Sa sobrang kaba dala ng kabog ng dibdib ay agad nyang inilabas ang kutsilyong nasa loob ng basket nya.

"Huwag kang lalapit!" Sigaw nya, abot-abot na kaba ang nadarama nya sa isiping baka pagsamantalahan sya nito kagaya ng mga naririnig nya sa balita sa radio ng kanyang ama.

"Hindi kita sasaktan, ibaba mo 'yan." Seryosong sabi nito sa kanya.

"Masasaktan ka talaga kapag lumapit ka!" Itinutok nya ng maayos ang kutsilyo. "Bakit mo ako sinusundan?!" Nagpa-panic na tanong nya.

"Kalma, sinundan kita dahil pamilyar ka sa akin at tama nga ako, ikaw yung nagligtas sa akin noong nakaraang taon."

Napakunot lalo ang noo nya ng marinig iyon, pinilit nyang kalkalin sa isip ang sinasabi nito pero hindi nya maalala. "Iniligtas kita noong nakaraang taon? Hindi kita maalala!"

"Yung batang iniligtas mo sa ahas," pagpapaalala nito kaya natahimik sya saka lamang nya naalala na mayroon nga syang tinulungan noong nakaraang taon.

"Anong mayroon at kailangan mo kong sundan?" Salubong ang kilay na tanong nya.

"Gusto lang sana kitang kamustahin," di siguradong sagot nito.

"Hindi tayo magkakilala o magkalapit para kamustahin mo ako." Masungit na sabi nya.

"Alam ko pero utang ko sayo ang buhay ko."

"Hindi ako naniningil kaya umalis ka na lubayan mo ako."

"Bakit naman parang ang ilap mo?" Kunot-noong tanong nito saka humakbang palapit dahilan para mapaatras sya at bumagsak sa lapag dahil sa naatrasang nakausling kahoy, napatili sya ngunit mabilis naman syang inagapan ng lalake kahit pa bumagsak sya sa lapag. "Ayos ka lang?" Tanong nito.

Tinaasan nya ng isang kilay iyon. "Ano sa tingin mo?"

"Bakit ang taray mo naman?"

"Wala kang pakealam."

"Okay..." pinulot nito ang basket nya, inagaw nga iyon saka tumayo at nagmamadaling naglakad palayo pero nanlaki ang mga mata nya ng makahabol ito. "Saan ka pala pupunta?"

"Wala kang pakealam."

"Kasasabi mo nga lang,"

Napahinto sya sa inis. "Pwede ba?! Wag mo kong sundan!"

"Sasamahan lang naman kita,"

"Hindi ko kailangan."

"Ang sungit mo."

"Wala kang pakealam, lubayan mo ako!" Pagtataboy nya ngunit muling dumaan ang mga araw at palagi na itong nakabuntot sa kanya kaya naputol na ang pisi ng pasensya nya. "Pwede ba?! Tigilan mo ako!" Sigaw nya na nag-echo sa buong kagubatan.

"Bakit ba inis na inis ka sa akin?"

"At nagtatanong ka pa! Bakit kasi ayaw mo kong lubayan!"

"Gusto ko lang namang makipagkaibigan." Sambit nito na ikinahinto nya, kaibigan wala sya ng bagay na iyon, sino ba naman kasing nais makipagkaibigan sa isang hamak na katulad nya? Maging sa paaralan ay walang nais na makipagkaibigan sa kanya dahil bukod sa luma na ang mga damit nya ay ayaw ng mga ito sa isang pulubing gaya nya.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن