"Gusto ko carbo and lasagna," sabi ni Ady at tinignan naman siya ni Oli.

"Ayaw mo itlog na maalat?" tanong ni Oli sa kanya at sumimangot siya.

"Ikaw? Ano gusto mo?" tanong ni Oli at ngayon ay dalwa na silang naka akbay sa akin.

"Bacsilog," sabi ko at tumawa naman siya.

"Sige, bili na lang tayo kila Mang Rollie bago pumunta kila Jay," sabi niya at nagliwanag din naman ang mga mukha nila at naglakad na kami papuntang parking.

"You sure that you're good?" tanong ni Oli sa akin pagpasok ko sa sasakyan niya.

"Yup," sabi ko at sumandal at ipinikit ang mata ko.

"Dala ba nila mga sasakyan nila?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya habang nilolock ang seatbelt ko.

"Ikaw lang naman 'tong walang hilig sa pag-drive. Lagi kang si passenger princess," sabi niya at nginitian ko lang siya at nagsimula na siya magmaneho.

"Bacsilog lang gusto mo?" tanong niya sa akin bago bumaba ng sasakyan.

"Saka coke zero, saka yung gummies na strawberry," sabi ko sa kanya at tumango naman siya at bumaba na.

Pagtingin ko sa labas ng bintana ay nasa labas na rin sila Jay at namimili sa mga paninda nila Mang Rollie.

Itong kila Mang Rollie, tindahan siya na malapit sa school namin noong elementary at high school. Actually malapit din naman siya sa Uni namin ngayon pero walking distance lang siya sa dati. Now it's like a 30 minute drive, depends on the traffic.

Sari-sari store siya na nagtitinda rin ng mga silog, sandwiches, at shake. Pwede ka rin magpaluto sa kanila ng mga mabibili mo sa tindahan nila like pancit canton, simpleng egg, carbonara, noodles and all.

Dati sila Mang Rollie at Aling Tess ang bumuhay saming magkakaibigan. Sila ang nagpapakain sa amin ng lutong bahay. Minsan, nagbabayad pa kami sa kanila ng limang libo kada linggo, para ipagluto kami ng ulam para sa tanghalian at hapunan.

Lagi kasing wala magulang namin sa bahay, lahat either nasa abroad at doon nagtatrabaho, o kung kaya naman doon na talaga nakatira. Kaya ito kami ngayon, mga kulang sa aruga.

Habang nakatitig ako sa kawalan ay biglang may kumatok sa bintana ko.

"Gusto mo ng kwek-kwek? Meron sila," sabi ni Oli at tumango naman ako sa kanya.

"Wag mo kakalimutan coke ko ah, Zero," pagpapaalala ko sa kanya at tumango naman siya bago ako talikuran. Bago ko pa maitaas ang bintana sa side ko ulit, nakarinig ako ng bumati sa akin.

"Uy si Kenzie! Hello!" Sigaw ng isang babae at pagtingin ko ay nakatabi siya kay Jay. Sila Claire pala 'to.

"Hello," pilit na ngiti kong bati sa kanya at itinaas na agad ang bintana bago pa siya makapag salita ng kung ano pa.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Kai, na hindi nakatingin sa akin. May kausap siyang ibang babae na hindi naman nila kasama nong nasa resort.

San naman niya 'yan nadampot? Ang asim naman. Why do I care anyway? She can do whatever she wants.

Matapos ang ilang minuto ay nakabalik na si Oli habang bitbit ang mga pagkain namin.

"Hanap ka nila Aling Tess, hindi ka man lang daw nagpakita," sabi ni Oli at nakaramdam naman ako ng guilt sa sinabi niya.

"Sige, pakita lang ako saglit," sabi ko at tinanggal ang seatbelt ko at tumango naman siya.

"Skirt mo," sabi ni Oli bago ko pa maisara ang pinto ng sasakyan niya at hinila ko naman ito pababa bago maglakad.

"Kenzie! San ka?" tanong ni Jay na nakababa ang salamin ng sasakyan.

Your Guardian AngelHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin