13 - her point of view

Start from the beginning
                                    

I'm also aware too that college professor and students are not allowed to like each other or have a relationship inside the university, but my feelings can't stop me. Kung ano ang sigaw nang nararamdaman ko, mas mabuti na sundin ko iyon.

I am the grumpy and rude person to her, while on the other hand, Samantha still reciprocates kindness to me. But not gonna lie, deep inside I want to be clingy and sweet to her. Ang gusto ko ako lang at wala ng iba. Gusto ko dumikit sa kan'ya, sabay yakapin siya nang mahigpit at doon ko isisiksik ang ulo ko sa kan'ya.

In spite of that, she recognized me by being rude and always angry to her since day one. That's why I couldn't be soft and easy with her, na kahit minsan ay nadadala na ako dahil sa kan'yang mga kilos at ngiti. Baka isipin niya rin kasing gusto ko siya – well gusto ko naman talaga siya, sadyang natatakot lang ako. Magiging soft na lang basta basta which is gusto ko rin ilabas minsan.

Ayoko rin naman mag-expect na magugustuhan niya ako, dahil alam ko na aware siya sa simple rules and obligations sa University, so I'll just choose to hide my feelings for her and probably Kiefer is her type.

'Cause she's straight..

Sitting on my swivel chair, sipping a hot coffee during cold and rainy weather, thinking about the girl that I like with a smile plastered on my face, of course. And yep, that's me. This is my hobby every morning when I'm at the University and every night when I'm at my penthouse.

Always thinking about Samantha.

I'm literally obsessed with her, fucking goodness Irene!

Ano na ba ang nangyayari sa akin, at bakit siya pa? Sa dinami-dami ng babaeng magugustuhan ko at bakit siya pa? Aminado naman ako na I'm not a ruler matagal na, pero bakit sa studyante ko pa talaga.

"Hindi ka naman talaga straight noong una pa Irene, ano pa ba ang kinababaliwan mo?!" I talked to myself as if I was lunatic. I rolled my eyes in annoyance dahil hindi ko na talaga mapigilang hindi siya isipin.

"Fucking crazy, Irene!" I can't handle this anymore, I'm so obsessed with her to the point na inaalam ko ang bawat galaw at kilos niya.

Ganun na ba ako kabaliw sa kan'ya?

Kaso minsan gusto ko na lang manakit, dahil sa lagi niyang kasama si Dawn, lagi na lang si Dawn. Napaghinalaan niya pa na si Rachelle ang nagbigay ng bulaklak kahit galing sa akin 'yun, ako ang nagbigay nun kahit 'yung ice pack with letter noong first day of school, at syempre ang Sammybear niyang nickname na galing sa akin.

Sammybear is cute kaya, may paint din ako sa bahay about sa kan'ya and the title is 'Samflower'. I don't know, but I found it cute naman like her.

Sa maya mayang pag-iisip ko nang kung ano-ano tungkol kay Sammybear, nabigla naman ako nang may pumasok sa opisina ko na walang permiso at basta basta na lang kumaripas ng lakad papunta sa akin.

Wala naman ng iba kung hindi si Darlyne.

"What now, Darlyne?" I shut my eyes because of laziness and tiredness at the same time.

Dumagdag pa 'tong babaeng 'to.

"Gusto ko pong sumali sa mr. and ms. Intrams ng university, ms. Irene," She face to face uttered to me. Kung makapagsabi sa 'kin akala mo ako ang nagsimula ng patimpalak.

"I'm sorry?" Bakas sa saad ko ang pagtataka, dahil una sa lahat ang sabi ko babalikan ko siya, pero hindi ko naman sinabing siya ang isasali ko.

"I said, gusto ko pong sumali sa upcoming mr. and ms. Intramural,"

Kahit kailan talaga ang taas ng confidence niya, ito rin ang hinahanap ko kay Samantha at siguro ang magiging goal ko talaga as her trainer ay ang pataasin ang Confidence at tanggalin ang Insecurities niya sa sarili.

Miss VictoriaWhere stories live. Discover now