Ganoon nga ang ginawa ni Daniella. Pinirmahan nya ang form at pinicturan sya ng delivery man. Pagtapos ay nagpasalamat sya't sinarado na ang pintuan. Muli ay nilukob ang kwarto nya ng kadiliman.

Naglakad sya papuntang kama at inilapag ang bulaklak. Maraming tanong ang tumatakbo sa isipan nya.

Kinuha nya ang bulaklak at umupo sa kama. Tiningnan nya ang bulaklak at nakita nya ang parang card doon. Nang kuhanin nya iyon ay binasa nya ang nakasulat.

"How I wish I could taste your lips again. Until now, I can't have a proper sleep without thinking about the way you smile. You are beautiful, Daniella..."

Humigpit ang hawak nya sa bouquet at gumawa ng ingay ang papel na nakabalot doon.

Beauty is a blessing and can also be a curse at the same time. Iisipin mo palang na pasok ka sa standards ng ibang tao, kahit papaano nararamdaman nyang may mga taong tanggap sya. Pero isa ring sumpa dahil alam nyang ang kagandahang 'yon ang pwedeng sumira sa pagkatao nya.

At sa hindi inaasahang pangyayari bigla syang natawa. Mula sa mahina ay unti-unting lumalakas na dumikit na ang likod nya sa kama dahil napahiga na sya. Tapos tumigil.

Hingal na hingal sya habang pinagmamasdan ang kisameng hindi makikitaan ng kahit anong alikabok. Biglang nanlabo ang paningin nya at unti-unting bumabagsak ang talukap ng mga mata nya hanggang sa tuluyan na syang makatulog.

"Welcome to Rhea's Store!" bati ng cashier nang pumasok sya sa store na 'yon.

Pagtapos magising dahil sa malalim na pagkakatulog ay nagpasya syang lumabas at magpahangin-hangin. Kumakalam na rin ang tyan nya kaya nagpasya syang pumasok dito sa Rhea's Store nang madaanan nya.

Tiningnan nya ang paligid. Walang salamin na tulad sa 7-Eleven. Pumunta sya sa dulo ng estante na puro chips at hinanap din ang CCTV.

The cost is clear.

Pinasadahan ng kamay nya ang mga pagkain na magtatawid sa gutom nya para sa gabing 'yon.

"Welcome to Rhea's Store!" bati muli ng cashier mula sa unahan.

Kaya naman maagap na kinuha ni Daniella ang iilang mga pagkain at handa na sanang itago sa malaking jacket nya nang may humawak sa kamay nya.

Napatalon sya't mumurahin na sana ang gumawa no'n nang takpan nito ang bibig nya.

"Shhh," bulong nito sa tainga nya. "Mahuhuli ka kapag sumigaw ka. Aakalaing nanakawin mo yung pagkain nila. At ipapadamot ka ng mga pulis."

Mula sa mabilis na tibok ng puso ni Daniella ay unti-unti itong kumalma. Nang tingalain nya ang taong nagtakip ng bibig nya ay nakita nya si Drake.

Nakasalamin ito't nakasuot din ng jacket katulad nya. Inalis ni Daniella ang kamay nitong nakatakip sa bibig nya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ng dalaga.

"Bibili," tipid nitong sagot.

Tumango na lang si Daniella dahil hindi nya alam ang dapat na isagot. Iba pa rin ang kaba nya sa ginawang 'yon ng lalaki.

"Ako na magbabayad nito." Inagaw ni Drake ang mga pagkain na hawak nya. "Ano pang gusto mo?"

Dahil na rin sa gutom, hindi na nagdalawang isip pa si Daniella na maghanap ng iba pang makakain. Pati sigarilyo at drinks ay kinuha na rin nya.

Pagtapos ay si Drake naman ang namili ng kakainin at sabay na silang pumunta sa counter. Kakaiba ang tingin sa kanila ng cashier, parang may malisya. Hindi na lang iyon pinansin ni Daniella dahil nakakagulat nga naman na sabay silang nagpa-punch ng bilihin eh hindi naman sila sabay na bumili.

Cigarettes After LipstickWhere stories live. Discover now