"Let's enjoy, Blare! maaga pa naman."

Kumunot ang nuo ko dahil alam nya ang pangalan ko.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko? are you stalker?" Tumayo ako.

Ngumisi lang sya at binaba ang hawak na baso.

"Paano ko hindi malalaman ang pangalan ng babaeng ipagkakasundo sa 'kin pero tumanggi." Mapakla syang natawa at sinandal ang sarili.

What the f*ck!

Kaya naman pala mukha syang chinese at pamilya Wang sya? Sya ang lalaking ipapakasal sa 'kin.

Ang liit nga naman ng mundo, dito pa talaga kami magkikita.

"Wala akong gagawin sa 'yo, Blare. tinanggihan mo na ako." Nagsalin sya ng alak sa baso.

Umupo ako at sinandal ang sarili. Ramdam ko na ang tama ng alak sa 'king.

"Gwapo ka naman pero hindi talaga kita type. Wala akong pinagsisihan tinanggihan kita." Liningon ko sya at ngumiti.

"It's okay. Gwapo naman ako marami pa rin naghahabol sa 'kin."

Uminom ulit ako.

Natigil ang usapan namin ng bumalik si Stacy. Lasing na lasing rin kaya hindi nya napansin may kasama pala ako, pilit nya lang minumulat ang mata.

"Blare, may naamoy akong m-may putok." Nilagyan ko ng alak ang baso nya.

Wala talagang preno ang bibig nya katulad ko mas lalo na kapag nalalasing.

"Mukhang malakas na rin ang tama ng alak sa kasama mo." Natawa si-

"Who are you?" kanina pa kami nag-uusap pati ang pangalan nya hindi ko pa rin alam.

"Hindi mo pa rin pala ako kilala. Btw, I'm Bryle!" Nilahad nya ang kanan kamay nya.

Tiningnan ko lang iyon at hindi pinansin kaya binaba nya lang.

Lahat ng chinese may english name, baka Bryle talaga ang english name nya.

"Kaya mo pa rin ba, Stacy? o uuwi na rin tayo?" hindi ko alam kung kaya ko ba talagang magdrive ngayon. Naglilikot na rin ang paningin ko.

Nag-sign lang ng kamay si Stacy dahil mukhang hindi na rin nya talaga kayang bumangon pa.

"Ihahatid ko kayo kung hindi nyo na kaya. Trust me, Blare! Kilala ako ng pamilya mo ayaw ko pang mapahamak sa kamay ni Tito."

Liningon ko sya, sinuri ko ng mabuti ang mukha nya kung mapagkakatiwalaan ko talaga.

"Siguraduhin mo lang, Bryle." Binigay ko sa kanya ang susi ng sasakyan ko.

Kinuha nya 'yong sa kamay ko. Tatayo na sana ako ng bigla akong matumba.

Mabilis akong nasalo ni Bryle.

"Tutulungan na kita." Sinabit nya ang kamay ko sa balikat nya. Ang kamay nya naman ay na kahawak sa bewang ko.

Alam ko pa rin ang nangyayari pero hindi ako sigurado mamaya.

Iniwan namin si Stacy sa table.

Hinanap namin ang sasakyan ko kung saan nakapark.

Paghanap namin pinasok nya agad ako, nang maayos na ako iniwan nya ako at pumasok ulit ng bar para balikan si Stacy.

Ilan minuto lang dumating na rin sila. Mukhang nahirapan pa syang buhatin si Stacy dahil sa paglilikot.

"Who are y-you? Ngayon lang kita nakita," Stacy said with drunk voice.

Pinasok nya lang si Stacy dahil nakatulog din kaagad.

Umikot sya at pumasok na rin ng sasakyan, binuhay nya ang makina.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum