Wise: Ayaw ko na ganun ang sinasabi mo. Oo darating naman talaga ang panahon na mamamatay tayo pero alam ko hindi yun bukas. Plano ko kasing kapag mangyari man yun, sisiguraduhin kong tayo pa rin nun.

Hindi natin hawak ang kung ano man ang dapat na mangyari, Wais. Sabi ng isipan ni Vee.

Lalo pa at madalas kong nararamdaman ang pagsikip ng dibdib ko. Dagdag pa ng isipan nito.

Vee just smiled a little after what Wise said.

Na-master na ata nya ang ngumiti ng peke. Oo nga at ngumiti sya pero hindi naman iyon umabot sa kanyang mga mata.

Vee: Oo na nga, hindi na. Mangungunyapit ako sa pangako mo, Wais. (Smiles and this time, it's real.)

Nangiti na rin pabalik si Wise. Gone are the frown lines in his forehead. And then he kissed the tip of Vee's nose. That made Vee giggled.

Naglalakad na ulit sila, side by side. Holding each other's hand, tightly.

Nagsisimula na ring magpakita yung araw.

At sa 'di kalayuan ay may natatanaw silang tao.

Nagkatitigan sila at napa-ngiti. Like they already knew who's that or more like, who're those.

"Momsh! Paps!" Dinig nilang sigaw ni Oheb. Hindi na kalingan pang kumpirmahin, boses yun ni Oheb.

Kumaway si Vee bilang tugon. And Wise just tsked!

Nang makalapit sa pwesto nung tatlo ay nakangising Edward ang bumungad sa kanilang dalawa.

Wise: What?!

Pa-singhal na tanong ni Wise.

Edward: Hehehe. Wala naman paps. Saan kayo natulog kagabi? Tumakas pa kayo ah.

Sinusundot pa ni Edward ang tagiliran ni Wise habang sinasabi yun, nang aasar.

Wise: Wala ka na dun. Atsaka, tigilan mo nga yang pagsundot sa tagiliran ko.

Masungit na sabi ni Wise kaya natigil na ito.

Edward: Amp, kj mo naman paps. (Pouts)

Vee: Sa tent kami natulog, Dward.

Si Vee na ang sumagot, sinumpong kasi si Wise.

Edward: Oyy andaya. Maganda sanang mag tent lang ah, parang nag camping. May dala pala kayong tent momsh?

Vee: Ewan ko dyan kay Wais. Nakita nya lang daw yun sa kwarto nila eh.

Napapakamot sa ulong sagot ni Vee.

Edward: Madaya talaga. 'Di man lang kayo nag-aya. Anung gina...hmmp.

Hindi na natuloy ni Edward ang itatanong pa sana nang takpan ni Hadji ang kanyang bunganga.

Hadji: Ang usisero mo Dward. Ingay mo. Ayan na yung araw oh. Tahimik muna ha.

Sabi nya at tinanggal na ang palad sa pagkakatakip sa bunganga nito.

Vee: Oyy picture tayo dali, selfie. Ganda ng background natin eh.

Sumang-ayon naman silang apat. At kumuha na ng mga litrato. Pose lang sila ng pose.

Vee took more shots as she could. For memories.

Nag selfie rin sila gamit ang phone nung iba para meron din daw sila.

Nag selfie rin naman sila ni Wise na silang dalawa lang.

Pagkatapos nung selfie session ay hinarap na nila yung araw.

Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now