PROLOGUE

12 3 2
                                    


Guest ako ngayon sa isang birthday sa isang villa. Hindi ko alam kung ako lang ang inimbitahan nila pero nag sama na ako ng banda na kasama kong tutugtog.

"Anong kakantahin ko?" Tanong ko kay Matthew. Guitarist namin.

"Magpa-request ka nalang," Sagot niya habang umiinom ako ng tubig.

"Akala ko tayo lang ang tutugtog. Kasama pala natin ang 4lifers. Hmp!" Sabi naman ni Gav. Drummer namin.

Hindi na ako nagulat. Palagi namang ganito ang set-up. Kung saan kami tutugtog ay naroon din sila.

"Ano naman kung tutugtog din sila?" Tanong ko habang nag ce-cellphone na.

"Anong ano naman!? Baka mas marami pang mag-request sa kanila kesa satin!" Sagot naman ni Fria. Vocalist din namin.

"Inaamin niyo na bang mas magaling kami?" Napalingon kami sa lalaking biglang nag salita, naka-ngisi pa.

"Whatever, Hades," Inirapan ko to. Pupunta na sana sa labas pero nakaharang sila ron. Napahinto rin ako nang makita ang lalaki.

Naulanan kami ng 'yieee' kaya umalis nako. Hindi ko pa kayang makipagusap sa kanya. Kung gusto niya mag pataasan ng pride edi sige!

Dumiretso ako sa garden kung saan may pool. Umupo ako ron, wala masyadong tao.

Ayaw niya akong makita kaya umiiwas ako pero grabeng tadhana naman kasi 'to. Bakit lagi kaming nagkikita kahit ayaw namin!?

"Chiana, ano pa bang ginagawa mo r'yan? Mag pe-perform na tayo, hindi kaba mag aayos?" Tanong ni Fria mula sa likod ko.

"Tayo ba ang mauuna?" Tanong ko. Akala ko ang 4lifers ang mauuna.

Tumango na lang ako at sumama sa kanya sa loob para mag bihis. Beach theme kasi ito pero pool lang.

Nag white two piece nalang ako. Pinatungan ko ng white jogger at white shirt dress. Nag crocs din ako.

"Good evening, Everyone!" sigaw ko at sinabayan ng malakas na tugtog ni Gav. "We are here today because of our loving and thoughtful friend, Wendie! You make our world a better and brighter place — happy birthday love!" Sigaw ko ulit.

Kinantahan na namin siya ng mga kanta. Limang kanta sa banda namin at limang kanta sa 4lifers.

"Chin!" nilingon ko ito mula sa kabilang table, "Kantahan mo kami pang broken songs! Si Wendie ang nag request!" Tumawa pa.

Akala ko ba ay birthday celebration ang ganap ngayon, bakit broken songs!?

Umakyat nalang ako sa stage para tumugtog. Si Wendie naman ang nag request kaya pumayag nako.

"Hello! I don't know what 'broken songs' I'm going to play, so what I'm going to sing is the one that relates to my love experience!" I said jokingly. Nag tawanan naman sila. Sinabi ko na kay Gav ang ipa-play.

"Hey.. this is a story I hate..." Panimula ko at nag cheer naman sila. "And telling it might make me break.. But I'll tell it anyway. This chapter's about.. How you said there was nobody else.. Then you got up and went to her house, You guys always left me out." Nanahimik sila bigla.

"I still have the letter you wrote when you told me that I was the only girl you'd ever want in your life... I guess my friends were right" Parang may hinahanap ang mga mata ko dahil hindi ito mapakali.

"Each day goes by and each night, I cry Somebody saw you with her last night" Nag tama ang tingin namin. Iniwas niya naman agad yon ang sumimsim sa iniinom niya bago ibalik ang tingin sakin na nakatingin pa rin sa kanya.

"You gave me your word, 'Don't worry 'bout her'
You might love her now, but you loved me first" Pag tuloy ko. Nakatingin pa rin sa mga mata niya.

"Said you'd never hurt me, but here we are
Oh, you swore on every star" Tumingin ako kay Matthew na nakatingin sakin at nginitian ako. Binalik ko ang tingin ko sa kanya. "How could you be so reckless with my heart?"

Binalik ko ang tingin kay Ethan pero wala na siya ron. Nakita kong pumasok siya sa loob.

Nang matapos ang kanta ay bumaba na rin ako. Sinundan ko siya sa loob pero hindi ko siya makita. Pumunta ako sa balcony sa taas. Nandon siya.

Umupo ako sa tabi niya, "Hey," tawag ko sa kanya. Hindi siya lumingon kaya akto akong hihawakan siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at binatawan ng malakas, "Pwede ba!?" Nagulat ako nang lumingon siya.

"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko.

"Stop acting like you're the one who got hurt!" Sigaw niya. "Wag mong palabasin na ako ang nanakit sayo, na ako ang sumira sa kung anong meron tayo noon!" Sigaw niya ulit.

"Dahil ba sa kanta ko?" Mahinahong tanong ko sa kanya." Ethan, hindi yon para sa-"

"Oo hindi yon para sakin! kasi para sa mga lalaki mo yon hindi ba, Chin?" Sigaw niya ulit. Mga lalaki?

I scoffed, "I didn't know that you think of me like that" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Bakit, Chin? Hindi ba totoong pinag sabay sabay mo kami?" Tanong niya.

"Putangina, Ethan! Saan mo ba nakukuha yang mga pinagsasasabi mo!?" Tanong ko sa kanya. Hindi makapaniwala.

"Hindi ba ikaw naman talaga ang sumira sa kung anong meron tayo noon!?" Tanong ko ulit. I can't help myself anymore.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Bakit, Ethan? Sino bang nakipag-halikan sa babae? ako ba!?"

"Stop accusing me," seryosong sabi niya.

"Then stop accusing me too! Wag mong isisi sakin ang bagay na hindi ko kayang gawin!"

:()

Road to Escape (MIDNIGHT SERIES #4)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ