka pala? Bakit hindi kita kilala?" he said, annoying me once again.

"You should shut up, Lionel. Your a better person when your not talking."

"You eat that?" nandidiring tanong niya habang tinuturo ang leche flan na binili ko.

Tinaasan ko siya agad ng kilay. "May problema ka?"

"That's sweet. Magkaka-diabetes ka niyan."

Umirap ako. "Meron na ako niyan."

Naghanap ako ng mauupuan. He followed.

"So...why fencing?"

"Kasi gusto ko," lumunok ako at muling sumubo ng leche flan. "Anong event mo?"

"I can write anything."

"Ang tanong ko sagutin mo. Wag kang mayabang."

"Editorial writing," suminghot siya. "But I'm good with anything."

"Wala kang interes sa sports?"

"I only watch sports when I'm writing an article," nagkibit balikat siya. "Magka-iba tayo ng trip sa buhay."

"Oo. Ang trip ko papuntang langit. Ang sayo, papuntang impyerno."

"Hindi rin natin masasabi na sa langit ang punta mo. Knowing you made many fencers cry because you showed them no mercy."

"It's a game. Did you expect me to lie low and let them win? Ikaw ba? Hahayaan mo ang kalaban mong manalo?"

"If they prove me they are worthy of winning. Sa ngayon, ako pa lang ang worthy manalo."

"Ang yabang mo talaga," nababanas ng asik ko sa kanya.

"Tell me something I don't know."

Nagkibit balikat lang siya.

Pinanood niya akong kumain ng leche flan. I told him to buy something for his self pero ayaw niya raw. Bumili pa ako ng isang leche flan at pagkatapos ay bumalik na rin kami sa comp lab.

Tinapos namin ang report. Alas sais ng makauwi ako sa bahay. Mom was already home.

"Ba't ngayon ka lang?"

"I finished a report with a classmate. Sorry, hindi ako nakatawag."

"It's fine. Sa susunod, magpaalam ka na lang."

"Opo."

Umakyat ako sa kwarto ko.

I received a chat a while later after I rested on my bed. Galing kay Lionel.

Robyn Lionel: I'll send you the file later. Matutulog ka na ba?

I typed a reply immediately.

Rhys Danielle: I can wait.

Rhys Danielle: Bakit mamaya pa? May gagawin ka pang iba?

Lumabas ang typing symbol. Ibig sabihin, may reply siya agad.

Robyn Lionel: I can't open the file yet. I don't have my laptop with me.

Robyn Lionel: I'm not home

Biglang pumasok sa isip ko ang nakita nung nakaraang linggo. Yung sa labas ng Chowking at may kasama siyang mga...babae.

I typed a reply.

Rhys Danielle: Aah, busy ka nga.

Akala ko, hindi na siya mag-r-reply. Pero ng papatayin ko na sana ang telepono ko, the typing symbol popped out on my screen.

Robyn Lionel: Stop judging me, Labreja.

Robyn Lionel: I'm with my parents.

Napairap ako ng wala sa oras. May sinabi ba ako? Wala naman ah! Defensive siya.

Nag-reply naman ako.

Rhys Danielle: Nag-tanong ba ako?

Then, I turned off my phone. Bukas ko na lang i-re-review ang report namin. Hapon pa naman yun.

Tell Me Where It Hurts حيث تعيش القصص. اكتشف الآن