Napalabi naman ang bata. "Mommy ku, sowrry!"


Ginulo ko ang buhok nito at binulungan ito, "Okay lang, cute ka naman, baby ko."


Doon ito ulit napabungisngis ang paslit. Hinila na ako nito sa kusina para ipagmalaki ang mga pagkain na naroon. Nagtataka naman ako na sumunod. Ang alam ko kasi ay pansit lang naman ang niluto. Pero sa mesa ay hindi lang pansit ang aking nakita. May carbonara, cake, menudo, shanghai, fried chicken, bibingka, pizza, at puto. Mukhang ang pansit lang at ang menudo ang lutong bahay, the rest ay in-order sa restaurant. May mga box pa ng pizza sa Yellow Cab.


Ang lola ni Vien ay inasikaso ako. "Kain na, Vivi. Parating na rin sina Roda. Naliligo lang ang Tito Kiel mo, pero papunta na iyon dito."


"Kain na rin po kayo." Nahihiya kasi ako dahil pinagsandok pa ako nito ng pagkain sa plato. Alam na alam nito na hindi ako kukuha ng marami kaya ito na ang kumuha para sa akin.


Kumain na rin sila. Nakakahiya dahil hinintay talaga nila ako. Sa sala pumuwesto ang mag-asawa. Si Vien ay sa mesa kaya sa mesa na rin ako para maasikaso ito. Hindi pa rin daw kasi kumakain dahil hinihintay ako.


Habang kumakain kami ay biglang naupo rin si Isaiah sa kaharap namin. Sa mesa rin siya. Kumuha siya ng plato at nagsandok din ng pagkain niya. Pinagsama-sama niya sa kanyang plato ang carbonara, pansit, at shanghai. Tapos sa taas ay magkapatong ang dalawang pizza.


Ikiniling naman ni Vien ang mukha sa daddy nito. "Ow, Daddy ku! Di ba kanina nipapakain ka ni Wowa, sabe mu busowg ka?"


"Gutom na ako ngayon," sagot niya sa bata at saka nilantakan ang pagkain.


Kumain na rin ako. Hindi nga lang talaga maiwasang hindi ako mapasulyap kay Isaiah. Focus naman siya sa pagkain niya. Mukhang kanina pa siya gutom, at hindi ngayon lang nagutom.


Nang minsang magkasabay ang tingin namin sa isa't isa ay para akong napapaso na agad na napabawi ng mata. Naulinigan ko ang mahinang tawa niya. Nakagat ko na lang ang aking ibabang labi.


Inasikaso ko na lang ulit si Vien. Habang ngumangabngab ng fried chicken si Vien ay napuno ng mantika ang bibig nito, kaya naglabas ako ng wipes mula sa aking shoulder bag. Parang biglang nawalan naman ng gana sa pagkain ang bata.


"Baby, bakit di mo kinakain food mo?" Nag-alala naman ako. "Ayaw mo ba niyan?"


Nangalumbaba ang bata. Ang matambok nitong pisngi ay ipinatong sa munti nitong palad. "Nag-iisep pow kase ku e!"


"Ano na naman iniisip mo?" tanong ni Isaiah rito bago kumagat sa hawak na pizza. "Yayaman ba tayo riyan?"


Napanguso si Vien. "Si Ninang ku kase e, sabi galing daw aku sa pepe ni Mommy!"


Nasamid naman si Isaiah at napaubo. "Ano?!"


Pati yata ako ay nasamid kahit walang laman ang aking bibig. Malamang na ang ninang na tinutukoy ni Vien ay walang iba kundi si Carlyn. Ang babae kasi ay ang madalas na napag-iiwanan noon sa bata.

South Boys #3: Serial CharmerWhere stories live. Discover now