Pumagitna siya sa dalawang lalaki at nginitian si Justin. "Okay lang. Salamat sa concern pero nag-uusap lang talaga kami."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Huwag kang mag-alala, ayos lang ang lahat."

Mukhang hindi pa rin kumbinsido si Justin pero wala na itong nagawa pa kaya umalis na lang. Binigyan ito ni Borj ng nakakalokong tingin bago siya muling hinarap.

"Such an ass," naiinis pa ring sabi nito.

Kinalma ni Roni ang sarili at hinarap si Borj. "So, Ano'ng pag-uusapan natin?" Tinanggal niya mula sa pagkakatali ang buhok at inilugay. She heard Borj gasp and his emotions changed abruptly.

Bakit ba napakabilis nitong magbago ng emosyon? Kanina lang ay para itong toro na handang manuwag.

And once again, he stared at her for what seemed like forever. May tila kung anong kuryente na dumaloy sa kanyang sistema as she noticed Borj following her actions. "What? May problema ba?"

He grunted. "Problema? Tinatanong mo ako kung anong problema?" Naningkit na naman ang mga mata nito. Muli nitong ibinuka ang bibig pero isinara din nang walang sinasabi na tila hindi makaapuhap ng tamang salitang sasabihin. "Next time, magsuot ka ng tamang damit sa tamang lugar. Hindi iyong lahat ng lalaking makasalubong mo ay sa iyo napapatingin na para kang hinuhubaran."

Napaigtad si Roni. Okay, gusto niyang mapansin siya ni Borj sa ayos niya pero ang isiping lahat ng naroroong lalaki ay ganoon ang iniisip, tila gusto niyang panayuan ng balahibo. Pero hindi niya iyon ipapaalam kay Borj.

"Thanks for the concern pero bago yata sa pandinig ko ang linyang yan? Bakit tila yata nagbago ang ihip ng hangin?"

"Kasi... Kasi... Magkaibigan tayo kaya responsibilidad kita. Baka masermunan ako ni Tatay Charlie kung pababayaan kitang mag-isa sa ganitong lugar."

"Iyon lang ba ang dahilan?" For a second there, she did not believe him.

Hindi nito sinagot ang tanong at iginiya na siya palabas ng bar. "Let's go home. Bago pa ako makapatay ng tao." Saka nito muling tiningnan si Justin na nasa counter at nakatingin sa kanila.

Roni took a deep breath and let herself be ushered out of the bar. Nagpagiya na siya kay Borj dahil baka tuluyan nang mag-away ang dalawang lalaki. Pero hindi niya maiwasang matutok ang pansin sa kamay nito na nakahawak sa kanyang kamay. Again, shivers ran down her spine. What the hell was happening to her?






BILING-BALIKTAD si Borj sa higaan ngunit sadyang mailap ang antok. Naiinis na siya sa sarili dahil hindi mawala sa isip si Roni kahit anong pilit niyang ibaling ang atensyon sa isang bagay. Her laughter, her smile, how she look at him, and the way she moved... It seemed like a virus had invaded his entire system. At wala siyang alam na gamot para mawala ang "Roni virus" na tumama sa kanya. Mula nang mag-transform si Roni from being a boyish type into a real woman, pinahirapan na siya nito. And he had been acting like a jealous boyfriend.

Man, she was driving him crazy! And every minute he was with her, it was as if she was becoming a part of him.

Kanina ay hindi niya napigilang maapektuhan sa suot ni Roni kaya ginawa niya ang lahat ng makakaya para iwasan ito. But she was so persistent that he broke his own guard. He even lost control while he was driving dahil sa higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Paano siya makakapag-relax sa pagmamaneho when all he could think of were her thighs squeezing the life out of him? A grin came with his next thought.

I can't think of a better way to die.

Ah, kailangan niya ng matinding self control para pigilan ang sarili na yakapin at halikan si Roni.

When Borj Falls in LoveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum