FOOLISH HEART 25

Começar do início
                                    

"By the way. Liliana si Astrid nga pala. Astrid si Liliana" pagpapakilala nito kaya nginitian ko si Liliana, pero ang Liliana niyo pilit na ngiti lang sinukli saakin.






"Are you okay? Napapansin ko kase ang tahimik mo sa klase, yah know, if need mo ng makakausap or help. Wag kang mahiyang lapitan ako." Nakangiti kong sabi.






"T-thank you." Nahihiyang sagot nito. Grabe siya, ako lang naman ito eh. I know naman na maganda ako eh.






Nakakabilib din ang babaeng ito. Tahimik siya, ewan ko nga kung nakikinig siya sa klase or hindi.







Napapansin ko kase na palagi lang siyang naka earphone, tapos nakadungaw lang sa bintana.





Pero gays. Kapag may recitation at kapag siya ang tinawag may ibubuga naman siya.







Grabe siguro ang epekto sakaniya na nawala ang gf niya. Curious nga ako if matagal na bang wala ang gf niya or fresh pa ang pagkawala niya.





Ano kayang kinamatay ng gf niya? Gaano na sila katagal? Hays, napaghahalataan akong chismosa.






Pero never ko parin itatanong sakaniya iyon no. Kakikilala lang namin, at masiyadong personal na iyon. Need natin rumespeto.





"Mahigit limang taon na yatang wala si Shin, Liliana. Andito naman si Astrid oh. Mabait iyan si Astrid, pero di siya maganda."






Napatingin ako sa nagsabi nito at sinamaan siya ng tingin.  "J-joke lang. Maganda iyan si Astrid di lang halata." Tawa nito kaya napairap na lamang a-- wait what?! 5 years nang wala ang girlfriend niya?!






Ang tagal na pala, pero hanggang ngayon hindi parin pala siya makalimot. Well, hindi naman kase natin masisisi ang mga ganiyang tao. Malay natin first love niya yon, mahal na mahal niya ng sobra.







Pero grabe, 5 years? Mabuti at nakaya niya iyon? At bakit hindi pa siya nakahanap ng iba, mahal niya pa?






Kung ako siguro iyon baka mamatay nalang din ako kasi wala na rin naman iyong taong mahal ko.




Grabe ang tatag niya. Iyong pag iiwasan palang nga namin ni Alexis hindi ko na kaya, iyon pa kayang mawala siya ng tuluyan saakin.





Siguro kung ako mas gugustohin o mas kakayanin ko pang makita siya na may kasamang iba kaysa mawala siya ng tuluyan.






"Kung natuturuan lang ang puso at isip ko, hindi ko ikukulong ang sarili ko sakaniya." Sagot ni Liliana.





"Iyan ang huling sabi ni Shin. Wag na wag mo raw ikulong ang sarili mo sakaniya. Liliana, ayos lang naman kay Shin if magmahal ka ulit, iyon pa nga ang hiling niya sayo diba?" Malungkot na wika ni Jade.




Nakakalungkot naman talaga na makita ang kaibigan mo na ganito ang pinag dadaanan.





"I know. Sa lahat ng hiniling niya, iyon ang hinding-hindi ko kayang ibigay sakaniya. Ilang taon na siyang wala saakin, pero... Parang iyong puso ko, parang sariwa parin iyong sakit na nararamdaman ko." Ramdam ko sa boses nito ang sakit na nararamdaman niya.






Hinawakan ko ang dalawang kamay nito kaya nagawi ang kaniyang tingin sa akin.





"Ms. Ortiz, alam kong masakit ang pinagdadaanan mo. Alam kong ngayon palang tayo nag interact." Nahihiyang saad ko.  "Pero ang masasabi ko ay, naiintindihan kita- namin. I want you to know I'm here for you.  Kung kailangan mo ng makakausap andito ako para pagsabihan mo ng nararamdaman mo." Sincere na sabi ko rito at yinakap ito ng mahigpit





Naramdaman kong gumanti ito sa yakap ko kaya napangiti ako. Hinaplos ko ang likod nito para iparamdam sakaniya na may taong handa siyang samahan sa pagsubok na pinagdadaanan niya.






Kumalas ito saakin kaya hinarap ko ito na may ngiti sa labi.  "Bestfriend?" Linahad ko ang kamay ko sa harap nito.





"B-besfriend" nakangiting tinanggap nito ang kamay ko at nakipag shake hand.






Iyong ngiting hindi fake, hindi rin pilit. Kundi totoong ngiti na ang pinakita niya.






"T-thank you" wika nito kaya yumakap ako rito at kumalas din makaraan ng ilang segundo.






"You're welcome."





Naalarma ako dahil may narinig akong humihikbi. Pag tingin ko sa kaliwa ko ay nakita ko si Jade na umiiyak? Gago, bakit umiiyak ito?

Dahil ba ubos na itong pagkain niya? May dala rin siyang chivhirya- wait, diba bawal ang mga ganiyan dito?





Anong pagkain ito? Sinisilip ko ang pangalan ng chichiryang hawak niya, Mojacko?




"H-hey, why are you crying, J-jade?" Nag aalalang tanong ni Liliana at linapitan kaagad ang kaibigan nito.





"Hindi niyo ako sinali sa hug niyo!" Singhal nito kaya nakita kong natulala si Liliana. Cute.






"W-what?"






"Bongol!" Sigaw nito ulit kaya wala sa sariling natawa kaming pareho ni Liliana.






"Pfft. Tawa pa kayo, mga masasamang elemento kayo." Sagot nito at nagpunas ng mata.







"Ito na, ihahug ka na namin." Saad ko at yinakap na namin ito baka maglumpasay pa sa sahig.






"Jade, samahan mo ako sa Baguio. Gusto kong dalawin si Shin." Saad nito





"Wow, totoo ba iyan?"





"Totoong-totoo. A-astrid, if you want s-sumama ka na rin. Para maipakilala kita sakaniya." Sabi nito kaya napangiti ako.






"Gora ako riyan. Kailan ba tayo pupunta?"





"Bukas, wala naman pasok bukas." Sagot nito kaya tumango ako.





"Astray dog, nakita ko si Alexis kanina andito siya. Pero umalis din agad." Agaw pansin ni Jade





"Bakit hindi mo ako sinabihan? Sana inaya mo umupo rito."




Nandito pala hindi niya nalang inaya. Kanina ko pa siya hinahanap bakit parang nagtatago siya saakin?




"Ayaw niya eh, ano magagawa ko?"


Tinataguan niya ba ako? Iniiwasan?

𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Onde histórias criam vida. Descubra agora