Chapter 1

8 1 0
                                    


"Hello Astrid!" Bati sa akin ng isang Nurse. Hindi ko maalala masyado pangalan niyang, mukhang bago pa lang siya dito sa Hospital. Lahat ng mga nasasalubong ko nginingitian ako. They don't mind na pagalagala ako dito, suki naman na ako dito since bata pa ako, kaya kilalang-kilala na nila ako.

Hay, nasaan na ba kasi si Mama. Ilang minutes na siya late. Sabi ko bumalik siya agad at yung gamot ko.

Hanggang sa matapat ako sa office ng Doctor ko, nakakapagtaka na nandoon pa si Mama kasama si Tito Charles. Tapos na yung consultation naming kanina a?

"We cannot do something improve her condition, ang ginagawa natin sa kanya nito is just extend her life. As you see swerte na siya that she reached this age."

Agad akong natigilan nang marinig ko ang sabi ni Doc. Alam ko, I can't live long. Nakailang taning na ang mga doctor ko sa akin. Milagro na kung makarecover ako, milagro na rin na tumagal ako ng 26 years. Maswerte na rin ako at mabait sa akin si Lord. I can still walk, nakakakilos pa rin naman ako, kasi huwag lang ako mapapagod.

"Wala na ba ibang options doc? Kung idala kaya natin siya sa States?"

Agad na akong umalis sa office, kahit ilang beses ko nang naririnig iyon, hindi ko pa rin mapigilan na malungkot. Anytime pwede akong mamatay and yet nakakulong pa din ako sa hospital. Walang gana akong bumalik sa kwarto ko. What should I do? Sabi din naman kasi ni doc, wala din mangyayari kahit na magpagamot ako sa States. Saka ayaw ko rin naman na umalis dito sa Pilipinas.

"Astrid, nandyan ka na pala. Nandito na mga gamot mo." Salubong sa akin ni Nurse Jane, siya ang nakaassign na nurse na nag-aalalaga sa akin. Actually, siya ang pinakamatagal kong Nurse, request ko kay Mommy. Maalaga naman ang iba kong naging Nurse, pero mas napalapit ang loob k okay Nurse Jane. Halos ate na ang turing ko sa kanya tapos nakakakwentuhan ko siya madalas, madaldal kasi siya, kahit lovelife niya alam ko. Meron din siya kinukwento sa akin na best friend niyang lalaki, minsan nga nadalaw na sa akin yun, tahimik siya, pero ok din kasama.

"Blooming ka today Nurse Jane." Sabi ko nang inabot niya sa akin yung gamot ko.

"Siyempre inlove ako, kanina niya pinadalhan niya ako ng lunch saka rose. Ang sweet diba?" Tumango ako sa kanya, abot tenga pa ang ngiti niya kung magkwento. Ganyan siya lagi kapag kinikilig sa boyfriend niya tapos namumula pa ang kanyang pisngi. I wonder how falling inlove feels like? I have ideas, about it base sa napapanood ko or kaya sa nakukwento sa akin, gaya ng mga stories ni Nurse Jane.

"Masaya ba talaga mainlove?"

"Oo naman, kasi minsan hindi lagi masaya, minsan nasasaktan ka din. Pero alam mo, mas matimbang pa din yung happy moment na mararansan mo."

Mapait akong napangiti. May chance kaya ako na maranasan iyon, sabi kasi sa akin ni Doc, bawal sa akin ng extreme emotions gaya ng love. Ayoko naman din macurious na subukan ko, buhay ko pa kapalit. Saka wala pa naman akong nagugustuhan. Anyways privelged naman ako sa pagmamahal, hindi naman nagkulang ang mga tao sa paligid ko. Kahit na hindi kami magkadugo ni Nurse Jane mahal niya ako. Si Mama siyempre love na love ako, pati na rin si Tito Charles, kahit hindi ko siya totoong daddy. Isama ko na rin yung kapatid ko na si Charlotte, hay namimiss ko na makipaglaro sa kanya.

"Sabi niya lalabas kaming dalawa, out of town. Kaso tumanggi ako, kasi syempre alaga kita." May halong lungkot ang mukha niniya, pero agad din naman siyang ngumiti.

"Pwede ka naman mag-leave. Ok lang naman ako sa ibang Nurse, kita mo naman famous ako dito." Taas noo kong sabi, mukha naman siyang masaya dun at ayaw ko naman maging hadlang doon. Ginagawa naman niya ang trabaho niya ng maayos so deserve naman niyang lumabas-labas.

ASTRID (12-Chapter Series)Where stories live. Discover now