Prologue

12 1 0
                                    





Prologue




The different colours and types of bags that I have, the expensive sweet smell of every perfume I got, and branded make-ups never failed to make me happy. Everytime I tend to use them, I can't help but praise myself as I look more beautiful and mature at my age. Can't blame those boys who get closer to me everytime they see me walk through them.



Money. Money became my buddy. Whatever things I want, I can buy them in just a snap. Magastos, mamahalin, at waldas para sa kanila, pero hindi nila alam kung gaano ako pinapasaya nito. Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi nilang hindi kaya bilhin ng pera ang kasiyahan, bakit sa akin nabibili ko?



"Ang dalaga mo na, anak." ngiting sabi ni Mommy habang sinusuklayan ang mahaba kong buhok.



I smiled, sweetly. I put light makeup on my face and lip gloss. Ito ang palaging sinasabi at ginagawa ni Mommy sa tuwing papasok ako sa school. Halos araw-araw niyang ginagawa ito, she never failed to make my heart warm.



"Maganda rin, Mommy." I added which made her smile grow wider. Her arms wrapped around my waist and smiled at me through the mirror.



"Indeed, hija. So beautiful." I am grateful that she is my Mom. Her dark eyebrows complimented her long lashes, which I got from her.



Sabay kaming bumaba. Nakaupo si Daddy sa harap ng hapag habang hawak hawak nito ang notebook niya. Nakakunot naman ang kilay ni Kuya Tim habang deretsong nakatingin sa mukha ko. I know that look. Araw-araw akong sinasalubong n'yan and nothing new to me.



Nakangiting lumapit ako kay Daddy upang gawaran ng halik sa pisngi ganoon din si Kuya kahit na matalim ang tingin niya sa akin. I smiled at him sweetly like there was nothing to be furious of.



"Really, Ruby? Make-up? Again?" paratang niya nang makaupo ako sa tabi ni Mommy.



Umirap ako sa kanya. "What now? It's just light, Kuya." sagot ko.


Ayaw niya ba na ganito? Nag-aayos ako to look presentable, excuse me? Magsasalita pa sana siya nang maunahan siya ni Mommy.



"It's alright, Tim. Nagdadalaga na ang kapatid mo, natural na 'yan." pagtanggol sa akin ni Mommy.


Umiling ito bago simulang sumandok ng kanin. Ramdam kong bagot siya dahil sa akin. He never wanted me to put anything on my face. Kahit hindi nagustuhan ang ginawa ko ay pinagsandukan niya parin ako ng kanin at scrambled egg.



"Have you visited the business, Ruby?" Panimula ni Daddy. Here we go again. I let out a deep sigh. "I'm passing you the responsibilities of handling our business, someday. Much better if you go with your Kuya Tim to prepare yourself for the future." Aniya Dad. Pinunas ko ang tissue sa bibig pagkatapos uminom.



"Why me? Kuya dapat sa 'yo 'yon." angil ko. Sumubo ako ng kanin.


"You forgot already? I'm taking MedTech, little sis."



Right. Minsanan na ring hindi napagkasunduan nina Daddy at Kuya Tim ang tungkol sa bagay na ito. Kahit anong pilit ni Daddy ay hindi mapapapayag si Kuya. Kaya sa huli, sa akin ipapasa iyon. I think, hindi nakikita ni Kuya Tim ang sarili niya sa larangang ito. Paano pa kaya ako? I don't have any interest in this stuff. Hindi ko nga alam kung anong business ni Daddy, pero naririnig kong nasa bayan 'yon.



"Last but not the least, try to be serious on boys. Stop toying them." habol niyang sabi bago kami magpaalam ni Kuya Tim.



Umirap ako sa hangin. Ganitong ganito siya tuwing aalis kami. Alam na alam ni Daddy ang mga lalaking nagpapadala ng mga bulaklak sa akin. Minsanan ko siyang naabutang nakakunot ang noo habang nakatitig sa mga bulaklak na tambak sa living room. Kuya Tim was really like Daddy. Walang duda, anak siya nito.



Closer (PiliFiel Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora