Napakagat-labi si Arya.

Hindi pa siya tapos sa problema ng ate Sam at kuya Arem niya, heto at may bago na naman siyang problema.

"Hey, A, what's the problem?" Nag-aalalang tanong ni Ginang Aria sa kanyang anak.

Kanina pa ito nakatulala at hindi niya maintindihan kung ano ang iniisip nito.

"Mom?"

"Yes, I'm your mom. Okay ka lang ba anak?"

"Mom, you looked great!" Arya's face lit up with a heartwarming smile. However, as she pondered over the potential complication of her mother's new appearance, her mouth twitched, giving away her underlying concern.

The thought of what her mom's new look could bring - the judgment, the questions, the unwanted attention - weighed heavily on Arya's mind. Despite her initial happiness for her mother's new style, she couldn't help but worry about the challenges that lay ahead.

What if she falls in love again?

What will happen to her family?

"Juliana Aryan!"

"P-po?!" Gulat na tumayo ng tuwid ang dalagita.

"Tsk. Nago-over think ka na naman ano?"

Napakagat-labi ang dalagita. Hindi siya makatingin ng tuwid sa kanyang ina.

"Uy!"

"Aray!" Napayuko na lang si Arya nang bigla na lang siyang batukan ng sariling ina. "Mommy naman eh," nakasimangot niyang turan.

"Kung anu-ano na namang pinag-iisip mo ano? Tigil-tigilan mo 'yan Aryana ha. Halika na, walang kasama sa bahay ang ate mo. Mag-aayos pati tayo ng mga gamit niyo,"

Nakangusong sinundan ni Arya sa paglalakad ang kanyang ina habang hinihimas ang ulo. Hindi niya pinansin ang mga kaklase niyang panay ang tawag sa kanya. May ilang kaklase pa naman siyang kagaya niya rin na single parent ang magulang. Paano na lang kung ipareto ng mga ito ang mga biyudo nilang ama sa kanyang ina? No way! That's not gonna happen!

Over her young and gorgeous body.

Kaya naman habang nagkukumahog sa paglalakad ay iniwasan ni Arya ang mga kaklaseng tumatawag sa kanya. Hmp! Hindi siya naniniwalang autograph lang ang kailangan ng mga taong ito 'no.

"Sakay na,"

Sabay-sabay na huminto ang tatlo sa harapan ng Toyota Sienna na isang 8 seater car.

"This is our new car. And Mang Ramon will be our new driver, ah, he's not a new driver. Driver siya dati ng dad niyo. Mang Ramon, ang mga bunso naming mag-asawa, si Ariston, ito si Arthur at ang pinakabunso, si Arya,"

"Magandang hapon po, Señorito Ariston, Señorito Arthur, at Señorita Arya," magalang na bati ng may edad na driver.

"M-magandang hapon po," sabay-sabay na turan ng triplets.

Bukod sa sabay-sabay na silang nagsalita, sabay-sabay din silang nabulol. Hindi sila sanay sa ganitong uri ng treatment at mas lalong hindi sila sanay sa ganitong uri ng pagtawag.

"Pasok na po kayo Señorita Arya," magalang na pinagbukas ni Mang Ramon ng pintuan si Arya.

Sa takot na pagsilbihan sila ng may edad na driver, kaagad na umikot si Ariston at Arthur saka sumakay sa loob ng sasakyan. Si Arthur ang sumakay sa tabi ng driver's seat habang si Ariston naman ay naupo sa tabi ni Ginang Aria.

Nasa kanan ng ginang si Ariston habang nasa kaliwa naman si Arya.

"Mga anak, ngayong ibinalik na sa atin ang mga ari-arian na ninakaw nila, mga anak, hindi ako papayag sa bumalik tayo sa dati nating pamumuhay. Kayang-kaya na kayong sustentuhan ng mommy niyo ngayon. Kaya naman, nagdesisyon kami ng kuya niyo na lumipat na tayo sa Capital. Malayo sa dati nating pamumuhay, at malayo din mula sa  kontrol ng lolo at lola niyo," paliwanag ng ginang noong umaandar na ang sasakyan.

"Pero mommy, paano ang school?" Nag-aalalang tanong ni Arya.

Ayaw niyang huminto sa pag-aaral at ayaw niya ring magkaroon ng hindi magandang record sa school.

"Kaya nga nandito ako, anak. Inayos ko na lahat ang mga papel niyo. Nai-transfer ko na kayo sa CIHS. Papasok na lang kayo sa Monday. Bukas na bukas ay babyahe na tayo papuntang Capital," mahinahong paliwanag ng ginang.

"Paano po si ate?"

Umigkas pataas ang kilay ni Ginang Aria dahil sa narinig.

"Anong paano ang ate mo? Syempre kasama siya. Hindi naman pwedeng nasa Capital tayo tapos ang ate niyo ay nandito,"

"Okay lang po ba 'yun sa kanya?" Nag-aalalang tanong ni Arya na hindi ma-appreciate ang biglang pagbabago ng buhay nila.

Hindi siya prepared.

Dalawang linggo pa lang nawawala ang mommy nila sa tabi nila at sa pagbalik nito ay ganito na kaagad ang nangyayari?

Hindi mapigilan ni Arya ang kabahan.

Hindi siya sigurado kung kaya ba niyang harapin ang susunod na mga kaganapan sa buhay niya.

Sabi ng mommy niya, sa Capital na sila titira. Doon na rin sila mag-aaral at sa Capital International High School pa. That's the CIHS! Sa halos araw-araw na pagpasok niya sa school, palaging binabanggit ng mga kaklase niya ang tungkol sa paaralan na iyon.

Kung gaano iyon kaganda at kung gaano iyon ka-prestiheyoso.

Napalunok si Arya.

Kakayanin niya kaya?

Wala namang duda na kaya niyang sabayan ang academic standard ng naturang paaralan. She can cope with it for sure. Pero ang lifestyle at ang mga bagong kaklase na makakaharap niya, kakayanin niya kaya?

At paano ang ate Sam at kuya Arem niya?

Sa dami ng mga babaeng haliparot doon, hindi kaya maakit ang kuya niya?

Naikuyom ni Arya anh kanyang mga kamao. Matiim na napatingin siya sa labas. Pero kaagad ding nawala ang atensiyon niya sa paligid na tinitingnan niya noong bigla na lang siyang batukan na naman ng kanyang ina.

"Mommy!"

"Bakit nakakunot na naman 'yang noo mo? Tsk. You're still young, my baby. Stop thinking about the things that elders should think about instead. Hayaan mo kaming ma-mroblema sa mga bagay-bagay, anak," seryosong wika ni Ginang Aria saka marahang hinaplos anh ulo ng kanyang bunsong anak.

Sa lahat ng mga anak niya, ang isang ito ang pinaka-thoughtful sa lahat to the point na maging ang mga problema na hindi naman nito dapat iniisip ay pinagtutuunan nito ng labis na atensiyon.


Napakatahimik lang nito at madalas na walang kibo, pero palagi nitong ikino-consider ang lahat. Kung ano ang mangyayari at kung ano ba ang nararamdaman ng taong mahalaga sa kanya. Arya is just that. She tend to care a lot. Dahil lumaki itong hindi nararamdaman ang pag-aaruga at pagmamahal ng mga nakatatanda, masyadong importante sa dalagita ang maliit na bilang ng kasalukuyang pamilya nito. At kasama sa bilang ng pamilyang iyon si Samantha na ilang buwan na rin nilang kasama sa ilalim ng isang bubong.

"Everything will be fine. I've talked to your ate already. Okay lang daw sa kanya kung doon na tayo titira dahil doon siya nag-aral ng high school at college. Marami din daw siyang mapapasukan na trabaho doon, kaya tigilan mo na ang pag-o-overthink, anak,"

Tinitigan ni Arya ang kanyang ina.

As she looked at her mother with astonishment, Arya noticed the joy on her face. Her eyes shine with unexpected light as if she had found a renewed sense of purpose and meaning in life. It's as if a weight has been taken from her mother's shoulders, and she can now breathe freely.

After years of being confined to her bed, her mother is finally able to participate in the things she enjoys, which has provided her with a new feeling of satisfaction. Arya is grateful for this transition and wishes them all the best on their new road of hope and happiness.

"My darling A, are you listening to Mommy?"

Teary-eyed. Arya looked down. And she nods her head.

"Naiintindihan mo ba si Mommy?"

Muling tumango si Arya. Of course she understands. Kaya lang hindi niya mapigilan ang mag-alala. She loved this family so much.

The Divorceजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें