FOOLISH HEART 38

Começar do início
                                    

"A-ahmm... T-tita Rebecca, tito J-jasper." Pag agaw ko sa atensiyon nila. Tinaasan ako ni tita ng kilay, iyong hindi mataray na way, at nginitian ako.






"Yes, anak?" Tanong nito. Anak kase ang tawag nito saakin mula Highschool.  "May problema ba?"






"A-ano po kase eh... A-aayain ko mag date si A-alexis mamay--"





"Magdidate kayo?!" Ang oa naman ni mama!






"O-opo ma, tapos balak k-ko po sana mag propose sakaniya, a-ayos lang po--"






"Ayos na ayos anak! Kung gusto niyo magpakasal na kayo." Sigaw nilang apat. Ano ba iyan!






Nakaramdam ako ng saya dahil botong-boto talaga sila sa relasyon namin.






"Pareng Noah, ikakasal na ang anak natin!" Masayang wika ni tito Jasper kay papa at nag yakapan pa sila kaya natawa na lamang ako.





"Ang oa talaga ng dalawang ito, mareng Eurica." Saad naman ni tita Rebecca na sinang ayonan ni mama.





"Goodluck anak. Pagkatapos ng date niyo, sunggaban mo na agad." Biro ni tita kaya namula ako sa hiya. Ang hilig kase nila!






"Ate Aswiddd! Tapos na ako maligo!" Napalingon ako dahil sa sigaw nito. Buhat siya ni Alexis habang palapit saamin.





Sinalubong ko silang dalawa at hinalikan sa labi si Alexis. Nakaka adik kase ang labi niya!





"Kanina ka pa halik nang halik, mahal." Natatawang saad nito kaya napa nguso ako.





"Nakaka adik iyang labi mo eh." Sagot ko at kinuha sakaniya si Alexandra.  "May sasabihin pala ako sayo later." Ngiti ko rito.





"Bakit hindi ngayon?"




"Basta! Later na"




MA. ALEXIS PENELOPE



Nagtataka ako. Kahapon pa sweet ang babaeng ito saakin. Halik pa nang halik, ano nakain nito?




"I *kissed* love *kissed* you *kissed* so *kissed* much *kissed nakakandong ito saakin ng paharap at nakayakap sa leeg ko. Kanina pa siya ganiyan.




"I love you more" sagot ko at dinampihan ito ng halik. Ngumiti ito kaya hinalikan ko siya sa noo.





"Kanina ka pa halik nang halik ah, may kasalanan ka no?" Pinaningkitan ko ito ng mata.






Pinisil nito ang pisngi ko at tumawa.  "Kapag ba nanlalambing may kasalanan na agad?"





"Aba'y malay ko. Kanina ka pa ganiyan eh" sagot ko  "ano pala iyong sasabihin mo?" Naalala ko may sasabihin daw ito saakin eh





"Gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita." Ngiti nito kaya napangiti ako.






"Alam ko iyon. Pero ano nga kase sasabihin mo?" Bakas sa mata nito na may gusto siya sabihin, eh.






𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Onde histórias criam vida. Descubra agora