Bumitaw siya sa pagkakayakap at parang nagtataka. "Why?"

Ha? Tinatanong niya? Siguro ay tama nga si dad na may deperensya na nga si mommy sa isip. "You hurt me last night." Sinaktan niya lang ako noong isang gabi tapos nakalimutan niya na at parang walang nangyare.

"Huh? Diba hinabilin kita sa ninang mo. Pumunta akong Probinsya anak. Ilang araw lang akong nawala. Kaya anong sinasabi mong sinaktan kita? Hindi ko yun magagawa." Maya maya pa ay hinawakan niya ako sa braso kaya naman napaaray ako. Baka pa sa aking braso ang mga paso dahil sa pananakit niya kaya naman napatingin siya sa bandang braso ko. "Did I do this?" Tumango ako na kinakunot ng noo niya.

"You're my princess kaya bakit sasaktan kita?"  Lalo akong napakunot ng noo. Gabi gabi ay kinukuha niya ako sa bahay ni ninang at lagi niya niya akong sinasaktan na walang dahilan kaya lalong nagagalit si daddy sa kanya, pag kinukuha ako ni daddy hindi siya napayag, lagi siyang nagbabanta na magpapakamatay. "Anak, hindi ako ang nananakit sayo. Kahit kelan di kita pinagbubuhatan ng kamay. Tayo na nga lang dalwa kaya bakit kita sasaktan?"

"Diba nga kaya mo ako sinasaktan dahil wala na si dad at ako ang sinisisi mo." Binawi ko ang braso sa kanya. "Sobrang laki ng galit mo sa akin."  Lalo lang nagtaka si mommy dahil sa mga sinasabi ko at nagtataka din ako dahil sa kanyang reaksyon.

Maya maya pa ay may pinakita sa akin si mommy na isang nunal sa bandang braso niya. "May ganito ba ang nananakit sayo?" Paano ko pa yun mapapansin? "Hindi kita kayang saktan, lagi mong tandaan na may nunal ang mommy mo sa may bandang braso." Niyakap niya ako na kinaiyak ko. Pero impossible na hindi siya yun, kamukhang kamukha niya yung laging nananakit sa akin. Siguro ay di lang niya naaalala.

Ginamit niya ang sugat ko ng gabing iyon at magkatabi kaming natulog. Kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam ko. Sana ganito na lang palagi. Naalala ko nung sobrang nagalit siya dahil napatakas ko yung bihag niya. Nakatitig lang ako kay mommy hanggang sa lamunin na ng kaantukan.

Nagising ako dahil sa ingay, may nagkakagulo. Madilim pa  at napansin ko ding wala si mommy sa aking tabi. Lumabas ako ng kwarto para sana silipin kung anong nangyayare at nakita ko si daddy at si mommy.

"Hindi mo makukuha si Patricia." Sigaw ni mommy. Naalala ko ang sinabi ni mommy na may nunal daw siya sa kanyang braso at sobrang kabog ng puso ko dahil wala akong nakitang nunal sa braso niya. Dali dali akong tumakbo sa kwarto at sa pagmamadali ko ay pabagsak kong nasara ang pinto. Maya maya pa ay may naririnig akong yabag papunta sa akin.

Takot na takot ako dahil pag bukas nun ay ibang mommy ang bumungad sa akin. Hinablot niya ako at hinila ang aking buhok. "Bitawan mo ako. Hindi ikaw ang mommy ko!" Sigaw ko.

Paulit ulit ko yung sinigaw habang tumatawa lang ang babae. Kinaladkad niya ako papunta sa aking ama. "Akin lang siya david, magsama kayo ng kabit mo!"

"Emilia! Ano ka ba ha. Nababaliw ka na talaga. Ilang araw ka ng ganyan." Tumawa lang siya ng malakas. "Magpapakamatay ako david." Tumawa ulit siya.

Hindi na ako makahinga dahil sa pag iyak. "Daddy, hindi isya si Mommy! Kuhanin mo na ako." Sobrang pag sisisi na hindi pa ako sumama kay daddy nung ilang beses niya akong kinukuha.

"I'm sorry patricia but..." bumuhos ang luha ko dahil ito na ang pagkakataong makukuha niya ako. Kung kelan pumayag ako saka naman umayaw si daddy.

Tumawa lang ang babae. "Makakaalis ka na David."

Humagolhol ako ng iyak habang tawag tawag si daddy. Gusto kong tumakbo at magmakaawa ngunit wala ng lakas ang tuhod ko.

Tumingin ako sa babae at umirap siya sa akin. "Hindi ikaw ang mommy ko!" Sigaw ko. "Ilabas mo na siya. Kagabi lang ay kasama ko siya!" Hinahampas ko siya habang sumisigaw.

Hinawakan niya ako sa buhok at hinarap sa kanya. "Ako ang mommy mo!" Pagtakatapos ay tinulak niya ako. Tumakbo ako papasok sa kwarto, nilock ang pinto at sa pag upo ko sa sahig, may nahawakan akong kwintas. Lalo akong umiyak dahil sa aking ina iyon, nakita ko pa na parang may dugo ito. Umiyak lang ako ng umiyak at pinapanalangin na sana okay siya at balikan niya ako.

Ilang araw ang lumipas at hindi na siya bumalik, ilang araw din akong nagtitiis sa ginagawa ng babae na kasama ko ngayon. Sa tuwing papasok ako sa eskwelahan ay sasaktan niya muna ako saka lang niya ako hindi nasasaktan kapag wala siya sa bahay. Sa araw araw na pananakit niya, namanhid na ako, natutunan kong saktan na lang din ang sarili. "I'm so stress and traumatize." Lagi kong naririnig ang tawa ng babae at ang mga ngiti niya na sobrang nakakatakot tingnan. Nasaan ka na ba mommy? Bakit di ka na bumalik?

"Mommy?" Hawak hawak ang dibdib. Napatingin ako kay tita at daddy.

"Dad si mommy, tulungan niyo siya." Sobrang gulo na ng sinasabi ko. Umiiyak na ulit ako matapos ang sobrang nakakatakot na panaginip.

"Dad."

"Patricia ano bang sinasabi mo?" Si dad.

"Ibang iba ang panaginip ko ngayon sa nakaraang panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit ang daming mukha." Napapikit ako ng madiin. Buti na lang at naaalala ko ang panaginip ko ngayon. Sobra akong naguluhan, bakit dalwa si mommy?

Napailing ako at pinahid ang luha. Sa ngayon ay ililihim ko muna kayna dad ang panaginip ko dahil masama talaga ang kutob ko. "Patricia are you okay? Anong panaginip?" Si tita at hinawakan ako sa kamay.

"Hindi ko alam tita, hindi ko na nga ulit naaalala. Hindi ko din alam kung bakit pag gising ko nagwawala ako." Pag sisinungaling ko. Ililihim ko muna sa ngayon na nakakaalala ako may tiwala ako sa kutob ko. Sa ngayon ay hahanapin ko si mommy at hahanapin ko talaga kung sino ang tunay na nanakit sa akin nung bata ako.

Huminga ako ng maluwag. "Medyo sumasakit na ulit ang ulo ko daddy. Gusto ko munang magpahinga." Dahil sa sinabi ko ay lumabas ng kwarto sina tita.

Nakatitig lang ako sa kisame. Bigla kong naalala ang kwintas. Agad akong bumangon at hinanap iyon ngunit hindi ko maalala kung nasaan iyon. Impossibleng mawala yun sa akin, tinago ko yun. Napahampas ako sa noo "hindi kaya naiwan ko sa kabilang bahay?" Pag iisip ko.

Napailing ako dahil imposible sobrang linis na linis iyon. Napaisip na lang ako, sobrang tagal na din nun kaya siguro di ko maalala, di ko din maalala ang itsura ngunit siguro kung makikita ko ulit iyon baka mamukaan ko.

Lustful Desire Series #2:Carlton Del RiosOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz