Pang-apat pa kami sa pila kaya nakaupo muna kami. Gusto ko ng alisin ang kamay ko sa hawak niya kaso ang higpit ng hawak niya habang may hawak na cellphone sa kabilang kamay.

Panay ang type niya kaya sinilip ko at nabasa ang nasa screen.

From: mommy
Go here, son. Take Cia with you! 🥰 I missed her. 😍🥰

Ang cute! Emoji lover si Tita! Haha, ang cute naman ni Tita!

“May emoji pa,” tumawa ako.

Nilingon niya ako. “Yes, look,” natawa rin siya. “And it’s unfair, ako ang anak tapos ikaw ang namimiss? That’s unfair.”

“Mahal ako ng mommy mo,” ngumisi ako, nagyayabang.

“Yeah, tapos mahal rin kita.”

Napatingin ako sa kaniya. “Huh?!”

“Uh, wala. It’s a joke.”

Tumingin pa ako sa kaniya bago tinuon ang paningin sa cellphone niya. Kinuha ko na rin. I took a picture of me and Luther. Simple lang ‘yon, nakangiti ako habang nakagilid ang ulo niya, nakatingin sa camera. Sinend ko kay Tita ang picture.

Wala pang minuto nagmessage na si Tita and turns out, video call.

“Hala, sagutin mo,” binigay ko ang cellphone.

“Hi, mom,” sambit ni Luther nang gawin ang sinabi ko.

“[Hi, my sweetheart Cia!]” Ngumiti si Tita Gretchen sa camera, may salamin siya sa mata at may hawak na ball sa pagitan ng dalawang daliri. “[I am so tired, darling, good thing you called! I mean, ako pala ang tumawag.]” Natawa si Tita.

“I was the one who said, hi, mommy,” reklamo ni Luther.

“[I know, but gusto ko si Cia. Tsupi ka muna, okay? Anyway, I am so tired! Ang dami kong ginagawa sa firm!]” Nakita ko ang mga books sa likod ni Tita, may mga papel rin sa tabi niya.

Firm? Law firm gano’n?

“[Tumawag lang talaga ako because of Ciara, so… bye for now. Bye kids!]” Pinatay na ni Tita ang tawag.

Tumingin ako kay Luther. "Lawyer ang mommy mo?”

Tumango siya. “Yes, she’s a Divorce Lawyer kaya takot si Dad na mag-away sila dahil baka gawin ni mommy ang profession para maghiwalay sila.”

Mahina akong natawa bago umayos. “E, ‘di ba sabi mo, nagbabalak maghiwalay ang parents mo?”

“Yes, but before… nag-usap na silang dalawa. No divorce for the sake of our family. I really thought that they ended up like that, ‘buti na lang hindi.”

Ay, buti na lang talaga! Kasi mga anak ang apektado sa paghihiwalay ng mga magulang.

Tumayo na siya nang matawag ang pangalan. Binitawan ko siya at sumunod na lang sa kaniya. Tumingin pa ako sa paligid kaso wrong timing.

Nakita ko sa dulo ng hallway si Venn, at mukhang papunta sa billing section. Humawak ako sa kamay ni Luther at humarap kung saan siya pumipirma.

Naramdaman kong may tumayo sa tabi ko kaya hindi ako makapagsalita.

“Miss, bill for Mr. Nimez.” Hala, siya nga!

“Wait a sec, Sir.”

Hala! Ang ex ko nga ang nasa tabi ko!

Nilingon ko si Luther nang magsalita siya. “Here, do you have a 100?” Tanong niya sa akin. “Your bill is nine thousand, eight hundred-fifty.”

Umiling ako. “Wala akong wallet,” sobrang hina ng boses ko, iyong siya lang ang makakarinig.

A Runaway Royalty (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें