"Opo," huminga muna siya nang ilang beses bago tumayo sa harap ng kwarto ni Rhysand na katabi lamang ng sa kanya. Bukas ang seradura nang pihitin niya iyon kaya marahan na siyang pumasok sa loob. Nakita niya na tulog pa ito. Mabait pala itong tingnan kapag natutulog. Kung mabait din sana ito kahit gising ay wala talaga siyang magiging problema. Naupo siya sa bakanteng espasyo ng kama nito. He looks like a little Hedone na nakasuot ng superman na pantulog. Kamukhang-kamukha nito ang tatay nito. From thick eyebrows, pointed nose, at thin pink lips. Pinilig niya ang kanyang ulo dahil mukha na ni Hedone ang pumapasok sa utak niya. Itinuon niya ang kanyang pansin sa natutulog na bulilit. Nag-iisip siya kung paano ito gigisingin. "Hey, little boy, wake up." niyugyog niya nang mahina ang balikat nito. Gumalaw ito ngunit nag-iba lang ito ng posisyon pero natutulog pa rin. Muli niya itong niyugyog at sa pagkakataong iyon ay mas malakas para magising na talaga ito. And iyon na nga, nagising nga ito dahil sa lakas ng pagyugyog niya.

I'm still sleepy, Nana Aurora-" kinukusot pa ang mga mata na wika nito. Hindi nito naituloy ang mga sasabihin nang makitang siya ang gumising rito at hindi si Manang Aurora. "What are you doing here in my room, Slenderman? Are you going to give me to your mangkukulam friends?" pasigaw na tanong nito sa kanya na parang hindi lang bagong gising.

"Wow, what an energy, Rhysand. Dapat ganyan, umaga pa lang pero full of energy ka na," pinilit niyang ngumiti rito pero mukha yatang ang creepy ng dating niyon sa bata kaya imbes na kummalma ay mas lalo pa itong nagsisigaw.

"Stay out of my room!" itinulak siya nito para paalisin siya sa pagkakaupo sa kama nito pero hindi siya nagpatinag.

"Come on, you have a class at nine kaya halika ka na sa baba para makakain ka na ng breakfast mo." Nakangiti pa ring wika niya kahit na gusto na niya itong kurutin dahil sa pagiging over acting nito.

"No! Leave me alone! Dad!" at talagang tinawag pa nito ang tatay nito.

"Stop shouting will you? Gusto mo bang marinig ka ng mga monster sa kagubatan? Ayaw nila ng maingay na bata tuwing umaga kasi time nila iyon para matulog na."

"W-what?" biglang nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Your friends will going to eat me?" napangiwi siya sa sinabi nito pero sumabay na lang siya sa agos.

"Yeah. Baka kainin ka nila kapag hindi ka tumigil sa pag-iyak at pagsigaw at kung hindi ka pa babangon at mag-aayos but If you will follow what I say ay baka ma-negotiate ko pa sila na maging friends na rin kayo and in that way ay buburahin ka na nila sa list of bad kids na gagawin nilang breakfast, lunch and dinner." Muli na naman siyang napangiwi. Wala talaga siyang talent sa pag pacify ng mga nagta-tantrums na bata pero mukhang effective naman ang ginawa niya nakita niyang kumalma na ito ay saglit na nag-isip.

"Are you sure?" mayamaya ay paninigurado nito sa kanya.

"Of course." Mabilis siyang tumango. "Kaya halika na, baba na tayopara makakain ka na ng breakfast dahil may class ka pa later." Napasimangot ito nang baggitin niya na may klase ito.

"I hate classes. It's boring,"

"Actually, you're right but attending your classes is very important. You have to learn para kapag lumaki ka na ay magkakaroon ng maraming pera. If marami kang pera, you can buy anything that you want. Magkakaroon ka pa ng magagandang girlfriends." Nawiwirduhang napatingin ito sa kanya.

"Whatever, Slenderman." wika nito sa kanya bago bumaba ng kama at patakbong lumabas ng kwarto. Naiwan siyang napapailing na lamang. Mamaya na lang niya aayusin ang kama nito. Agad na siyang sumunod dito at baka kung anu-ano na naman ang kapilyuhang gagawin nito.

*****************************************************************

Hindi naman siya masyadong nahirapan sa pagpapakain at pagpapaligo rito dahil palagi niya itong tinatakot ngunit walang katapusang pang-iinsulto rin ang narinig niya mula rito. Like ang payat niya tapos ang panget pa ng damit niya pero hindi na lamang niya ito pinansin. Focus lang siya sa ginagawa dahil ayaw niyang siya naman ang mahirapan kapag hindi niya ito mapatino. Mamaya ay gagawa siya ng kanyang one week strategic planning sa kung paano ang mga dapat niyang gagawin. Hindi naman kasi pwedeng palagi na lang niya itong tatakutin para sumunod lang sa kanya. Mas prefer niyang tumino ito in a truest sense of a word.

"Oh, kumain ka na muna habang may klase pa si Rhysand," untag sa kanya ni Manang Aurora habang nakatayo sa gilid ng pinto at nakatingin kina Rhysand at sa teacher nito sa may garden. "Sumusunod naman iyan kay Teacher Juday niya. Sa mga nagbabantay lang talaga sa kanya siya nagiging pasaway. Maging ako tuloy ay nahihirapan na rin sa pagbabantay sa kanya. Ewan ko nga ba sa batang iyan. Hindi naman iyan ganyan dati." Nakita niyang biglang lumungkot ang mukha nito.

"Ano po ba ang nangyari?" dala ng kuryusidad ay tanong niya. Naupo pa siya sa upuan na nasa harap nito. Kasalukuyan kasi itong naghihiwa ng baboy dahil magluluto ito ng adobo.

"Nagsimulang magbago ang batang iyan mula nang mamatay ang mama niya. Dati, noong buhay pa si Ma'am Leonore ay napakabait na bata niyang si Rhysand. Napakalambing at masayahin. Ang saya nilang magpamilya lalo na si sir Hedone. Katulad ng anak niya ay nagbago na rin siya. Palaging lasing at halos inuubos na ang oras sa trabaho. Naging mainitin ang ulo at ni halos hindi na marunong ngumiti." Maging ito ay naging malungkot din ang itsura. Saglit pa nitong itinigil ang ginagawa na para bang inaalala ang lahat ng mga masasayang bagay dati.

"Bakit po namatay?"

"Naaksidente. Dalawang taon na ang nakakaraan. Sa totoo lang ay magkasama silang tatlo nang maaksidente pero si Ma'am Leonore ang napuruhan nang husto. Kaya lumipat sila sa bahay na ito dahil gusto nilang magsimula ulit. Kapag kasi nanatili sila sa dati nilang bahay ay baka mahihirapan silang magsimula ulit. Puno kasi iyon ng mga masasayang alaala nilang magpamilya. Kaya kung napapansin mo ay wala halos litrato rito sa bahay. Ayaw na ayaw kasi ni sir Hedone dahil sobrang apektado pa rin siya sa nangyari.

"Ang lungkot naman." kahit naiinis siya kay Rhysand ay hindi niya maiwasang makadaman ng lungkot para rito. She somewhat understands what it feels losing a mom dahil she lost her mom too. Ang kaibahan lang ay may edad na siya nang mawala ito because of cancer na hindi man lang nito sinabi sa kanila. Nalaman na lang nila nang hindi na nito kayang itago pa. She's very close with her kaya mas doble ang epekto sa kanya ng pagkawala nito. Losing someone you love is like breaking a glass na hindi na kaya pang ibalik ulit sa dati nitong anyo. You can glue it up all you want but the cracks will forever stays there.

"Talagang napakalungkot."

"Pero bakit ayaw niya sa mga nagbabantay sa kanya?"

"Ah, iyon ba? 'Yung una kasing nanny na kinuha ni sir Hedone ay alam mo na dahil gwapong lalaki si sir ay nagkagusto at nagsimulang lumande. Pasensya na sa salitang ginamit ko pero iyon kasi ang totoo. Nahalata siguro ng bata kaya ayun, kung anu-ano na ang pinagagawa para paalisin dito ang nanny nito. Iyan ang rason kung bakit lalaki na ang gustong kunin ni sir Hedone para bantayan ito."

"Ganoon po ba?"

"Oo, kaya kung maaari ay intindihin mo na lang si Rhysand. Pagod na rin kasi ako sa paghahanap ng magbabantay sa kanya."

"Susubukan ko po," ani niya kahit na hindi naman siya sigurado kung kakayanin ba ng powers niya. Pero ngayong may background na siya behind Rhysand's attitude, maybe she could come up with a good plan on how to tame him. Para kasing may something within her heart na naawa sa sitwasyon nito. Gusto niya itong tulungan nang bukal sa kanyang loob not because of high salary or whatever. She understands how hard it is to overcome a traumatic experiences in the past dahil maging siya ay apektado pa rin kahit ang tagal na mula noong namatay ang mom niya. She could still feel the pain and it terrifies the hell out of her sometimes. She thinks, that stuff goes the same with Rhysand. 

The Deceiver's TalesDär berättelser lever. Upptäck nu